Chapter 2 9

41 8 0
                                    


Everyone inside this class is busy preparing for their paper that will be submitted in just a few hours. Kahit ako na kahapon pang tapos ay hindi magawang manatili nalang at nag re-check pa kung may errors pa ba bago ko ito gawing hardcopy.

Wala ang prof namin for this time kaya may tatlong oras pa kaming bakante upang gawin ang ibang kailangan namin.

"Sam, may bisita ka." Biglang anunsyo ng isa sa mga kaklase ko na sinundan naman ng tukso ng iba.

There was Kennedy.

Standing so tall and proud outside the classroom door. He smiled when our eyes finally met. He even waved and seems to be excited when he saw me as his eyes lit up. And there's this weird feeling again every time that I see him these past few days.

Tila hindi lang ako ang babaeng naka agaw ng pansin sa presensya na. Some of my female classmates started to talk about him, some even scream like a highschool love sick as if they saw their crush for the first time.

And I couldn't agree more with them.

He was wearing a brown branded polo shirt na bahagyang fit that emphasizes his biceps and corduroy pants that are a light color. I've even notice na ibang relo na naman ang suot nya. Look at this guy.

'tapos ka na?'- he mouthed.

I shook my head in reply.

Bigla namang natahimik ang room kaya napatingin ako sa paligid. To my surprise, they were all looking at me...no, at us. They have this weird smile on their faces, na para bang nanunukso. I looked at Kens' direction again na agad namang nag iwas ng tingin at pilit na itinatago ang ngiti.

Agad ay bigla nalang syang pinag tutulak ng mga teammates nya habang tinutukso. I didn't even know that they where there at the first place. Maging sa loob ng room ay ako naman ang tinutukso nila.

I just cleared my throat and just focused on rechecking my paper. I feel my face heating up. Kung kelan naman nasa ganitong sitwasyon pa umabsent si Aga.

At eto namang lokong to...

Matalim ko syang tinignan na ikinatigil nya saglit. I want to laugh by looking at his reaction pero pinanindigan ko na ang pagmamaldita sa kanya. He's the one who puts me in this awkward position.

"Uy tigilan nyo na."- rinig kong sita nya sa mga kasama nya sa labas.

"Bakit ba andito kayong mga ungas. Sibat na aba."-muling angal nya.

"Damot mo Cap. Nakikishare na ngalang sa kilig eh."- ani ng isa nyang kasama. Kung hindi ako magkakamali, isa sya sa mga ka-team nya na nakita namin sa mall.

"Next time nalang. Para damang-dama talaga. Alis na kayo."- tugon nya rito.

Natatawa at napapailing na umalis na nga yung mga kasama nya. Tamang-tama at tapos na ako sa ginagawa ko. Ramdam ko ang mga matang naka tingin sa mga galaw ko habang nililigpit ang mga gamit ko. Mabilis akong tumayo at handa nang umalis. Ang mga kaklase ko naman ay ganon parin, nakatingin habang may mapagbirong ngiting pinupukol.

"Tapos ka na?"- bungad sa akin ni Kennedy nang sa wakas ay makalabas na ako.

Samot-saring panunukso agad ang narinig ko mula sa aking mga kaklase. It's been four days already since Kenn, Agatha, and I started to hangout every lunch time. Ngayon ngalang na kaming dalawa lang dahil absent si Aga.

And everytime that he waits for us outside, ganito palagi ang nangyari. Mas lumala lang ngayon dahil wala si Aga. It never fails to amaze me how popular this guy is all around this campus. Every time that I walk all alone in the corridors, everyone seems to recognize me because of him. 

Mend A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon