Act 22: Without A Trace

147 4 0
                                    

Matapos ang ilang minuto, naglakas loob na si Maraujing bumalik ng upang humingi ng paumanhin sa dalaga. Pagpasok niya ng loob, may nakita siyang isang pamilyar na mukha at nakasuot ito ng katulad ng sa mga nurse ng ospital na iyon.

Si Masahi.

“We’ve better get out of here at once. You’re lives are in great danger.”

“What happened?”

“Well, I’ll explain to you later- and you’re not going to like it.”

Bago pa man makaimik si Marauji, dali-dali silang lumabas ng kwartong iyon. Gaya ng pinag-utos ni Masahi, pinagsuot niya ng ibang damit ang dalawa upang maiwasang mapansin sa lugar na iyon.

Hingal na hingal na nakatakas sa lugar ang tatlo at nagtago sa isang lilib na lugar sa kalagitnaan ng siyudad.

Matapos ang ilang minutong katahimikan, may naalala ang dalawa na para bang nakakaligtaan na nila. Napatitig ang dalawa kay Masahi na tila ba kailangan na nitong magpaliwanag sa mga oras na iyon.

“Look behind you.”

Sa mga salita ni Masahi, napansin nilang sa isang iglap, nabalot na ang ospital na pinagtakasan nila sa apoy at tila ba nagkakagulo na sa mga oras na iyon.

“For what you are about to see right now, is what points to the Black Spiders themselves.”

Bago pa man makapagtanong si marauji ng ilang detalye, walang naging wastong sagot si Masahi sa kanya. Natahimik na lamang si Masahi habang pinagmamasdan na unti-unting lamunin ng apoy ang buong ospital na iyon.

Napakalungkot niya ng mga panahon na iyon. Mapapansin mo iyon sa mula sa kanyang mga mata niya at maging ng dalawa na rin.

Tumahimik na lamang ang dalawa, ngunit mas naging kumplikado ang mga bagay na ito, lalong-lalo na kay Marauji mismo. Lumapit sa kanya si 15 upang hawakan ang mga kamay nito, ngunit wala itong naging epekto dito.

Tinitignan ang tatlo mula sa malayo, nakangising umalis ng lugar ang parehong sniper na umasinta kay Senator Hironobu.

Bumuhos ang napakalakas na ulan ng gabing iyon na lumulunod ngayon sa mga damdamin ng dalawang magkapatid sa pagkawala ng isang inosenteng ama.

Vanilla MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon