Act 15: The Wounds of Yesterday

208 5 0
                                    

Natahimik ang tatlo matapos sabihin ni Maori ang mga katagang iyon. Wala noong imik si 15 habang ito’y tuluyan ng nawalan ng malay.

Nanlilisik ang mga ni Maori habang tinititigan nito si 15.

Kagaya ni 15, ginugol ni Maori ang kanyang pagkabata sa pagsasanay na maging mersenaryo ng Black Spider. Naulila siya sa kanyang mga magulang mula sa matinding pagkakautang nito mula sa sindikatong iyon. Bilang bayad, sinangla nila ang mismong anak nila para habang-buhay na magtrabaho sa mga ito.

Namuhay si Maori sa hirap at pighati. Pinahirapan siya ng Black Spiders hanggang sa marating nito ang kinatatayuan nito ngayon. Tila nalason na rin ang kanyang utak, wala na ngayong mahalaga sa kanya kundi sundin ang mga inuutos ng mga kinakaukulan niya. Iyon lamang naman ang naging silbi niya sa mga ito, maging isang kaawa-awang sunud-sunuran.

Namuo ang galit ni Maori kay 15 matapos ang isang misyong una niyang nakita ang dalaga. Nagkatagpo sila sa isang operasyong kinatampukan ng parehong partido na kainitan noon ng alitan sa pagitan ng dalawang panig.

Isa iyong umanong illegal na transakyon ng armas sa may isang pier sa kabilang bayan. Promotion deal iyon ni Maori at siya ang nanguna sa seguridad ng mga taong sangkot rito. Mukhang ayos pa naman ang lahat ng dumating si 15 kasama pa ang dalawang assassin ng organisasyon nila.

Pinasabog nila ang lahat ng armas hanggang sa nagkaharap ang dalawa. Halos magkasing-edad lamang si Maori at 15. Habang nagkakagulo ang lahat, nagtitigan lamang ang dalawa habang naghahandang hugutin ang kani-kanilang mga armas.

Hindi lingid sa kaalaman ni Maori, may nakaabang pala sa kanya mula sa malayo. Iyon marahil si Tsuhakara Ide o #14. Halos kasing tanda lamang niya si Masahi. Medyo payat ito at kapansin-pansin ang napakalago nitong buhok na nakapirintas mula sa likod.

Makikilala mo siya na lagi na lamang nagyoyosi habang naka suot palagi ng mga mamahaling salamin ( hobby niya ang mangolekta nito ).

Kasama ng ina ni 15, Masahi at Mr. Kakuichi, sila ang mga pinaka-unang mga assassin ng The Creed, na tinuturing na pinakamahusay sa kani-kanilang mga larangan. Kilala siya bilang sa bansag na “Snake Eyes”.

Siya ang primyadong sniper ng grupo at halos sa linaw ng paningin nito, kaya ka nitong patamaan mula sa ilang milya ang layo mula sa kanyang pinanggagaligan. Nakakatakot siya pag nasa malayo, pero hindi mo siya maasahan sa malapitang comprontasyon. Isa siya sa mga naging guro ni 15 na nakatulong sa wastong pag-asinta ng dalaga.

Napansin ng kasamahan ni Maori na may sniper na nakatutok sa kanyang alaga at dali-dali niyang sinalo ang tumatagos nitong bala. Hindi man napuruhan si Maori, matindi namang natamaan ang matalik nitong kaibigan na si Hideki.

Nabigla si 15 sa mga pangyayari hanggang sa sinenyasan na nito ni #12 na tumakas na sa lugar na iyon at parating na ang mga pulis. Galit na galit siyang pinagmasdan ni Maori habang ito ay dali-daling tumakas.

“You’ve killed my bestfriend, my lover.. And now it’s time to return the favor.” Seryosong tugon ng dalaga habang may dahan-dahang tinanggal sa pampasabog na hawak niya.

Vanilla MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon