Act 8: Hard Decisions

292 8 0
                                    

Pagkauwi ni Marauji, sinalubong siya ng mga tauhan ng kanyang ama.Napansin niyang wala roon ang si Mr. Hironobu at ang tangi lang niyang nakita ay ang kanyang ina. Niyakap siya nito pero wala man lang naging reaksyon rito si Marauji.

“Is there anything wrong my dear?”

“Nothing, mother.”

Habang nag-iisa siya sa kanyang kwarto, inusisa niya isa-isa ang mga dokyumentong binigay ni Masahi. Nabigla na lamang siya ng makita niya lahat ng kabalbalang pinaggagawa ng kanyang sariling ama.

Bigla siyang napa-isip sa mga sinabi sa kanya ni Masahi.

Ang isang idealismong patungkol rito ay kung pababayaan niya ang kanyang ama sa kanyang mga gawain. Maari niya itong ikapahamak at lalong lalala ang magiging kaso laban sa kanya. Magreresulta ito sa pagbagsak ng kanilang pangalan, at maging mitsa na rin ng pagkabagsak nila.

Ang isa pang idealismong patungkol rito ay ang pagsisiwalat niya ng katotohanan sa publiko. Kagaya ng naunang prinsipyo, maari itong magresulta ng ikakasira ng kanilang pangalan at baka pa nga maging mitsa ng matinding pagkagalit at pagkadismaya sa kanya ng sarili niyang ama.

Si Mr. Marauji Kairo ay ang ika-8 senador ng bansa. Naging haka-haka ang pagkapanalo niya sa eleksyon noong nakaraang eleksyon kung saan nilampaso niya ang ilang mga tumatakbong senador na mas sikat pa sa kanya.

Ang eleksyong iyon ang naging pinaka-madugo sa kasaysayan ng bansa. Maraming mga botante ang walang awang pinagpapaslang na hindi pa kinikilalang grupo ng mga mersenaryo. 3925 ang nakumpirmang bilang ng mga botanteng namatay sa ilang distrito ng bansa matapos sunod-sunod na pagapapaslangin ng ilang hindi pa kilalang mga tao.

Ang naging hinala rito ng gobyerno ay may kinalaman nga si Senator Hironobu rito. Mula sa ilang araw na pagmamanman rito, napatunayang siya nga ang may pakana nito.

Muli niyang binuklat ang mga dokumentong binagay rito ni Masahi. Nabigla siya ng makita niya ang ilang mga papeles tungkol sa ilang mga anumalya ng kanyang ama. Nakumpirma nga nia ang hinala niya sa kanyang ama- na halos umabot na sa kasukdulan.

Ilan oras niyang pinag-isipan ang kanyang desisyon kung isisiwalat nga ba niya ito, o ililihim na lamang para kung sakaling dumating ang panahon na naisiwalat ito, lalo lamang mapapalala ang mga bagay-bagay.

Maraming mga bagay ang naglalaro sa kanyang utak. Hindi ito madali para sa kanya kasi ang mismong sinasakdal rito ay ang sarili niyang ama. Alam niyang naging malayo ang loob niya rito, pero mahal pa rin niya ito- kagaya na lamang ng kait sino mang anak para sa kanyang magulang. Baliktarin mu man ang mundo, ama’t ama mo pa rin siya.

Natapos ang gabing iyon na wala man lang siyang napag-desisyonan. Halos bangungutin na nga siya pero, pero nagpumilit siya para na rin sa kanyang ama.

Doon pumasok ang naging papel ni #15. Napansin na rin nga niyang magkapatid si Masahi at siya, pero ano nga ba ang tayo ng dalagang iyon sa kasong ito?

Vanilla MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon