Chapter 20
FRANCINE'S POV
My gosh! Anong gagawin ko nito?
Naguguluhan akong napatitig kay Borhan na ngayon ay nakasalampak sa sahig, putok ang labi, at higit sa lahat ay walang malay.
Napahawak ako sa aking dibdib at napaisip na rin ako nang kung anu-ano. Kung ano ba dapat ang tama kong gawin. Muli akong napasinghap ng hangin at muling napatitig kay Borhan na nakasalampak sa sahig.
Ano kayang gagawin ko nito? Huhu! Bakit kasi ngayon pa?
Napaluhod ako dahil sa sobrang pag-aalala. Napahawak naman ako sa dibdib niya para alamin kung buhay pa siya.
Buhay pa nga!
Naguguluhan akong napahawak sa braso niya at tsaka ko nasapo ang aking noo.
Paano ko kaya siya iuuwi, eh hindi ko naman alam kung nasaan 'yung bahay niya? Eh kung iuwi ko na lang siya sa bahay ko tutal ay wala namang tao do'n. Hindi rin ata pwede dahil babae ako at lalaki siya. My ghad! Ano nang gagawin ko, eh hindi ko naman siya pwedeng iwan dito, anong oras na, oh!
"Borhan..." Sinimulan ko na siyang iyugyog habang hawak-hawak siya sa magkabilaang braso. Hindi siya nagising. "Borhan..." Tawag ko ulit sa pangalan niya habang niyuyugyog ulit siya sa pangalawang pagkakataon ngunit mas malakas nga lang. Hindi pa rin siya nagising.
Dahil sa inis, ay padabog akong napatayo at napaharap kung saan-saan. Pero wala ng tao maliban sa amin. Nakaramdam ako ng pagkalito. Nagdadalawang-isip ako kung iiwan ko na lang ba siya dito o iuuwi ko siya sa bahay ko dahil sa totoo lang...ay hindi ko kilala ang taong tinutulungan ko.
Tinatamad akong napatingin kay Borhan na hindi pa rin nagbabago ang posisyon. Oo, natulungan ko nga siya do'n sa mga gangster na nangbu-bully sa kaniya kaso ang hindi ko alam ay kung ano ang gagawin ko ngayon.
Okay! Buo na ang desisyon ko!
Mahigpit akong napahawak sa kaniyang braso at dahan-dahang pinatayo at inalalayan sa paglalakad habang nakaakbay siya sa akin. Dala-dala ko ang kaniyang lakas kaya't ako naman ang nahihirapan. Napansin ko rin na nakakaladkad ang kaniyang paa kaya't mas lalo akong nahihirapan.
Hindi na ako nag-alinlangan pa sa aking desisyon dahil sa totoo lang ay walking distance lang naman ang pagitan ng bahay ko sa Williams Academy kaya't saglit lang na kahirapan ang madarama ko.
Wala pa mang tatlong minuto ay agad ko nang narating ang aking napakalaking bahay na pagmamay-ari ng pamilya ko. Dali-dali kong binuksan ang gate at tsaka ang malaking pinto ng aking mala-mansyon na bahay. Hindi na ako nag-alinlangan pa at agad na ibinagsak si Borhan sa malambot na sofa.
Napamewang ako at napahawak sa aking noo at nagagaanang napatingin kay Borhan na ngayon ay mahimbing na sa pagkakatulog.
"Arf! Arf!" Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Hindi ko pa man ito naririnig ay alam ko nang si chacha 'yon.
"Shhhhh!" Suway ko dito tsaka ako agad na nagpunta sa may sala kung saan ay malapit si Borhan. Agad kong tinungo ang taas ng aming cabinet kung saan naroroon ang telepono.
"Hello?" Panimula ko sa tinatawagan ko matapos kong mai-dial ang number nito.
"Hello? Sino 'to?" Nag-aalangang sagot ni Mommy sa kabilang linya.
"Its me, France."
"Oh? Ba't ka napatawag?"
"Mom, ke'lan ka po ba babalik dito sa bahay?" Nalulungkot kong tanong. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
I Hate You, But I Love You (season 1)
Novela JuvenilMeet Alwiza Salazar, ang matalinong babaeng ubod ng sama. Pilyo, loko-loko, baliw, at maldita. Lahat ng masasamang katangian ay nasa kaniya na. Ngunit sa muling pagbabalik niya sa Williams Academy ay makakabangga niya ang isang lalaki, isang lalakin...