Act 26: Shelter

125 4 0
                                    

Ilang milya makalayo sa siyudad, nakarating sila sa mansyon ni Mr. Kakuichi. Nasa kalagitnaan ito ng kagubatan, isang perpektong lugar para sa isang pribadong taong ayaw ng ingay ng napakagulong siyudad na tinatakasan niya.

Bumungad sa kanila ang isang napakalawak na lupain na pinupuno ng samu’t-saring mga palamuti’t abubot sa buong lugar.

Mahilig si Mr. Kakuichi sa mga antigong bahay. Kahit napakabata pa nito, maaga nitong nakahiligan ang mga antigong bagay gawa na rin ng kanyang butihing ama na ipinamana ang lupaing ito para lamang sa kanya.

Antigo mang tawagin ang lugar, hindi mo naman maitatanggi ang ang angking ganda nito.

Mula sa tarangkahan ng mansyong iyon, sinalubong sila ng ilang mga tauhan ni Kakuichi na nakasuot ng puting uniporme na mayna nakatatak kulay pilak na mata na sumisimbolo sa organisasyong The Oracle mula sa likuran.

Bago pa makarating sa mismong bahay ni Kakuichi, binaybay pa nila ang ilang milyang punong puno ng bermuda na nababalutan ng mga nagmamahalang rebulto’t halaman.

Ilang minuto ang nakalipas, nakarating sila sa isang nagtatayugang pabilog na pagkakakorte ng beranda na nagmimistulang isang bakuran sa isang antigong kastilyo. Oo, isang kastilyo ang tahanan ni Kakuichi.

Pagpasok nila sa kastilyong iyon, sinalubong sila ng walong katulong ni Kakuichi na halos magkakamukkha na gawa ng kanilang mga uninporme kasama ang majordomang si Furuika.

“Take these people to the guest hall. And for the three of you, these would be your temporary home for a while. Your lives are in great danger and it is advisable that you stay here for the meantime. Don’t worry, I’ll work this one out as soon as I can, and of course, with the help of the organization itself.”

Nagpapahinga na ng mga panahong iyon si 15. Tinabihan siya ni Marauji nang napansin niya na nag-iisa si Masahi sa labas na tila may kung anong iniisip na pagkalalim-lalim. Ito marahil ay patungkol sa mga pangyayaring naganap ng nagsiwalat ng napakaraming mga bagay.

Makalipas ang ilang oras, pumasok sa kanilang kwarto si Kakuichi at nakipag-usap ng pribado ukol sa kaso ni Marauji at ang lihim ng organisasyong kinabibilangan nilang tatlo.

“I’ve prepared a hot cappuccinos for the three of you, would you like some?”

“I’m fine, thank you. Just one thing.”

“What is it?”

“The documents I’ve founded here. It all points out that you and your so-called organization planned on killing my own father. I want a reasonable answer, and I want it right now.”

Vanilla MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon