Chapter 𝟖

68 17 0
                                    

The first week in Q.U. as college was fine. But I never imagine na pagka second week ay nag uumpisa na ang hell week dito, case study doom, case study dito, what the heck!

Buti sana kung searchable sa internet, ang kaso hindi! Kelangan talaga namin mag search sa library, thankfully naman lahat nang hinahanap namin ay nandoon.

"Pucha naman oh, parang nalalamog na ang utak ko bitch! Dito yata ako magkaka tumor sa utak!"-reklamo ni Aga nang maka alis na yung huling prof namin ngayong umaga.

'Same bitch' gusto ko sanang sabihin sa kanya iyon kaso parang ayaw mag function nang utak ko.

Troy texted me earlier na hindi daw muna sya sasama sa amin mag lunch since may practice yata sila para sa friendly game ng taga International University. Sino ba naman ako para di pumayag diba? Isa pa, I support him in his hobby.

#SupportiveGirlfriend

"Tara, kumain nalang tayo Bitch."-pag aya ko sa kaibigan ko na kasalukuyang hinihilot ang kanyang sentido. Pumayag naman sya at niligpit na isa-isa ang mga gamit nya.

"Kaylangan ko yata ng wide flower."

Napa tingin ako sa kanya nang bigla nyang sinabi iyon. Wide flower?

"Anong gagawin mo sa Wide flower."-nag tatakang tanong ko sa kanya.

"Liniment oil yun diba, alangan naman laklakin ko."-sarkastiko nyang asik.

"Gaga! White flower yun Agatha, wag tanga!"-I ranted, nag peace sign lang si gaga.

Inayos nalang namin ang mga gamit namin at pumunta na sa cafeteria. Kelangan pa naming pumunta sa Lib pagkatapos nito kaya hindi na kami nag effort pang pumunta sa pinaka malapit na mall.

"Girl! Knowsing mo ba ang captain ng basketball team dito?"-Aga suddenly asked.

Nagulat pa ako dahil bigla nya nalang naibulalas yon sa kalagitnaan ng tahimik na panananghalian namin.

"No, wala akong ka kilala sa team pwera sa boyfriend ko."

I heard her chuckle after what I said.

"Loyal si Gaga. Gosh ang gwapo kaya non. Moreno hunk tapos friendly pa, gosh nakaka fall hm!"-she gushed na may kasama pang pangigigil na syang ikina iling ko.

Basta talaga sa usapang gwapo, hindi pahuhuli si Gaga. I wonder how her boyfriend reacts every time that she does this, parang tanga rin eh.

"Ikaw na malandi ka, may boyfriend kang gwapo tas ayaw mo pang ma kuntento."

True to my words, her boyfriend was handsome. Law student from Manila, di ko lang alam kung paano nakilala ni gaga samantalang ang layo ng Manila from Capiz. Maganda rin kasi eh, hindi hamak na mas matangkad sya sa akin. Not fair skin as I have but she's a proudly living morena beauty.

"Sows, pareho lang kami nang hobby nun sa mga may magagandang mukha. Kaya nga mag jowa kami eh."-she proudly said.

Pambihira.

Mabilis lang din namin tinapos ang pag lunch, we instantly headed to the library. May business presentation kami mamaya at kailangan kong mag hanap nang ibang resource, mahirap na maging bobo lalo na't maraming pabibo sa sub kong iyon.

Hindi talaga mawawalan yan.

Sigurado akong mag tatanong ang mga peste pagkatapos nang presentation namin. Mga sipsip! Buti nalang talaga at ka grupo ko si Aga, may kasama akong mag dusa.

Ito ang pangalawang beses ko dito sa Library. Unang punta ko rito ay di ko mapigilang ma amaze, para kasing nasa movie lang ako.

I'm not the type of person that would like to read books, pero pag ganito ba naman ka ganda and library, pupunta ako rito para tumambay lang.

Mend A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon