Act 17: Turntables

167 4 0
                                    

Matapos ang ilang milyang byahe patungong ospital, dali-daling binaba ang dalawa diretsong emergency room. Naging ayos naman ang lagay ni Marauji, pero nanatiling nasa kritikal na kondisyon si 15. Nasa kondisyon na noon ang binata at dali-dali nitong sinadya ang operating room na pinagsasakdalan ng binata habang ito ay ginagawan ng solusyon.

Kitang-kita sa mata ng binata ang labis na pag-aalala para rito. Katabi niya noon si Senator Hironobu habang hinawakan ito sa balikat ng mahigpit at dahan-dahang umalis patungo sa kwartong iyon.

Nangangailangan si 15 ng napakaraming dugo na hindi nagawang solusyon ng ospital na iyon gawa na rin sa kakulangan nito ng supply sa magkakasunod nitong mga operasyon na kagaya ng sa kanya. Dahil magkapareho ng blood type sina Senator Hironobu at 15, nagvolunteer siya para sa dalaga.

Tila nagtataka si Masahi sa kinikilos ng senator habang humahanap ito ng tempo na masolo ito. Nakangiti lamang ito habang ito ay malugod na nag-alay ng dugo para kay 15.

Bantay-sarado ang mga gwardiya nito sa buong paligid at magiging imposible ang gagawin niyang pagpatay sa taong ito sa ganong katayuan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pinapatawag raw siya nito mula sa rooftop kung saan ito ay naghihintay roon para sa lamang sa kanya.

Matapos niyang baybayin ang ilang palapag patungo rito, sinamahan siya ng ilang mga gwardiya habang masusuing pinagmamasdan si Masahi patungo rito. Hindi nila napansin ang patalim na nasa likurang bahagi niya at dali-dali siyang pinapasok sa pinto. Doon, nakita niyang nakaupo ang senador habang ito ay nagkakape.

“Would you like some, my dear?”

“I’m full, thank you. You said you wanted to talk with me? Is there anything I can do for you?”

“Yeah. About the private some private matters that you are urging to know.” Dagdag ng senador matapos nitong maubos ang isang tasa ng kape.

Kapansin-pansin ang isang lumang turntable na katabi nito na tila nagpaluha sa mga mata ng dalaga. Iyon ang pinakaunang regalong binigay sa kanya ng kanyang nawawalang ama.

Tumayo bigla ang senador habang niyakap nito ang dalaga. Lumuluha itong humarap sa kanya na may mga ngiti mula sa mukha. Walang naging reaksyon ang dalaga hanggang sa tinulak niya ito papalayo.

“I understand.” Umupo ito habang inalok niya si Masahi ng isang baril na may bala sa loob.

“It seems that the Turntables had stopped from playing. And it’s looks like it’s the same way that goes for me, you think so?” Tumalikod sa kanya ang senador habang pinagmamasdan si Masahi.

Vanilla MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon