Act 9: My Crush Is A Cold-Blooded Assassin

253 6 0
                                    

Pagsapit ng umaga, nagkasalubong ulit ang dalawa sa may tarangkahan ng akadamiya ng Nobunaga. Habang pinarada ng dalaga ang kanyang bisekleta, sumabay na lamang siya kay Marauji. Hindi nagkaimikan ang dalawa pero sabay silang nagtungo sa kanilang silid-aralan habang palihim na pinagmamasdan ng binata ang dalaga.

“How’s your fever, 15?”

“I’m well.”

Tumango na lamang ang binata. Tinitigan tinititigan niya si 15 habang sila ay naglalakad. Habang nasousoundtrip itong mga-isa, kapansin-pansing naka-hood na naman ito.

“What are you listening at, 15?”

Hindi man lang siya pinansin ng dalaga at pinalakas lamang ang volume ng kanyang mp4.

“Urrrrgh, making fun of me, eh?” paiyamot na dagdag ni Marauji habang nakatitig ng seryoso sa dalaga at biglang ngumiti. Napatahimik na lamang siya ng napansin niyang ang cute nga pala niya pag nakangiti.

Hindi lingid sa binata na malalim rin ang iniisip ng dalaga. Hindi niya alam ang kanyang gagawin kung sakaling mapatay nga niya ang ama ni Marauji na target niya. Maari nila itong ikasirang dalawa, o ang malala pa rito, at ikagalit ng binata sa kanya.

Madaming pagkakataon na niyang natempuhan si Senator Hironobu na asintahin, pero sa oras na makita na niya ang mga mata nito- naaalala niya si Marauji at napipigilan siyang gawin ang nararapat para sa kanya.

Pero napaisip rin siyang malalagot siya sa kanyang mga kinakaukulan pag hindi niya nagawa ang kanyang misyon. Para din naman ito sa bansa, ika nga nila, walang personalan- trabaho lang.

Habang tulalang nag-iisip, hindi niya namalayang muntikan na siyang dumiretso sa fire exit ng ika-4 na palapag ng lugar na iyon. Niyakap siya ni Marauji papalayo at nagkatitigan ang dalawa. Halos magkalapatan na ang kanilang mga labi ng bumangga sila sa pinakamalapit na pader.

“What are you thinking! You’ve almost worry me to death!”

Namula lamang ang dalaga at tila hindi alam ang iiimik o gagawin ng mga oras na iyon.

Isa pa sa mga unang naramdaman niya kay Marauji ay ang napakabilis na pagtibok ng kanyang puso ng oras na siya’y yakapin ng mahigpit ng binata. Hindi niya mapaliwanag ang pakiramdam na ito, pero kapansin-pansin namang siya’y nahuhulog na rito.

“Rule no. 3- an assassin shouldn’t show or express in any means of emotion. Emotions are the primarily means weakness of an assassin itself.” Bumalik sa kamalayan ang dalaga at tinitigan niya si Marauji ng seryoso.

“Uh.. It’s starting to feel a bit awkward.” Nagpupumiglas na sagot ng dalaga hanggang siya’y pinakawalan na ng binata.

“Oh, I’m sorry.”

Hindi maialis sa binata ang labis na tuwa na nayakap rin niya sa wakas ang dalaga. Oo, halatang-halata na nga. May tama na nga si Marauji sa dalagang nasa harapan na niya.

Vanilla MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon