Chapter 3

19 4 0
                                    


"Umm... Sino ka?" Tanong agad ni Adelaide Leia Zara Esmond pagkalabas niya ng Library. May nakatayo kasing isang guard na kulay puti ang buhok at naka-uniform ng pang military.

Ngumiti lang ito sa tanong niya at biglang lumuhod. "My lady, ako nga pala si Zayd Braxton Tryniski. I will be your personal guard, my lady." Kinuha nito ang likod ng kamay niya at hinalikan.

Seryoso ba? Yaan ang nagging tanong niya sa isip. Binilang niya sa kanyang utak kung ano ang magiging consequences ng pagkakaroon ng personal guard. Hindi naman kasi siya makatanggi dahil sa gwapong muka... este mukang magaling na guard naman si Zayd.

"Ikinagagalak kitang makilala, Zayd." Ibi-now ni Zara ang kanyang ulo ng bahagya. Unconscious niya na lang na ginawa iyon dahil naging instinct na ito ng kanyang katawan. Pagkatapos niyang gawin iyon ay biglang may humila sa kanya.

Nakita ni Zara na si Melissa pala ang may gawa. Dali-dali nitong ihinarang ang kanyang sarili na para bang isang masamang assassin si Zayd at kailangan siyang ipagtanggol.

"Melissa?" Tanong niya.

"Miss, wag po kayong lumapit sa kanya." Agad na sabi ni Melissa sa kanya. 'Hah? Anong nangyayari?' tanong niya sa sarili.

"Si Zayd Braxton Tryniski ay isa pong beast people. Wag po kayong lumapit sa kanya at baka po kung ano ang gawin sa inyo." Masama ang tingin ni Melissa kay Zayd habang sinasabi iyon.

Napangiti si Zara at hinarap si Melissa. Pinitik niya ito sa noo at sabing, "Melissa, wag kang mag base sa kaanyuan lamang ng isang nilalang. Alam ko na ipinadala siya ni Papa ditto upang protectahan ako. Sa tingin mo ba ay ipapadala siya ni Papa dito kung hindi niya pinagkakatiwalaan si Zayd?"

Mangiyak-ngiyak si Melissa na umiling sa kanya. Ngumiti si Zara at ipinat ang ulo ni Melissa. "At saka, sa cute kong ito paniguradong hindi ako masasaktan ni Zayd." Tumingin si Zara kay Zayd at kinindatan ito.

Nakita ni Zara ang bewildered na muka ni Zayd pero agad din itong nawala.

"Nga pala Melissa, pupunta ako ng garden. Pwede bang padala ako ng Earl Grey." Paalis na sana si Zara papuntang garden ng maalala niya na gusto niyang mag tsaa. Pagkatapos non ay dumako siya sa Rose Garden na gawa ng mama niya para kay Zara.

Nang makarating siya sa Gazebo ay agad niyang pinagmasdan ang mga rose na gawa mismo ng kanyang mama. Earth at Water ang magic ng kanya mama, samantalang ang kay Danovan naman ay Wind, Fire and Lightning. Sa kanya kaya?

'Wait... ang lalakas naman pala ng magic ng parents niya pero bakit pa siya natalo ni Isabella na may dalawang Rare Magic?' tanong niya sa sarili.

Nakita ni Zara na nakatayo pa rin si Zayd kahit ilang oras na siyang nakaupo. "Bakit hindi ka umupo, Zayd?" tanong niya.

"My lady, hindi po maaring makasabay maupo ng isang guard na katulad ko ang isang napaka importanteng lady na katulad niyo." Respectful na sabi nito sa kanya.

"Aiya..." Napakamot na sabi ni Zara. "This is an order Zayd, please lang maupo ka. Ako ang mas nahihirapan sayo."

"Hah? Bakit naman po kayo mahihirapan my lady eh nakaupo lang naman po kayo." Nalilitong tanong ni Zayd.

"Ah basta, maupo ka na lang at may tanong ako sayo." Nakita ni Zara ang nag-aalangang muka ni Zayd. "Dali na."

"Then, tinatanggap ko po ang inyong alok, my lady." Naupo si Zayd. Medyo stiff ang pagkakaupo nito pero napangiti pa rin si Zara.

"May tanong ako Zayd, sagutin mo kung kaya mong sagutin pero kung hindi ay wag ka na lang magsalita." Sabi ni Zara.

"Sasagutin ko po ang kahit anong tanong ninyo sa abot ng aking makakaya, my lady." Formal naman na sagot ni Zayd. Zara smiled wryly. 'Ayokong pino-po ako, pero dahil gwapo ka, patatawarin kita.' Sabi ni Zara sa isip.

"Paano mag-acquire ng magic?" Agad na tanong ni Zara.

"My lady, karaniwan po ay 10 years old nag-uumpisa ang paglabas ng powers ng isang tao, pero para saamin pong mga beast people, mga 2 to 3 years old po nag-uumpisa. Ang kailangan po para lumabas ang magic sa inyong katawan ay kailangan niyo muna pong maramdaman ang aura at papuntahin niyo po sa tip ng inyong mga daliri. Sa pamamagitan po nito ay malalaman niyo na po kung anong type ng magic ang meron kayo." Paliwanag ni Zayd sa kanya.

"Wow. Ikaw Zayd, anong magic mo?" tanong niya. Iniisip na niyang i-try mamayang gabi ang sinabi ni Zayd.

"Time and Darkness po ang magic ko." Sagot ni Zayd.

Napanganga si Zara. Time and Darkness!? Parehas na rare!? Kaya naman pala hindi mag-aatubiling ipadala ni Papa si Zayd para maging personal guard niya! Napa-pout si Zara. "Ano kaya Zayd ang magiging magic ko? Magiging kasinglakas ko rin kaya si Papa o Mama?" malungkot na tanong niya. Natalo siya ni Isabella ng 0.01 second kaya siguro useless yung magiging magic power niya.

"Wag po kayong mag-alala, my lady. Magiging isang mahusay po kayong sorcerer in the future." Nakangiting sabi ni Zayd.

'Sh*t, mata kooooo!!!' napasigaw siya sa isip. Maaga yatang siyang mabubulag ng dahil sa mga character ditto sa novel ni Yellan.

Pero sana nga. Sana nga eh hindi useless ang magiging power niya. Mag dilang angel ka sana Zayd, kung hindi ay lagot ka sakin. 

The Two Side CharactersWhere stories live. Discover now