Act 16: The Unexpected Rescue

195 5 0
                                    

“I’ve lost someone to, in my line of duty. We were on a mission with my own mother involving the Black Spider itself whom I don’t seem to remember the moment #2 reminded me a while ago. She let me escaped when she faced the whole organization alone when I got myself badly wounded. You’ve only lost someone who died happily just to save you. Do you think I feel the same way for my own mother as well?” nanlilisik na sagot ni 15 habang ito dali-daling tumayong hinarap siya.

“You and your filthy organization owe me my mother back I’ve been searching for such a long decade. And I’m not wasting my time just to stand here, listening in your complaints about your f*ck*ng friend!” Seryosong dagdag ni 15 habang nanahimik sa takot si Maori habang nakatitig ito ng masama sa kanya.

Dahan-dahang lumapit sa kanya si 15 habang napatumba pababa si Maori sa sobrang takot. Itinaas niya ang pampasabog na hawak niya pero tinadyakan lamang ito papalayo ng dalaga. Nabali ang buto ng dalaga sa kanyang mga daliri sa lakas ng pagkakasipa sa kanya. Hindi na siya nakapalag pa.

“Useless without my weapon eh? Let’s go down to business, shall we? Are you going to tell me where she f*ck*ng is, or you want me to do it the hard way?” ika ng dalaga na tila wala na sa katinuan si 15 ng mga oras na iyon. Miski si Marauji ay hindi na nagawang makaimik pa.

“To be honest. I don’t know.” Bago pa man magpatuloy makapagsalita, hindi niya napansin natadyakan na pala siya sa kanyang panga na nagpatalsik rito sa gawi niyang kaliwa.

“That’s not on the options I wanted to hear!” sigaw ni 15 habang lumuluha na sa harapan niya si Maori.

“15! Stop it! Do force yourself any longer!” sigaw ni Marauji sa dalaga habang tuluyang dumurugo ang buo nitong mukha. Tila napigilan ng pabahagya ang dalaga na tila may nakita sa likuran ng binata.

“Please, listen to me! I don’t want to lose you” may hindi inaasahang humampas kay Marauji mula sa likod na nagpatahimik rito. Tumilabsik ang dugo nito mula sa bunganga at bumagsak ito pababa.

Isa na naman iyong grupo ng mga kakalakihan at nagbabadyang susugurin si 15. Nangingisay na ang kanyang katawan sa sobrang panghihina hanggang sa dumating na nga ang mga tauhan ni Senator Hironobu.

Tinadtaran nila ng bala ang mga natitirang kupunan ng Black Spider. Habang unti-unting bumabagsak ang mga mata ng dalaga, napansin niyang may humihila sa kanya papalayo kasama si Marauji. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay habang inalalayo sila sa lugar na iyon.

Huli na noong dumating si Masahi. Bumungad sa kanya si Senator Hironobu. Iyon ang una niyang beses na makitang harapan ang nasabing taong iyon. May pagkabansot siya at kapansin-pansin ang maputi nitong buhok na malinaw na detalye ng kanyang katandaan. Napakahaba ng balbas at bigote nito na halos abutin na ang kanyang dibdib. Ningitian lamang niya si Masahi habang tinuro si 15 na kataka-takang alam niya na siya ang sinadya niya roon.

Habang nasa loob ng ambulansiya, nanganganib na ang lagay ni 15. Napakarami ng dugo ang nawala sa kanya at halos hindi na mapakali sa kakaalala sa kanya si Masahi.

Hindi inaasahang bumuka ang mga mata ni 15 at may binulong bigla kay Masahi. Nanghihina ito nagpumilit, pero naintindihan naman niya ito ng pabahagya.

“Now’s our chance. Kill him when we reach towards the hospital.” Ika ni 15 kay Masahi habang inaabot ang isang bubog na kutsilyo sa dalaga habang tinago niya ito sa kanyang likuran.

Vanilla MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon