Hindi makapaniwala si Adelaide Leia Zara Esmond sa sinabi ni Redy sa kanya. Wag niya itong patawarin?
"Niloloko mo ba ako?" Tanong ni Zara dito pero nang titigan niya ito sa mata ay agad niyang na-realize na hindi nga ito nagbibiro.
Lumapit naman ito sa kanya ng sobra at halos wala na silang space sa pagitan. Biglang kumabog ang puso niya na para bang nakikipag habulan ito sa kabayo.
"Wag na wag mo akong papatawarin para pagbabayaran ko habang buhay ang kasalanan ko sayo." Sabi nito at tila may sumabog sa red dust sa muka ni Zara dahil biglang namula ito.
Parang proposal kasi ang sinabi ni Redy sa kanya. Hindi siya nakapagsalita at napatanga lang siya dito. Nang makarecover naman siya ay agad siyang tumango. Wala talaga siyang balak paalisin ito dahil ang tagal niya itong hinintay. Teka nga pala, nagkaroon ba ng ganitong scene si Zara sa original na novel? Kung wala, hindi kaya nagbabago na ang course ng fate? Dahil ba sa pagdating ni Redy? Hindi na alam ni Zara kung anong gagawin. Napansin naman ni Redy ang pag aalala niya sa muka kaya naman bigla siyang binuhat nito na pa princess style.
"Ahh!" Napasigaw siya sa gulat. "Redy! Anong ginagawa mo? Pakibaba nga ako?"
Hindi siya pinansin ni Redy, palagi naman itong nangyayari, at bigla itong tumalon sa bintana.
Montik na namang mapatili si Zara pero dahil na-realize niya na gabi na, baka marinig siya ng papa niya at ibang mga tao sa Right Duke Mansion. Baka sabihin ay kinidnap siya.
"Redy!" pabulong niyang sigaw. "San mo ako dadalin?"
Hindi siya pinansin nito at may nakita siyang parang portal sa ere. Pumasok sila doon. Napapikit si Zara at inihanda ang sarili. Akala niya ay mahihilo siya ngunit wala naman siyang naramdaman na kakaiba. Nakaramdam siya ang malamig na simoy na hangin at agad binuksan ang mga mata.
Nagningning ang dalawa niyang mata dahil pag tingin niya sa baba ay may maliit na lawa dito. Bukod pa rito ay madami rin siyang nakitang asul na lilies na nag-iilaw na para bang lampara sa ilalim ng gabi. Hindi rin naman nagpatalo ang kaliwanagan ng buwan.
"Ang ganda dito." Nasambit na lang ni Zara.
"Natagpuan ko ang lugar na'to noong naligaw ako sa Dark Forest." Komento naman ni Redy sa kanya at saka siya ibinaba sa may patag na lupa.
"Naligaw? Ikaw?" Gulat na tanong ni Zara sa kanya. Hindi siya makapaniwala dahil ang tingin niya kay Redy ay isang matalinong matalinong lalaki. Nahalata naman nito ang iniisip niya at pinitik siya na noo.
"Aray!" Nakanguso niyang reklamo dito.
"Kung titignan mo sa World Map ang Dark Forest ay sobrang laki. Bukod pa rito ay sobrang daming beast ang hahabol sa iyo. Karamihan sa mga pumapasok ng Dark Forest ay hindi na nakakalabas kailan pa man." Parang babala na sabi nito sa kanya.
"Pero nasa Dark Forest ba tayo ngayon?" Tanong niya at tumango lang naman si Redy na maka-babala sa kanya ay nawalan na ng silbi. Tinaasan niya ito ng kilay pero napa-isip din siya. Kung nakalabas si Redy dito ng buhay, ibig sabihin lang nito ay makakalabas din siya ng buhay? At saka kasama niya naman si Redy kaya hindi siya nag-aalala na mapapahamak siya. Bukod pa roon ay sobrang lakas niya.
"Ano ang iyong iniisip at humahaba ng ganyan ang iyong ilong?" tanong ni Redy sa kanya sabay kurot ng bahagya sa pisngi niya.
"Wala. Iniisip ko lang na gusto kong magtayo ng simpleng bahay sa gitna ng lawa." Palusot niya pero may parte din sa isip niya na gusto talaga niyang tumira sa lugar na ito.
"Hindi iyon maaari dahil may beast sa gitna ng lawa na iyan." Walang pakundangan na sira ni Redy sa pangarap niya. Napa-buntong hininga na lang siya.
Medyo na lungkot naman siya pero hindi niya ipinahalata. Tumingin na lang si Zara sa napakalaking dalawang buwan. Naisip niya tuloy uli ang buhay niya sa Earth. Sobrang lungkot. Na halos hindi niya na makita ang buwan dahil sa polusyon. Napaka advance nga ngunit hindi masabi ni Zara kung napakaganda non o hindi.
Pero ngayon ay nasa ilalim siya ng dalawang buwan na hindi niya inakalang meron. Good job talaga Yellan. Napatingin siya sa lalaking nasa tabi niya na nakatingin din sa buwan. Napabuntong hininga siya. Kung hindi lang talaga gwapo ang nasa tabi niya ay baka naglagi na lang siya sa bahay niya at hindi na muling lalabas pa.
"Hindi ka na malalawa, di ba?" Sabi ni Zara habang nakatingin pa rin siya sa buwan. Hindi pa rin kasi maalis sa isip niya na baka magising na naman siya ay wala na naman ito.
Nagulat naman si Zara ng iniharap siya nito. Bigla namang namula ang kanyang muka dahil sobrang lapit na naman nila sa isa't isa. Dahan-dahan namang lumapit ang muka nito at hinalikan siya sa noo. Pagkatapos nito ay tinitignan muli siya.
"Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo. Kahit palayuin mo ako hindi ko gagawin dahil..." Hindi natuloy ni Redy ang sasabihin dahil may mga beast na nag-si-ungul-an. Agad naman niyang napahawak sa damit ni Redy.
Ngayon lang kasi si Zara nakarinig ng sobrang daming beast na parang sasalakay sa isang gyera. Hinimas naman nito ang ulo niya at sabay silang pumikit. Nakita nilang parehas na ang halos lahat ng beast ay nagsisipuntahan sa isang direksyon.
"Umalis na tayo. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngunit pakiramdam ko ay hindi ito maganda kaya naman bumalik na tayo." Nakangiting sabi ni Redy sa kanya para maging kalmado siya. Um-oo naman siya at sabay siyang lumusot sa isang portal.
Hindi naman nila napansin na may isang high level beast na nakakita sa kanila. Yoon lang naman ang beast na naninirahan sa lake. Hindi lamang ito isang high level kung hindi isang legendary beast. Hindi malinaw ang anyo nito dahil natatabunan ito ng mga asul na lilies.
Ito ang beast na hindi lalabas kung walang magaganap na hindi maganda pero agad naman itong ngumiti at agad bumalik sa ilalim ng lake.
Right Duke Mansion.
Nang makalabas sila ng portal ay agad na ibinaba ni Redy si Zara sa kama niya. Hindi pa kasi stable ang magic power nito kaya naman ay kailangan nitong magpahinga.
Hindi na inalala ni Zara ang nangyari sa Dark Forest at baka madagdagan pa ang kanyang aalahanin. Nasira na nga niya yata ang plot ng story baka naman tuluyan ng sumabog ang utak niya kakaisip.
Napatingin siya kay Redy na umupo sa gilid ng kama. "Redy, alam mo ba ang mag-aaral ako sa Valerian Academy?" tanong niya dito.
"Hm." Tango naman nito. Hindi na ganong galit si Zara dahil simula pa naman ng una ay masama na ang ugali nito at tipid mag salita. Hindi niya nga alam kung bakit siya nagkagusto...
Sandali... Sinabi niya ba sa isip niya na nagkagusto siya rito..? Kay Redy? Siya? May gusto?
Napatanga siya habang nakatingin kay Redy. Hindi niya alam kung tatawa siya o iiyak dahil ngayon niya lang napag alaman ang kanyang nararamdaman. Kung hindi pa sumagi sa isip niya ang salitang 'magkagusto' ay hindi niya marerealize ang nararamdaman niya.
Ngunit... tama ba ang ginagawa niya? Pakiramdam ni Zara ay sobrang saya niya ngayon ngunit papaano na lang kung biglang...
"Masyado kang madaming iniisip." Biglang nagsalita si Redy.
"Redy... anong gagawin ko? Sobrang saya ko ngayon pero baka biglang may mangyaring masama?" natatakot na tanong niya.
"Sa tingin mo ay hahayaan kong may masamang mangyari sayo?" balik naman na tanong na mayabang na si Redy. "Hindi ba't kaya mo pinapalakas ang iyong sarili dahil p-protektahan mo ang mga mahal mo?"
Tumango naman si Zara. "Kung ganon ay ang role mo ay ang protektahan sila at hayaan mo lang na protektahan kita."
Hindi na kinaya ni Zara ang kilig kaya naman ay nagtalukbong na lang siya. Ngumiti siya at hinayaang tumabi sa kanya si Redy.
YOU ARE READING
The Two Side Characters
Roman pour AdolescentsNabuhay muli si Avah sa katauhan ni Adelaide Leia Zara Esmond, isang side character sa novel na kayang binabasang "Land of Sorcerer". Ang buhay niya ay agad ng nadiktahan. Paano niya kaya mababago ang nasa story line ng novel na nakatakda ng mangyar...