Napaisip si Adelaide Leia Zara Esmond, kung narcissistic ang second prince, bakit ito nagkagusto kay Isabella? Mataas din for sure ang pride nito at hindi niya hahayaan ang sarili na magkagusto sa isang katulad ni Isabella na nang galing sa Outer Kingdom. Siguro ay nagustuhan ito ng Second Prince dahil sa rare magic ni Isabella? Hindi rin kasi sinabi sa novel kung ano nga ba ang dahilan kung bakit nagkagusto ang Second Prince dito. Hindi rin kasi pinapansin ng ibang readers ang reason dahil ang gusto ng mga ito ay damihan pa ni Yellan ang scene ni Isabella at Raymond.
Natapos na ng hapunan ang mag ama ka naman ay bumalik na si Danovan Roy Esmond sa kayang library upang mas paghandaan pa ang Festival.
(Archbord Spring Festival, Day 1)
Ito ngayon ang unang araw ng Festival. Ang mangyayari ngayon ay magbibigay ng talumpati ang Emperor at opisyal na itong bubukasan. Magkakaroon ng parada at kung ano ano pang mga pakulo ng mga tao. Kasama na dito ang mga commoners at nobles. Sila rin ay naghahanda na.
Dumalaw naman si Raymond sa Right Duke Mansion at laking gulat nito sa mga nakita. Hindi pa kasi siya nakakita ng ganoong mga palaro.
"Napaka saya naman rito." Nasambit nito.
Humaba naman ang ilong ni Zara sa yabang. Siyempre, siya yata ang may ideya nito! "Kuya, gusto mo bang subukan ang mga palaro at tikman ang mga pagkain?" Tanong niya.
Masaya naman itong tumango at tinikman ang iba't ibang pagkain, kabilang na doon ang fishball, kikiam at squid ball.
Nagliwanag ito sa natikman. "Hmm! Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong pagkain!" medyo namamanghang sabi nito.
"Hehe! Talagang hinanap ko po Kuya Ray ang mga ingredients upang magawa ang masarap na pagkain na yan! At bukod doon, kapag opisyal na nagsimula na ang Festival ay libre iyan para sa lahat!" Masayang sabi ni Zara.
Sa earth kasi ay tinatamad siyang lumabas at bumili ng mga street foods kaya naman ang ginawa niya ay naghanap sa youtube ng video kung papaano ito gawin.
Hindi nila na pansin na nalalapit na pala ang talumpati ng Emperor kaya naman ay agad silang pumunta ng bayan para masaksihan ito. Isa lamang simpleng damit ang suot ni Zara para hindi mapunta sa kanya ang atensiyon ng mga tao. Ganon rin ang kanyang ama at si Raymond. May ilang nga lang na nobles na nakakakilala sa kanila na binabati sila.
Biglang napatingin silang lahat sa harap ng biglang may tumunog na parang drum. Nagsigawan ang lahat ng biglang dumating ang emperor at kasama nito ang tatlong prinsipe. Nagulat si Zara dahil ang itsura ng Emperor sa kanyang isip ay isang matandang malaki ang tiyan. Ngunit ang Emperor sa harap niya ay matipunong middle age man na walang balbas. Mukang nasa 40s pa lang ito.
"Isang magandang araw sa inyong lahat. Ngayon ay pormal na naman nating i-bubukas ang Archbord Spring Festival!" Nagsigawan ang mga tao sa tuwa, may mga banda rin na tumutugtog. Itinaas ng Emperor ang isa nitong kamay at nagsitahimik ang lahat. "Isa na naman biyaya ang ibinigay sa atin ng bathala, sana ay hindi natin siya biguin at patuloy na pahalagahan ang lupa na bigay niya sa atin! Muli, isang maganda umaga sa inyong lahat!"
Umalis na sa harap ang Emperor at ang mga kasama nito. Pati si Zara ay nahawa sa mga siglang ibinibigay ng mga tao. Natawa naman sina Danovan at Raymond at nakisaya na rin. Nagsisisayawan ang mga tao at isa na doon si Zara. Bumalik naman si Danovan upang asikasuhin ang pakulo nila, si Raymond naman ay may pupuntahan raw. Naiwan siyang mag-isa na nakikisaya rito sa bayan. Ngunit sanay naman siya. Noong mga ganitong taon rin siya active masyado. Noong tumanda lang siya saka lang siya naging adik sa internet at sa kung ano ano pang materyal na bagay.
Nang matapos ang tugtugin ay pagpaalam siya sa mga tao. Masaya naman siya kinawayan ng mga ito kahit hindi niya mga kakilala.
"Hay. Ang saya!" Natutuwa niyang sabi. Naglibot libot pa siya at may nakitang nagtitinda ng mga kung ano ano. Napansin niyang may nagbebenta ng lumpia at turon.
Pero bigla na lang siyang napahinto dahil may nakita siyang isang lalaki na may... pulang buhok.
"Redy...?" nang sambitin niya ang pangalan ni Redy ay bigla naman nawala sa paningin niya ang lalaki dahil sa maraming tao. Tinawanan niya ang sarili at biglang nalungkot. Napabuntong hininga na lang siya.
"Binibini." Nagulat si Zara dahil may lalaki na pala na nakatayo sa harap niya. Naka ngiti ito at medyo maginoo ang dating. Naka suot ito ng parang pamprinsipeng kasuotan. Napaka ganda ng light blue-ng mata nito na para bang nakakapagpakalma ng pakiramdam. Bukod rito ay mayroon din itong blonde na buhok. Isa siyang tipikal na Englishman sa Earth. "Nagkakasiyahan ang lahat ngunit bakit ang isang magandang binibini na katulad mo ay may lungkot sa mga mata?"
Napahanga si Zara dito dahil napansin ito ng lalaki. Ngumiti siya ng bahagya ngunit hindi niya sinagot ang lalaki.
Nakangiti pa rin ang lalaki at hindi ito na nayamot o nagdamdam sa kanyang naging reaksyon. Itinaas nito ang dalawang kamay sa kanyang dibdib ang ng chant na hindi maintindihan ni Zara, pero alam ni Zara kung anong magic ang ginagamit nito; Plant Magic.
Hindi nga nagkamali si Zara dahil may namuong blue rose sa kamay nito at ibinigay sa kanya.
'Mukang magaling ang taong ito.' naisip ni Zara. Dahil ang tao lamang na makakagamit ng Plant Magic ay eksperto sa Water and Earth Magic. Nakangiti naman tinanggap ni Zara ang bulaklak.
"Salamat, Ginoo." kahit papaano ay nawala sa isip ni Zara ang lungkot na ipinakita niya kanina.
"Hindi bagay sa iyo ang malungkot na mata, nasisira nito ang iyong kagandahan." Sabi nito na ikinabigla naman ni Zara.
Nilalandi ba siya nito? Yoon agad ang unang pumasok sa isip niya pero agad rin namang binalewala. Sino ba naman ang may matinong utak ang lalandi sa isang katulad niya.
Iyon ang nasa isip ni Zara pero sa isip ng lalaki ay napakaganda niya. Mayroon siyang makapal at mahabang itim na itim na buhok. Bukod pa rito ay nakakabighani ang kulay lila na mata niya. Simple manamit hindi katulad ng iba na halos gawin ng dekorasyon ang sarili.
"Ah!" Biglang may naalala si Zara at napa taas ang boses. "Pasensya na Ginoo, ngunit kailangan ko na palang umalis! Maraming salamat sa asul na rosas." Ngumiti siya at tumakbo paalis.
Nakita ng lalaki na kumaway pa ito sa kanya bago mawala sa paningin niya dahil sa dagsa ng tao.
"Hindi ko man lang nalaman ang pangalan ng magandang binibini." Napailing na lang ang lalaki at unti unti ring nawala sa agos ng mga tao.
(A/N: Oh? Sino naman kaya ang person na iyon? Ano naman kaya ang role ng lalaking iyon sa buhay ni Zara? Kaibigan o kalaban?)
![](https://img.wattpad.com/cover/177707915-288-k307748.jpg)
YOU ARE READING
The Two Side Characters
Ficção AdolescenteNabuhay muli si Avah sa katauhan ni Adelaide Leia Zara Esmond, isang side character sa novel na kayang binabasang "Land of Sorcerer". Ang buhay niya ay agad ng nadiktahan. Paano niya kaya mababago ang nasa story line ng novel na nakatakda ng mangyar...