Nang napaupo si Adelaide Leia Zara Esmond sa simento ay dali-daling namang sumugod si Raymond. Pinigil niyang hindi mawalan ng malay pero nawalan siya ng lakas kaya naman unti-unting bumabagsak ang katawan niya sa simento pero nasalo ni Raymond ang ulo niya.
"Zara!" Sigaw ni Raymond.
"Ate!" Sigaw naman ng mga batang beast people.
Sumakit naman ang puso ni Zara dahil nakita niya ang mga nag-aalalang mukha ng mga bata. Pinilit niyang ngumiti ang nilalabanan pa rin ang pagkawalang malay. "A-ayos lang ako... wag kayong mag-alala." Sabi niya at agad tumingin kay Raymond. "S-simula ngayon ay pamilya ko na silang lahat, paki balik sila sa bahay. Pasensya na kuya pero..."
Mas lalong nahilo si Zara at unti-unting nagdilim ang kanyang paningin at nawalan ng malay.
Kinabahan si Raymond pero kalmado pa rin siya habang binuhat ng princess style si Zara. Si Isabella naman na nakatayo ay parang natauhan at nagsalita. "Mukhang naubos ginoo ang kanyang magic power. Kung iyong pahihintulutan ay nais ko itong dagdagan kahit kaonti lamang?"
Napatango naman agad si Raymond dahil may naramdaman agad siyang koneksyon sa babae. Pakiramdam niya ay wala itong gagawing masama kay Zara. Lumapit ito at ipinatong ang dalawang kamay sa dibdib ni Zara. May puting liwanag ang lumabas dito.
'Light Magic.' Naibulong ni Raymond sa sarili.
Ilang minuto na ang nakalilipas pero hindi pa rin mawala ang putla sa mukha ni Zara kahit patuloy pa rin itong binibigyan ni Isabella. Nagsisimula na rin kasing pawisan at mamutla si Isabella. Agad nag-alala si Raymond at pinahinto si Isabella dahil kung hindi nito ititigil at baka ito naman ang mahimatay.
"Tama na." Sabi niya ngunit makulit si Isabella at hindi pa rin tumigil. Ginamit ni Raymond ang isang kamay at ipinatong ito sa ulo ni Isabella. Ngumiti siya at sabing, 'Ako na ang bahala sa kanya."
Ayaw man tumigil ni Isabella ay hininto na niya. Napaisip siya, 'Mukhang mahina pa ako masyado, kaya naman mas mag-aaral pa ako ng sobra para matulungan ko ang ibang tao at mga beast people. Yoon ang dahilan kung bakit ako nasa Inner Kingdom.'.
Napansin naman ni Raymond na nagsisimula ng dumating ang Royal Guard. Nagulat siya dahil kasama din nito ang tatlong prince. Kung makikita ito ngayon ni Zara ay pamalamang ay lilipad na ang kaluluwa niya papuntang langit. Ito ang kaganapan na ayaw niyang masalihan pero nandiyan siya at walang malay.
"Left Duke." Bati ng tatlong prince at agad napatingin sa babaeng buhat-buhat nito. Napansin nila na pamilyar ang babae na buhat nito. Napatingin naman ang mga ito sa mga batang beast people na wala man lang kahit isang sugat. Nagtaka sila dahil karamihan sa mga nasagip nila noon ay puno ang mga ito ng pasa at ang iba ay wala ng buhay na makikita sa mga mata. Ngunit ang mga batang ito ay...
Tinanong ng First Prince ang isa sa mga bata. "Sino ang naghilom sa inyong mga sugat?" diretsong tanong nito.
Agad namang umiyak ang bata at napatingin sa babaeng buhat ng Left Duke. "S-si Ate... siya ang gumamot saming lahat. Kaya naman... kaya naman nawalan siya ng malay. Bohohoho... Kapag may nangyaring masama kay Ate hindi namin mapapatawad sarili namin..." Iyak nito.
Napatingin ang tatlong prinsipe at doon pa lang nila nakilala si Zara.
"Binibini?" Tanong ng 3rd prince dito. Siya lang naman ang lalaking nag-bigay ng asul na rosas kay Zara.
"Ah! Siya yun babaeng magaling sa wind magic." Sigaw naman ng 2nd Prince. "Siya ang sumagip sa mga batang beast people?"
Hindi man nagsalita ang 1st Prince pero may gulat sa mga mata nito.
Nagtaka naman si Raymond dahil bakit parang kilala nila si Zara, pero dahil sa kalagayan nito ngayon ay hindi niya muna tinanong ang mga ito. "Paumanhin po, ngunit maaari ko ba munang maiuwi si Zara upang magamot? Lumalala na ang putla niya." Magalang na sabi ni Raymond.
"Zara? Zara pala ang pangalan ng binibini." mahinang usal ng 3rd Prince. Kinabisado rin ito ng dalawang prinsipe.
Tumango ang tatlo. "Guard! Tawagin niyo ang Royal Doctor at samahan ang Left Duke upang magamot itong binibini. Dali!" sigaw ng 1st Prince at agad naman itong tumalima. Tumango si Raymond at agad tumakbo at isinama ang lahat ng mga batang beast people sa Right Duke Mansion.
Right Duke Mansion.
"Right Duke! May nangyari po sa lady!" Nagbabasa si Danovan Roy Esmond ng mga report ngunit naantala ito ng marinig niya ang umiiyak na boses ni Melissa. Nang marinig niya ang 'lady' ay agad siyang napatayo dahil si Zara lang naman ang tinutukoy nito. Napaisip siya, hindi na naman kaya... pinigil niya ang isip dahil ilang taon na rin ng umapaw ng magic power ni Zara ang namuhay naman ito ng mapayapa ng 10 taon. Pinapanalangin lang niya na sana hindi iyon ang problema.
Naabutan ni Danovan si Raymond kasama ang... Royal Doctor? Madaming tanong sa isip niya ngunit inisang-tabi muna niya ito at agad na lumapit sa maputlang mukha ni Zara.
"Anong nangyari?" Tanong ni Danovan kay Raymond. Tumango naman si Raymond at sinabi ang mga nangyari. Ang naramdaman ni Zara; ang paggamit nito ng Ice magic at ang sinabi ng mga batang beast people na ginamot nga daw sila ni Zara.
Hindi naman makapaniwala si Danovan dahil ang tanging ginagawa ng anak niya ang pagtakbo sa bakuran nila, pag circulate ng magic nito at paginom ng Earl Grey. Ang alam lang niyang magic nito ay Wind Magic dahil minsan ay ipinakita nito na lumipad ito at agad naman siyang namutla sa kaba.
Simula non ay hindi na ito gumamit ng magic kaya papaanong... Mukhang marami pa siyang hindi alam sa anak ngunit kung may dahilan man kung bakit hindi ito pinapakita ni Zara sa kanya, naniniwala siya na para sa ikabubuti nila ito.
Namumutla ang Royal Doctor habang lumalapit sa kanila. "Binigay na po namin ang halos lahat namin Magic Power sa binibini ngunit parang isang patak lamang ang aming magic sa kanyang katawan." Umiiling iling na sabi nito.
"Kung gayon ay ano po ang maaari naming gawin?" Tanong ni Danovan.
Pagod naman na ngumiti ang Royal Doctor. "Pahinga lamang ang kailangan niya. Dinagdagan lamang namin ang magic power na naubos sa kanya upang hindi mapatagal ang kanyang paghilom." Sabi nito.
Nakaramdam naman ng ginhawa ang dalawa sa narinig. Nilapitan nilang dalawa si Zara na payapang natutulog.
"Pinag-alala mo kami baby." Nakangiti ngunit nag aalala pa rin na sabi ni Danovan sa anak. Napatingin naman siya kay Raymond. "Hindi ba't may kailangan kang asikasuhin? Ayusin mo muna yoon Raymond, tsaka ka na lang bumalik dito."
Nag-aalangang tumango si Raymond at tumayo. Binigyan niya muna ng pahuling tingin si Zara at saka umalis.
Pagkalabas nito ay pumasok naman ang sekretarya ni Danovan. "Duke, kailangan na pong maipasa ang mga papeles." Sabi nito.
Nakatingin si Danovan sa anak habang tumatango. "Sandali lang, Zara. Tatapusin ko lang ang aking gawain." sabi nito na para bang naririnig siya ni Zara. Iniutos naman ni Danovan na bantayan ni Zayd ay Evehart ang pinto ng chamber ni Zara.
Nang nakaalis ito ay may isang portal ang lumabas sa tabi ng kama ni Zara. Ang lalaki ay may pulang buhok at amber na mata na unti unting naging puti.
"Tuwing makikita na lang kita prinsesa ko ay nasa higaan ka palagi." nakangiting sabi nito.
A/N: I'm really sorry for the late update. May exam ako for four days kanya naman, kayod talaga. Enjoy the story though. Sana hindi pa kayo malawala. Hihihihi
![](https://img.wattpad.com/cover/177707915-288-k307748.jpg)
YOU ARE READING
The Two Side Characters
Teen FictionNabuhay muli si Avah sa katauhan ni Adelaide Leia Zara Esmond, isang side character sa novel na kayang binabasang "Land of Sorcerer". Ang buhay niya ay agad ng nadiktahan. Paano niya kaya mababago ang nasa story line ng novel na nakatakda ng mangyar...