CHAPTER 1

130 7 0
                                    

CHAPTER 1

ALWIZA'S POV

"Ayusin mo nga 'yang sarili mo, Alwiza! Hays! Kaloka ka!" Wika ni Jhaxine sabay irap.

"Ano bang problema sa itsura ko? Ganito ang gusto ko! Hindi mo 'to sarili. Okay?!"Inis ring sagot ko.

"Tingnan mo kasi, magbabangs ka na nga lang...hindi pa pantay. Tapos magsasalamin ka na nga lang kulay pula pa---hays! Magmumukha ka talagang nerd niyan!"Wika niya na hinawakan pa ang buhok ko.

"'Yung paggupit ko ng bangs...sinadya ko talaga 'yan! At 'yang salamin ko? Favorite Color ko kaya ang red!"Parang batang sabi ko.

Napalingon ako sa gawing kanan kung saan mo makikita ang pinto.

Ang bagal naman nu'ng bagong teacher namin!

Oo, nasa Classroom na kami kasama ang aking bestfriend na si Jhaxine at kanina pa namin hinihintay 'yung magiging bago naming teacher.

"Kahit na! Ayaw mo ba ng may manligaw sa'yo!"Sagot niya pa nu'ng makaharap ako sa kaniya.

"Tsk! Anong bang pinagsasabi mo? Manliligaw? Walang manliligaw sa'kin!"Inis ring sagot ko.

"Kaya nga magpaganda ka diba.."Mahinahong sabi nito.

Napabuntong hininga naman ako.

Ano bang problema nito? Isang taon lang akong nawala nagkakaganito na 'to?

"Tsk! Bahala ka nga!"Inis na sabi ko tsaka inis ring tinalikuran siya.

Lahat na lang kayo, ayaw niyo sa itsura at ugali ko! Ano bang gusto niyong mangyari huh? Ang maging perpekto ako?

"Hays! Baka nakakalimutan mo na nandito ka sa school na na-kick out ka dahil sa mga kalokohang pinaggagawa mo!"Biglang sabi niya dahilan para makaharap ako sa kaniya.

"So, anong connect?"Sarkastikong tanong ko.

"Malamang, maaalala nila 'yung mga kalokohang pinaggagagawa mo tapos 'pag nangyari 'yun bubullyhin ka na nila at hindi na sila papayag na dito ka ulit mag-aral."Paliwanag nito.

Oo, totoo ang mga sinasabi niya. Hindi ako basta-bastang tao. Kaya kong gawin ang lahat ng nasa isip ko. 'Yun rin ang dahilan kung bakit na-kick out ako dito last school year at ngayong Grade 10 na ako ay bumalik na ulit ako dito.

Naalala ko pang na-warning-an na ako no'n dahil sa ginawa kong pag-lock ng Classroom habang naglilinis pa ang mga cleaners dahilan para makalabas na sila kinabukasan. Matapos no'n ay may nagawa na naman akong isang kalokohan. Tinago ko lang naman ang bag ng teacher ko sa locker ng isa sa aking mga kaklase. Ang akala ko ay hindi nila malalaman na ako ang gumawa nu'n pero may umaming nakakita sa akin. 'Yun ang mga dahilan kung bakit ayaw sa'kin ng lahat ng tao. Lagi nila akong iniiwasan. Galit na galit sa akin ang teacher ko nu'n at hanggang sa mapa-kick out na nga ako dito sa school.

"H'wag mo nang ipaalala ang mga bagay na 'yan..."Sabi ko sa pinakamalungkot na tono."Tanggap ko nang walang gustong makipagkaibigan sa'kin dahil sa mga ginagawa ko."

Napabuntong-hininga naman siya.

"Kaya nga sinasabi ko na sa'yo na ayusin mo na ang sarili mo....ang pagkatao at ugali mo. Kasi kung ganiyan ka habang-buhay? Wala talagang magkakainteres na makipagkaibigan sa'yo."Parang nangangaral pang sabi nito.

"Tsk! Tama na nga! Ang Drama mo!"Sabi ko na pinahid pa ang luha na tumutulo galing sa aking mga mata.

Kung tutuusin, hindi ko na talaga kaya. Parang dalawa na lang ang mga taong nagpapahalaga sa akin ngayon. Si Mama at itong si Jhaxine.

I Hate You, But I Love You (season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon