Chapter 8

6 1 0
                                    


Nakakunot ang noo ni Adelaide Leia Zara Esmond habang nakatingin kay Redy. Simula ng makita niya ito sa Rose Garden, palagi na lang itong sumusulpot sa tabi niya. Kagaya ngayon, kalagitnaan na ng gabi pero komportableng nakaupo ito sa sofa ng kwarto niya.

"Hindi ka pa ba uuwi? Wala ka bang mas importanteng gagawi kundi tumambay dito?" Sunod-sunod niyang tanong. Hindi kasi siya makapag concentrate sa ginagawa niyang pag circulate ng magic power niya. Hindi siya nito pinansin kaya naman ay pinagpatuloy niya na lang ang ginagawa niya. Pinikit niya muli ang mga mata.

Simula kasi nung sinabihan siya ni Redy na mahina siya, mas lalo niyang pinag igi ang pag t-train. Hindi niya na muling papayagan si Redy na sabihan siya ng mahina!

Nakapa-indian seat siya ngayon sa gitna ng kama niya. Pero ramdam na ramdam niya ang titig ni Redy kaya naman idinilat niya ang kanyang mga mata at tinignan ito ng masama.

"Ano ba problema mo?" Pagalit na niyang tanong.

"Ikaw..." medyo napahinto ito na para bang isinisip muna kung ano ang sasabihin. Kumunot na naman ang nuo ni Zara. Iniisip din niya kung ano ang sasabihin nito. "...plano mo bang makipag gyera?"

"Hah?" Confuse na confuse si Zara sa tanong nito. At bakit naman siya makikipag gyera? Oo sa future pero sa ngayon, hindi. "Syempre hindi! 7 years old lang ako, paano ako makikipag gyera?"

"Sa magic power na naglumalabas sa iyong katawan, maaari ka ng makatalo ng 100 sorcerers." Nakapalumbabang sabi nito sa kanya. "Kung hindi ka makikipag gyera, plano mo bang sirain ang buong mundo."

Napanganga siya dahil parang over reaction na sa kanya ang sirain ang buong mundo. Matatanggap niya pa kung makikipag gyera siya pero grabe naman na iyon.

"Seryoso ba?" Naguguluhan niyang tanong. "Sabi mo mahina ako, kaya nagtrain ako ng maigi tapos ngayon sinasabi mo sakin na kung balak ko bang sirain ang buong mundo?"

Simula ng makilala ni Zara si Redy ay hindi siya tinuturing nito na ordinaryong 7 years old girl. Para bang kabarkada lang niya ang lalaki. Pero ang pinaka ayaw niya lang dito ay masyadong brutal kung magsalita.

Si Redy na ang definition na gwapo kapag tulog pero nakakainis pag gising.

"Gusto mo na namang bang tumaas ang magic level mo?" Biglang tanong nito sa kanya.

Kinilabutan si Zara dahil naalala niya ang nangyari sa kanya ilang buwan na ang nakalilipas. Syempre ayaw niya. Naalala niya tuloy ang sakit na dinanas niya ng mga oras na yon. Pero mas masakit pa ang dinanas ng papa niya kesa doon. Pero bakit nga pala alam ni Redy na tumaas ang maging level niya? Hindi kaya...

"Maaaring umulit na naman ang pagtaas nito kung hindi mo lilimitahan ang pag circulate mo ng magic power. Instead na mag circulate ka ng magic power ay makakabuti kung i-t-train mo muna ang iyong katawan." Paliwanag nito sa kanya.

Mag train ng katawan? Baka naman pag na train siya ay maging "Matcho Girl" siya? "Hindi kaya lalaki ang mga muscles ko kung mag t-train ako ng katawan?" Tanong niya.

"Idiot. Hindi mo kailangang isipin yon dahil maari ka lang namang mag train ng 4 times a month. Pero kung aaraw-arawin mo ay ikaw na ang bahala. At tandaan mo, makatatlong beses ka lang pwedeng mag circulate ng magic power mo, kung hindi ay alam mo na kung ano ang mangyayari sayo." Napa-wow si Zara dito. Kung maipaliwanag ito ni Redy sa kanya ay parang naranasan na nito ang ganitong sitwasyon.

Hindi na muna ipinagpatuloy ni Zara ang training niya dahil sa babala ni Redy. Oo nga pala, bakit niya sinusunod ang mga sinasabi nito? Napa-isip siya. Hindi kaya, pinagkakatiwalaan niya si Redy? Bakit? Dahil ba ay iniligtas siya nito noon sa Rose Garden? Pero siya rin naman ang may pakana kung bakit iyon nangyari!

Habang nag-iisip siya ay napansin niyang lumapit sa kanya si Redy. Pinagmasdan niyang muli ito. Bukod sa napakagwapong muka nito, parang matanda na ito kung umasta.

"Umm, Redy? Ilang taon ka na?" Wala sa isip niyang tanong.

"At bakit mo naman natanong?" Bigla itong umupo sa kanyang kama at inihiga siya nito. "Magpahinga ka na. Ilang oras ka na ring nag-ci-circulate ng power mo. Kailangan mo ng matulog para mas lalo kang lumaki. Napakaliit mo sa edad mong 7 years old."

Kinukutya na naman si Zara nito pero dahil medyo inaantok na siya ay hindi na niya ito pinansin. "Redy, hindi mo pa rin ba sasabihin sakin ang iyong pangalan?"

Napansin niyang hindi kumibo si Redy. Napabuntong hininga na lang siya.

"Kung ayaw mo ako na lang ang magpapakilala sayo." Nakangiting sabi ni Zara. "Ako nga pala si Adelaide Leia Zara Esmond, anak ni Danovan Roy Esmond na isang Right Duke ng Archbord Country, ikinagagalak kitang makilala... Redy."

"Hmm." Yoon lang ang sinabi nito at hinimas nito ang napaka itim niyang buhok.

Hindi namalayan ni Zara na nakatulog na pala siya. Hindi pa rin umaalis sa tabi ni Zara si Redy kahit nakatulog na siya. Napangiti ito at unti unting naging amber ang kulay ng mata nito.

"Matagal ngunit kailangan, patawad kung ilang araw, oras at segundo lamang tayo nagkakilala. Aabangan ko ang iyong paglaki, prinsesa ko." Mahinang bulong ni Redy kaya Zara. "Patawad ngunit hindi ko muna masasabi ang aking pangalan sa iyo, pero balang araw..."

Hindi itinuloy ni Redy ang sasabihin pero may ngiti pa rin sa mga mata niya. "10 taon, medyo mahaba habang panahon na hindi tayo magkikita."

"Kiiii..." Narinig ni Redy ang paghuni ng Ice Wolf Dragon na ibinigay niya kay Zara.

"Ikaw na muna ang bahala sa kanya. Wag mo siyang papabayaan at lalong wag mong hahayaang may umaligid sa kanyang ibang lalaki maliban sakin. Naiintindihan mo ba?" Utos ni Redy rito na parang siya ang master nito.

Masaya namang tumango ang Ice Wolf Dragon.

Segundo na naging minuto, minuto na naging isang oras, ganyan kahaba ang pagtitig ni Redy kay Zara. Hindi pa man ay hindi niya na mahintay ang 10 taon na darating. Pero hangga't kaya niya ay kanyang isasaulo ang lahat ng ng pwede niyang masaulo tungkol kay Zara.

Kung may isang tao man na nakapukaw ng atensyon ni Redy, ay iyon ang Right Duke na si Danovan. Siya lamang ang unang amang desperadong naghahanap ng tulong upang mailigtas ang anak nito. Sinundan niya ang Right Duke hanggang sa Right Duke Mansion ng wala man lang nakakaalam.

Ang una ay nais lang niyang makita ang kalagayan ng anak nito pero wala siyang balak tumulong. Dahil alam ni Redy na wala siyang mapapala kung matutulungan man niya ang anak ng Right Duke.

Pero ng makita niya si Zara at ang kalagayan nito, ang unang pumasok na salita sa isip niya ay 'interesting'. Hindi rin niya alam sa sarili kung bakit niya ito tinulungan. Ang plano ay iiwan niya lang ang creature na napulot niya sa Dark Forest at pabirong sinabi na paglaki nito ay bayaran siya pero hindi niya inakala na may isang maliit na kamay ang pipigil sa kanya.

Simula noon ay palagi niya na lang binabantayan si Zara. Bakit? Hindi rin niya alam.

Ngunit malalaman niya rin ito sa tamang panahon, pero ngayon ay may kailangan muna siyang asikasuhin. Tumayo na siya at akmang aalis na pero may isang maliit na naman na kamay ang pumigil sa kanya.

Napangiti si Redy. Iyon ay ngiting abot hanggang sa kanyang mga mata. "Paalam sayo prinsesa ko... magkikita tayong muli."

At nawala na lamang si Redy pero naramdaman ni Zara na nawala na ang pinaka komportable niyang unan at napakunot noo siya habang natutulog.

The Two Side CharactersWhere stories live. Discover now