Chapter 2 2

48 12 2
                                    

Tila namanhid na ang dila ko sa pait ng alak na aking iniinom. Nag mistulang tubig sa akin ang matapang na inumin nang walang pag aalinlangang tinungga ko ito sa bote. I am too damn tired and hurt to be affected by just a mere bitter taste of alcoholic drink.

I feel like shit.

Pagod na akong umiyak, said na said na ang mga luha ko pero ang sakit parin...nasasaktan parin ako. I keep on asking my self about when do I went wrong...do I deserve all of this?

Nakakapagod na.

Ang bigat sa pakiramdam. It feels like the world is giving up on me too. It made me feel that I fail as a person. I want to catch up pero parang lahat nalang yata ay gusto akong iwan. Walang may gustong tumagal sa akin. Hindi ko na alam kung san ako nagkamali eh...pilit kong kinikwestyon ang sarili ko kung ako ba ang mali.

Lord naman...

Hindi pa nga po ako nakaka-ahon sa pag iwan sa akin ng magulang ko tapos eto na naman.

Funny, kakalabas ko lang sa ospital pero alak na agad ang kinokonsumo ko.

Tama yan Samara, lunurin mo sarili mo sa alak.

Mapait nalang akong umismid at tumungga ulit sa boteng hawak ko. Mag isa lamang akong umiinom dito sa unit ko, karamay ang ilang naka-tumbang basilyo na bote ng alak. Ayokong abalahin ang mga pinsan ko, ang mga Tiya ko...hiyang-hiya na ako sa kanila. Siguro nga dapat lang sa akin ang mag-isa, paniguradong sa nakaraang buhay ko ay isa akong makasalanang tao kaya ako pinaparusahan ngayon.

My cousins keep on insisting that they want to stay here with me pero inayawan ko. Masyado pa silang mga bata para ma hawa sa ka dramahan ko. Alam ko namang nag aalala sila para sakin ngunit gusto ko lang munang ilabas lahat ng emosyong kinikimkim ko. Hindi ko kasi magagawa iyon pag nandito sila.

Mabilis kong pinalis ang masaganang luha na dumadaloy sa mga pisngi ko. What the heck. Mapait akong napangisi ng makita ko ang sariling repleksyon sa walang laman na bote sa paanan ko.

The girl that I see there is so fragile...too hurt, and so lost. Ibang-iba sa Samara na kilala ng lahat...ang Samarang matapang, ang Samarang palaban, at ang Samarang mataray.

I was taken aback when I suddenly heard my door bell rang. I'm not expecting anyone to come over here, tonight. Bigla ay parang kinabahan ako, sana hindi ang lintik na Troy ang nasa labas. Kasama ko sya nang binili ko tong unit, sana lang talaga hindi sya to.

I will be a criminal in no time if that happens.

Hindi naman pwedeng ang mga pinsan ko to, alam nila ang passcode nitong unit kaya di na nila kailangan pang mag doorbell. Imposibleng si Aga rin to, kahit ganon ang ugali ng gagang yon ay marunong naman itong mag inform kahit papaano.

Kinakabahan man ay sumilip ako sa peep hole ng pinto, kumunot ang noo ko nang mapagtanto ang tao sa labas ng unit ko. Ganon paman ay nakahinga narin ng maluwag dahil narin sa hindi ito ang inaakala kong pupunta rito.

I opened the door instantly and I saw how his eyes winded as our eyes met. Mukha syang gulat...pero bakit naman kaya? Para saan naman kaya ang gulat nya? Parang di nya expect na mag bubukas ang pinto sa paraan ng pag tingin nya.

Kalokohan.

Napa iling nalamang ako bago kumuha ng tyempong upang makapag salita.

"Kennedy, what's up. Anong atin?"- I tried to make it sound so casual, thankfully it works.

"Andito ka na pala. Halos two weeks narin yata walang tao dyan sa unit mo. Wala tuloy akong ka swap sa ulam hehe."-halata sa boses nya ang kaba ngunit mahihimigan din ng hiya at...lumbay? Hindi ako sigurado sa panghuli, siguro ay nililinlang lamang ako ng aking pandinig.

Mend A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon