Act 6: A Cloudy Afternoon

336 7 0
                                    

Matapos ang huling subject ng dalawa, kapansin-pansin sa dalaga na tila may malalim itong iniisip simula pa nung sa klase nila kay Ms. Katakara. Halata sa dalawa ang pagod mula sa maghapong klase nila. Balisa ang dalawa na tila ba hindi na magawang makausap. Kahit ganon, nanatiling problemado ang dalaga.

“Is there anything wrong?”

“Yeah, and it doesn’t involve you at all.”

“You’re always like that, eh?”

“Sheesh, you ask too much.”

Nang kunin na ng dalaga ang kanyang bisekleta mula sa pinag-iwanan nito, napansin niya na naka-sasakyan pala ang binata. Isa itong magarbong itim na porche na tila naglalaro ang presyo ng ilang milyong dolyar.

“You could come if you want to.”

“Nah..” paputol na tugon ng dalaga ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

Parehong basang-basa ang dalawa na tila ba naghihintayan sa isa’t-isa. Hindi natitinag ang binata habang hinihintay ang sagot ng dalaga.

“Ok, fine.”

Binuksan nito ang likod na bahagi ng kanyang auto at doon nilagay ang bisekleta ng dalaga.

Habang nasa loob, parehong natahimik ang dalawa. Pasimpleng sinusulyapan ni 15 ang binata habang ito ay nagmamaneho. Napansin niyang namumutla ito na tila ba may sakit o kung ano.

Nahihiya pa nga siya’t nababasa niya ang looban ng kanyang auto. Napansin ito ng binata at nagsimula na nga itong umimik.

“It would dry out you know.”

“Ok.”

“So, where would I drop you by?”

“Macy’s Apartment, just a few blocks from downtown.”

“Oh, so that’s your place.” Dagdag ng binata. Hindi kinalaunan ay napansin niyang nakatulog na pala ang dalaga. Kinumutan niya ang dalaga hanggang nakarating na sila sa kanyang lugar. Hinalikan niya ito sa kanyang noo, at napangiti naman ito habang tulog.

Binaba niya ang dalaga mula sa kanyang likod. Sa sobrang pagod na rin ng dalaga, hindi na niya ito namamalayan. Nang tinanong niya ang kwato ni 15, napag-alaman niyang Red-Hair pala ang nakapangalan sa kanya rito.

Napansin niyang sira ang elevator sa lugar at binaybay na lamang niya ang sira-sirang hagdanan papunta sa ika-8 palapag kung nasaan ang kanyang kwarto.

Napansin niyang may tao sa kwarto ni 15. Pagpasok niya sa loob, napansin niya ang isang babaeng habang nagkakalikot ng kanyang laptop. Nabigla ito ng nakita niya si Marauji at dali-dali niyang hinugot ang kanyang baril at tinutok ito sa kanyang mukha.

Vanilla MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon