Epilogue:

261 7 0
                                    

Balisang umuwi ang dalawa habang basang-basa sa ulan. Magkasabay silang sumakay ng bus pauwi pero hindi man lang naka-ibuan o nagka-imikan man lang.

Habang naunang bumaba si 15, pasimpleng sumulyap sa kanya si Marauji habang pakunwaring hindi mapansin ng dalaga ito.

Nang umalis na ang bus, nagsimula ng pumatak ang mga luha nito habang habol-habol ang lulang bus ng binata. Ngunit huli na ang lahat at malayo na ito mula sa kanya.

“I wish I could say yes, yet I would only endanger your life- and I don’t want that to happen. It is better if I leave you in peace rather than to cause any means of harm to the person.. I love.”

Pagpasok niya ng kanyang apartment, tila tahimik ang buong paligid ng nawala roon si Masahi.

Malungkot na inisip ni 15 ang mga panahong magkasama pa sila ng kanyang tinuringan ng kapatid na si Masahi. Simula kasi ng naglaho ang ina nito, siya na ang nagkusang kumupkop sa kanya.

Lalo siyang napaiyak habang pinagmamasdan ang masasaya nilang mga letrato na nakalagay sa isang box na natagpuan niya mula sa ilalim ng kanyang kama.

Habang tahimik na pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan mula sa bintana, may napansin siyang isang taong naka-jacket na nakatitig sa kanya mula sa ibaba.

Hindi man lang ito natitinag habang binabayo ng ng napaka-lakas na hangin ang buong paligid. Nakatitig lang ito kay 15 na tila ba may hinihintay na sagot mula rito.

Nang napansin niyang pumasok ito sa building na tinutuluyan niya, kinabahan siya bigla at dali-daling kinuha ang isang kutsilyong nakakalat sa kusina.

Hindi kinalaunan ay may biglang kumatok mula sa harapang pintuan ng kwarto niya at dahan-dahan niyang binuksan ito.

Bumungad sa kanya ang isang duguang dalaga na may matingkad na gintong buhok at dali-dali nitong niyakap si 15. Siya marahil si Yasaharu Kaoru.

- TO BE CONTINUED -

Vanilla MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon