Act 30: Alfredo

130 5 0
                                    

Habang nakatitig sa isang dalagang parang nag-asal bata ng makakita ng nyebeng napatak mula sa kalangitan, naalala rin ni Marauji ang mga panahong pinagsaluhan nila ng kanyang ama sa tuwing sasapit ang panahong ito.

Nilapitan siya ng kanyang ina at nakakabata nitong kapatid na si Meiji at niyakap ito ng mahigpit habang sabay na pinagmasdan na punuin ng nyebe ng purong kaputian ang paligid mula sa bintana katabi ni 15.

Unang beses noong makakita ni Meiji ng nyebe at dali-dali itong lumabas ng makitang nauna na rito si Marauji at masayang nagtampisaw rito.

“Look at those two.”

“Yeah. Like the first time you saw me at the university. You were rushing towards me and offering me the lunchbox you personally made. And take note, you were blushingat that time.”

“Oh you rascal!”

Namula bigla si Mr. Hironobu habang nagtilabsikan sa kanilang mga mukha ang nyebe sa pagkakayat ng dalawa nilang makukulit na anak na abala sa mga panahong iyon sa kani-kanilang mga sarili.

Umukit si meiji ng isang korteng anghel gamit ang katawan nito habang si Marauji naman ay abala sa paggawa ng isang snowman.

“Oh, what a nice looking guy we have there.”

“Yup. “

“What’s his name?”

“Alfredo.”

“Oh.. What a broad english name we have here.”

“Yup. He’s like you in many ways dad.”

“Really? Like?”

“Funny. Hardworking. Loving. Responsible. Honest.”

Nang mga panahong iyon, may dumating na mga lalaking naka-kulay itim na may mga tatoong gagamba sa kanang bahagi ng kanilang mga leeg. Biglang nagbago ang hawi ng mukha ni Senator Hironobu ng may binulong na kung ano ang isang lalaki sa mga ito at tinuro ang isang mag-ina mula sa tarangkahan ng aming mansyon.

Isa iyong babaeng may kargang isang bata na tila mas matanda ng ilang taon kaysa kay Marauji. Iyon marahil ang kabit ng kanyang ama.

Matapos malaman ng kanyang ina ang katotohanan, nagbago ang tingin niya kay Senator Hironobu at naging magulo na ang kanilang pamilya magmula noon. Pero hindi na ito nagawang ayusin.

Vanilla MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon