Chapter 12

9 1 0
                                    

Phoenix Shot Tower as Tower of Sorcerer in Vessanna

Tower of Sorcerer in Vessanna.

"Redy..."

Napaka nostalgic na pangalan.

"Redy... na saan ka ba?"

Biglang nagising ang Lord ng Tower of Sorcerer. Hinawakan niya ang ulo niya at napailing. "Mukang kailangan ko na talaga siyang makita."

Na-realize ng Lord ng Tower na nag form silang dalawa ng prinsesa niya ng bond. Kaya naman hindi siya nito makakalimutan at parehas lang din sa kanya. Ngunit ang tanong doon ay hindi niya napansin na may bond na palang naganap sa kanilang dalawa.

Tumayo siya at tumingin na naman sa iisang diresyon; ang Archbord. Sobrang nagtataka siya. Napa sacred ng bonding ng dalawang tao. Nangyayari lamang ito sa dalawang taong nagmamahalan; halimbawa na dito ang mag-asawa.

Ngunit silang dalawa ng prinsesa niya ay walang naganap na ganon. 5 taon din ang lumipas bago niya nalaman na isa pala itong bond. Ayon sa mga nabasa niya, sa isang tao ka lamang pwedeng mag bond, at ang bond na iyon ay panghabang buhay na.

Kung iisipin ay kailan man ay hindi siya; ang Lord ng Tower of Sorcerer ay makikipag bond sa iba, ngunit nangyari. Pero habang iniisip niya na may bond silang dalawa ng prinsesa niya, imbis na mainis ay para bang may tuwa sa puso niya.

"Kung malalaman ito ng ibang elders ay baka ipa-kidnap na nila ang prinsesa ko at ipakasal sakin." Hindi masamang ideya ngunit ang nais niya ay siya mismo ang gagawa ng paraan para mas lalong ma bind sa kanya ang prinsesa niya.

"Hindi pang habang buhay ang pamamalagi ko rito sa Vessanna. Mukang kailangan ko na siyang mapasakin bago mahuli ang lahat..." sambit niya.

Right Duke Mansion.

Maagang maaga ngunit namumula ang muka ni Adelaide Leia Zara.

'BAKETT!?' sigaw niya sa utak.

"Miss..." narinig ni Zara ang nag-aalalang boses ni Melissa. "...pag gising niyo pa lang po ay mapulang mapula na ang inyong muka. May sakit po ba kayo?"

Umiling siya mas lalong umakyat ang dugo niya sa ulo ng maalala niya na naman ang panaginip niya. Oo, nang dahil sa panaginip ay nagkakaganyan siya. Sa panaginip niya kasi ay paulit ulit niyang hinahanap si Redy!

Nahihibang na siya! Bakit niya tinatawag si Redy sa panaginip niya na para bang... miss na miss niya na ito?

"Melissa..." namumula siyang tumingin dito. "...sa tingin ko... malala na ako."

"Miss!?" nabiglang sigaw ni Melissa at napatingin naman ang ibang mga maids. Bigla ring bumukas ang pinto at iniluwa non ni Zayd.

"Anong nangyari?" Agad na tanong nito ngunit kalmado.

"Ang miss! Mukang malala na daw siya sabi niya!" Panic ni Melissa. "Hala Zayd, anong gagawin natin! Anong sasabihin natin sa Right Duke kung sakaling may mangyaring masama sa miss! Lalo na ngayon! Tignan mo at ang pula pula ng muka niya."

Hindi naman na pinansin ni Zara si Melissa dahil nag enter siya sa parang isang trance. Doon ay iniisip niya kung ano ang nangyayari sa kanya. Sa katunayan ay dapat matagal niya ng nakalimutan si Redy dahil ilan taon din itong hindi nagpakita sa kanya. Kung ibang tao ay ganito rin ang panaginip, for sure hindi big deal iyon. Ngunit bakit ganyan ang naging reaction niya. Para bang... may ginagawa siyang masama pero wala naman?

Malapit ng mag over heat ang ulo ni Zara kakaisip.

"Mukang kailangan ko na siya uling makita." unconscious na sabi niya.

"Hah? Sino po miss ang gusto niyong makita? Sabihin niyo lang po sakin at ipaparating ko po sa Right Duke." sagot naman ni Zayd.

Agad umiling si Zara. Matagal na simula ng umalis si Redy, pero bakit pakiramdam niya ay malapit na itong dumating? 'Konting panahon pa.'

Dahil ayaw ni Zara na iparating sa Right Duke ang kalagayan niya ay nag stay na lang muna siya sa chamber niya upang mag meditate. Kung nasa real Earth siya ay hindi niya susubukan ang mag meditate dahil mas gugustuhin niya pang mag puyat at magbasa ng novels na kinababaliwan niya.

Pinakalma niya ang puso at isip niya. Nang maibukas niya ang kanya mata ay maghahapunan na kaya naman agad iyang lumabas at pumunta ng dining area. Naroon ang kanyang papa na hinihintay siya. Agad naman siyang napangiti.

"Papa." tawag niya dito. "Kamusta po papa ang preparasyon niyo para sa gagawin natin sa Archbord Spring Festival?"

"Maayos naman ang preparasyon, Zara." sagot naman nito sa kanya. "Napakaganda ng iyong naisip na maaring gawin sa Spring Festival. Sa tingin ko ay palagi na natin itong gagawin kapag sumasapit na ang Festival."

Sa Archbord Spring Festival, kailangang sumali ng mga officials. Napaka thoughtful ng emperor para gawin ito. Marami mang discrimination na nagaganap sa mga noble at commoners, kailangan pa rin nilang makisalamuha upang mapagtibay lalo ang mga pakikisama ng mga ito. At kung may pinaka sikat man na noble, hindi man sa pagmamayabang, sila iyon at ang Left Duke. Ang una kasing may pakana nito ay ang dalawang magkaibigan. Ang mama niya at ang ina rin ni Raymond.

Pero ngayon si Zara naman ang may pakulo sa gaganapin na Spring Festival. Isa na doon ang Feeding Program, mga booths, at may mga play na libre sa lahat ng tao. Gaganapin ito sa harap ng Right Duke Mansion at isa siya sa mga organizer ng mga programa na ito. Excited na siya dahil pangarap niya nito noong nasa Earth pa siya. Pero hindi niya natupad dahil din sa hirap ng buhay. Gustong gusto niya talagang tumulong dahil naaawa siya sa mga batang namamalimos o kaya naman ay nag nanakaw para lamang may makain.

Sobrang suporta naman ang papa niya sa kanya kaya naman ginagawa niya talaga sa abot ng kanyang makakaya upang lalong maging maayos ang kanilang magiging programa.

"Nga pala Zara, mukang nabalitaan ng Emperor ang iyong naisip at naging interesado ito. Baka sa darating na Spring Festival ay dumalaw siya rito kasama ang tatlong prinsipe." Balita nito. Tatango tango naman siya ng bigla siyang matauhan.

"Po!?" napasigaw niya.

Nagulat naman si Danovan sa reaksyon niya. "Hindi ka ba masaya na dadalawin ka ng Emperor? Napakalaking karangalan iyon." sabi nito.

'Hindi ko Pa kailangan ng karangalan.' sasabihin niya sana pero baka sabihin ng papa niya na ayaw niya sa Emperor. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit siya nagulat. Dahil sa darating na Spring Festival ay makikilala rin ng tatlong prinsipe si Isabella. At ang tatlong iyon ay karibal rin ni Raymond. Hindi rin actually masasabi na karibal dahil simula rin ay may gusto na si Isabella kay Raymond, hindi niya lang alam dahil mas mahalaga kay Isabella ang kalayaan at pag-aaral ng magic.

"Hindi naman po papa sa ayaw ko, pero baka po may kung ano man ang mangyari pag nalaman ng iba na dadalaw ang Emperor at ang mga prinsipe sa program natin." Agad ng lumabas sa bibig ni Zara ang isang maliit na kasinungalingan. Hindi naman kasi niya maaaring sabihin kung ano ang mangyayari sa hinarahap, hindi ba?

Natawa naman si Danovan. "Wag kang mag-alala Zara dahil may mga Black Battalion ang Emperor na nakatago lang sa kung saan. Binabantayan nila palagi ang Emperor at sila ang mga first class na assassin ng Archbord Country. Kaya hindi mo kailangang mag-alala sa pagdalaw ng Emperor dito."

Napabuntong hininga na lang si Zara. Mukang wala siyang magagawa. At meron pa kasi siyang isang dahilan kung bakit ayaw niyang papuntahin dito ang emperor at ang mga prinsipe. Ayaw niya rin kasing makita ang second prince na gumamit ng inpluwesiya upang mapaalis siya sa Valerian Academy.

Iniisip niya pa lang ay nanggigigil na siya. Pero dahil wala pa naman siyang ginagawang masama kay Isabella baka hindi mangyari iyon. Ayaw niya rin naman itong kaibiganin dahil ayon sa novel ay isa itong narcissistic. Hmf! Ayaw niyang maging kaibigan ang isang prinsipe na akala niya siya ang pinaka super gwapo sa buong universe. 

The Two Side CharactersWhere stories live. Discover now