Act 34: Missing Her Like Crazy

138 4 0
                                    

Habang sakay ng isang limousine pauwi sa kanilang mansyon, napansin ni Masahi si Marauji na tila malungkot ng mga oras na iyon. Hinawakan niya sa balikat ang kapatid at binagyan ito ng isang seryosong titig ng pag-aalala.

“Don’t worry about Maori, she’s somewhere safe and she can manage herself alone. And if things get complicated, all she needs is a call, and we’ll be there before she knows it.”

“It’s not it, Masahi.”

“I’ll protect the three of you. As long as I’m here, there’s nothing to be afraid from.”

“It’s not it, either.”

Napansin niyang may tinititigan si Maraujing babaeng naka-hood habang magisa itong nagbibisekleta pauwi sa kanila.

Nang humarap ito sa kanya, bumungad sa kanya na isa pala itong lalaking may napakalagong buhok. Napatawa na lamang siya na pinagkamalan niya iyong isang babaeng kakilala niya- at hinahanap-hanap ng mga oras na iyon.

Nalaman agad ni Masahi kung sino ang inaalala ng kanyang kapatid ng mga panahong iyon at tila may binulong sa driver ng walang pakundangan.

“Where are we heading?”

“You’ll know.”

Nakarating sila sa isang pahabang iskinita ng siyudad malapit sa tabing-dagat sa gawing ibaba ng siyudad. Nagtataka si Marauji kung bakit sila naroroon at ngumiti lamang sa kanya sina Meiji at Masahi ng mga oras na iyon.

Ngumisi ang dalawa ng napasilip sa kanya ang kanilang driver at binuksan ang mga lock ng mga pinto at sinenyasan ito palabas.

Gulong-gulo ang binata kung ano ba ang nasa isip ng tatlo ng mga oras na iyon. Nang lumabas ito, sinaraduhan agad ni Masahi ang binata at pabahagyang binuksan ang bintana upang may sabihin rito.

“What the hell is going on! I need an explanation!”

“Calm down, loverboy. Someone’s going to come here any moment right now, and I know you’re going to be happy to see who she really is. By the way, don’t forget to say hi for me, ok?”

Bago pa man makaangal ang binata sa kapatid nito, kumaripas na ng pagtakbo ang sakay nilang limousine at iniwang natataranta ang binata na tila balisa’t hindi alam ang gagawin ng mga oras na iyon.

Nabigla na lamang ito ng may tumapik dito mula sa likod. Dahan-dahan siyang lumingon at napansin niyang si 15 na nga ang nasa likuran nito. Ngumiti ito at pautal itong binati na tila kinakabahan.

Vanilla MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon