Magbabago kaya ang story line kung magkakaroon si Adelaide Leia Zara ng isang cute at magaling na pet na katulad ni Overkill? Siguro hindi. Kaya naman masayang nakikipaglaro si Zara kay Kil. Kil ang nickname niya para kay Overkill.
Habang hinahanap niya si Kil, napaisip naman siya about sa mangyayari sa Great War. Nang matapos ang Great War at naikasal si Isabella at si Raymond ano kaya ang nangyari sa pinuno ng Tower of Sorcerer sa Vessanna?
Matapos kasi ito magtakda ng Great War ay nawala na lang ito na parang bula. Namatay kaya ito? Hmm... for sure buhay ito dahil siya ang pinakapinuno ng Tower of Sorcerer after all. Pero madami ang nagsasabi sa forum na na-realize nito na mahal talaga ni Isabella si Raymond. Naalala niya ang scene ng Great War, montik ng mamatay si Raymond dahil sa pag ambush ng dalawang pinakamagaling na tagasunod ng leader ng ToS (Tower of Sorcerer). Nakita ito ng Leader kaya siguro doon niya na-realize? Pero hindi niya naman pinatigil ang Great War hanggang sa matalo talaga ang Vessanna. Siguro pride na rin ng mga taga Vessanna.
Hindi rin kasi nag bigay si Yellan ng note kung ano ba talaga ang nangyari dito basta noong natapos na ang novel ay hindi na rin nag-update si Yellan ng author's note. Marami tuloy na katanungan ang hindi masagot. Umasa na lang ang iba sa mga critique ng mga avid reader ni Yellan simula ng umpisa. Kaya naman yoon na lang din ang pinaniwalaan ni Zara. Kahit may sarili siyang opinion sa nangyari, sinarili na lang niya.
"Nasan na kaya si Kil." Napatanong siya sa sarili dahil malapit na pala siya sa core ng Rose Maze na gawa kanyang mama para sa kanya.
Nang makarating siya sa Core ay napansin niya ang isang lalaki na may kulay pulang buhok. At katabi nito si Kil sa bench. Napatingin ito sa kanya at napanganga siya dahil sa ganda ng mata nito. Kulay white! As in white! For sure hindi yan contact lens at hindi rin bulag ang lalaki. Basta pakiramdam niya lang. At saka, napakaamo ng muka nito. Mukang mabait.
Pero ang gusto talaga niyang gawin ay hawakan ang pulang pulang buhok nito. Kasing kulay nito ang red roses na gawa ng mama niya. Kung ganyan ang buhok sa Earth ay baka masuka suka na siya dahil pag ganyan ang buhok mo sa Earth, baka sabihan ka ng tambay. Sakuragi lang ang peg.
"Sino ka?" tanong niya sa lalaki. "Wait, wag mong sabihing kikidnapin mo alaga ko!?"
Napansin ni Zara na nagkatinginan si Kil at ang lalaki. Tinaasan siya ng kilay nito.
"At sino naman ang kikidnap sa pipitchuging nilalang na to?" Ng biglang nagsalita ang lalaki ay biglang nasira ang expectation ni Zara sa isip. "Wala siyang halaga sakin kaya wag kang mag-expect na kikidnapin ko siya."
Ayos na sana ang lahat kaso nagsalita pa! Gwapo sana! Tsk!
"Paano ko papaniwaalan ang mga sinasabi mo?" nakapout na tanong ni Zara.
Tumaas na naman ang kilay nito. "Wala akong pakeelam kahit paniwaalan mo man ako o hindi."
"Ikaw!!" Sigaw ni Zara at nilapitan nito. Akma niya sanang papaluin ito sa dibdib pero hindi nito pinigil ang kamay niya, kaya nagtuloy-tuloy na lang niyang mapalo ito sa dibdib.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" naka kunot ang noo nitong tinignan siya. Tinignan ni Zara ito sa mata na parang hinahamon niya pa ang lalaki. 'Bakit hindi mo kasi ako pinigilan? Nahampas tuloy kita ng tunay!' Yaan ang mga kataga sa mata ni Zara. "Kinikiliti mo ba ako?"
Mas lalong nainis si Zara at in-i-stomp niya ang isa niyang paa.
"Sa tingin mo masasaktan mo ako gayong napakahina mo?" tanong sakanya ng lalaki.
"Hindi ako mahina! Kaya ko kayang lumipad!" pagmamayabang ni Zara. Totoo yon. Palagi siyang nag-p-practice ng magic niya. Napag-alaman niya na kaya niya palang gamitin ang lahat ng type ng magic. Medyo humaba ang ilong niya dahil sa pagmamayabang.
Napansin niya naman na hindi nagbago ang reaction sa muka ng lalaki.
"Patunayan mo." Yoon lang ang sinabi nito at nagpakalumbaba. Ang malala ay humigab pa ito.
"Hmf! Ipapakita ko sayo!" Sabi ni Zara at biglang pumikit. Una niyang ginawa ay kausapin ang wind at ang 2nd ay and gravity. Nakiusap siya na gabayan siya. Matapos ang ilang minute ay binuksan niya ang mga mata niya at masayang lumilipad sa himpapawid.
Medyo mababa lang ang kanyang lipad sapagkat hindi niya pa gaanong na-ko-kontrol ang wind magic. Habang lumilipad siya ay napatingin siya kay Redy! Yup, binigyan niya ng name ang lalaki dahil ayaw nitong sabihin ang pangalan nito sa kanya.
"Sa tingin mo ay mahina pa rin ako?" tanong ni Zara habang may ngiting tagumpay sa mga labi niya.
"Hmm... hanggang ganyan lang ba ang kaya mo?" Sa tanong nayon ni Redy at bigla siyang na-trigger.
"A-anong sabi mo!?" Pagalit niyang sabi. Susugudin niya na sana si Redy para batukan pero nagulat siya sa susunod na sinabi nito.
"Mag-ingat ka, pag nawala sa focus ang magic mo ay maari kang..."
Hindi na naituloy ni Redy ang sasabihin ng biglang mawala nga sa focus si Zara at biglang tangayin siya ng paparating na hangin. Napatili siya dahil kung saan saan siya dinadala nito. Sinubukan siyang kontrolin ang wind element pero hindi niya magawa dahil nawala na siya sa focus.
Habang parang iwinawagayway siya sa taas ng wind element, ay bigla itong tumigil. Nasa ere pa siya kaya ang kasunod non...
Napasigaw at napapikit na lang si Zara. Hah... kayabangan nga naman... nakakamatay. Yoon na lang ang pumasok sa isip niya. This is the end...
Habang hinihintay niya ang pagsalo sa kanya ng aspalto, ay biglang may dalawang kamay ang sumalo sa kanya. Nang idilat niya ang dalawa niyang mata ay nakita niya ang dalawang kulay puting mata na nakatingin sa kanya.
"Idiot." Nasambit ni Redy na nagsimula ng pumatak ang luha ni Zara. Bigla niyang niyakap si Redy at humagulgol. Dahil nabigla si Redy ay napayakap na lang din siya.
"Boohohoho..." iyak niya. "...akala ko mamamatay na ko! Bohohoho...."
"Tahan na." Sabi ni Redy sa kanya pero mas lalo pang naiyak si Zara. "Pangit ka na nga mas lalo ka pang pumapangit ngayong umiiyak ka."
"Boohohoh... mas pangit ka Redy." Hindi napigilan ni Zara ang pag sabi ng nickname niya para sa lalaki.
"Redy?" Napangiti si Redy sa nickname na ibinigay sa kanya ni Zara.
"Sige na, tahan na..." Ganti naman nito kay Zara. "...Blacky."
(A/N: Aso ba?)
YOU ARE READING
The Two Side Characters
Novela JuvenilNabuhay muli si Avah sa katauhan ni Adelaide Leia Zara Esmond, isang side character sa novel na kayang binabasang "Land of Sorcerer". Ang buhay niya ay agad ng nadiktahan. Paano niya kaya mababago ang nasa story line ng novel na nakatakda ng mangyar...