Chapter 2 4

43 10 0
                                    

"So... how do you feel now, Ate Sam.''-Meres seriously asked, still treating my bruises and wounds that I got from my father earlier.

Nandito silang apat ngayong sa unit ko. I was surprise to see Meres earlier inside my unit nang ihatid ako ng tatlo. Meres, Chanson,  Rebel, and Patzer.

Kanina pa tahimik ang tatlo at tanging si Meres lang ang nag sasalita mag mula pa nang makarating kami dito, ganun paman ay maging si Meres ay bakas rin ang pagka seryoso sa paraan ng pagsasalita nya.

Nakakapanibago ang ugali nila ngayon, hindi ako sanay na ganito sila, na tahimik, na seryoso. Mas mabuti pang nakikita ko silang mga loko-loko at siraulo na kadalasang ugali nila keysa sa ganito...

mas lalo lang nilang pinapaalala ang mga nangyare kanina.

"I'm fine Meres, salamat."- I sincerely replied.

I just heard her sighed while carefully patting a cottonball with betadine in the corner of my lips where it's been busted when Dad slapped me.

I winched in pain nang bahagyang napatiin ang pag lapat nya doon.

"I'm sorry."-she instantly apologize, which made me chuckle.

"Ano ka ba Meres, it's nothing. Besides, can you all please stop acting weird. Hindi bagay sa inyo ang pagiging seryoso."

Meres just rolled her eyes and when she's done treating me, inayos agad nya ang mga kalat at binalik ang mga gamit sa medical kit nya sa bag.

"How can we not, Ate Sam. Ano sa tingin mo ang dapat naming maramdaman tungkol sa nangyare kanina."-For the first time, one of the boys finally spoke. Si Patzer.

I remain quiet hanggang sa sunod-sunod na nag salita na ang tatlo.

"Alam mo bang halos lilipad na ang sasakyan ko sa bilis nang pagmamaneho para lang mabilis na maka punta sa inyo?"-inis na hayag ni Chanson habang pinaikot-ikot ang hawak na beer sa kamay.

"Pasensya na Ate ha, pero sa totoo lang kanina pa nag wawala ang sisema ko, masapak lang si Tito Ram. Kung hindi lang dahil kay Chanson...at kung hindi lang dahil sayo eh malamang sa ospital na ang bagsak non."

Hindi na ako nakapag salita pa at hinayaang pakinggan ko na lamang sila. Hindi nag tagal ay naramdaman ko rin nag pag tabi ni Meres sa akin na ngayo'y may hawak ding beer in can.

Ngayon ko lang napansin na lahat silang apat ay may tig isang beer na hawak sa kamay at tanging ako lamang ang hindi umiinom sa ngayon.

"You're probably wondering about how did we know that this will happen."

Agad akong nalingon kay Meres sa gilid ko nang sabihin nya iyon. Paano nga ba? Imposibleng coincidence lang lahat ng ito.

"It was days after you got discharged from the hospital when Tito Ram unkowingly kicked the old couple out from your house."-pagpapatuloy nya.

So my hunch earlier was right. May kinalaman nga si Dad kung bakit wala sina Nay Faye at Tay Nestor sa bahay.

"Grandy instantly found it out. He had his men following on Tito Ram the moment Tita Vile left together with your siblings."-seryosong dugtong ni Rebel sa Ate nya.

"You must know how our Grandfather works with his connection. Isama mo pa sila Tita. Kaya nga wag ka narin mag taka pag alam nila kung saan nag tago si Tita Vile."-dagdag ulit ni Meres.

Bigla akong nabuhayan ng loob sa aking nalaman.

"How about Nay Faye and Tay Nestor? What happened to them?"-biglang tanong ko sa aking napagtanto.

"Luckily, kulang kami ng staff sa D-Rebels. They work for us as a delivery driver and Cashier sa Cafe."-tipid na tugon ni Meres.

"Wag mo narinig alalahanin pa ang tinutuluyan nila. All of our employees have home accommodation for free. Rest assured that they will be in good hands untill you will need them again...na mangyayari lang pag matino na ulit utak ni Tito."-Rebel added.

These two...

"Dan, Reb...hindi ko alam kung pano kayo pasasalamatan. This means a lot to me, salamat talaga."-naluluhang tugon ko .

"Ikaw pa ba."-nakangise nang saad ni Rebel.

Tila nag iba na ang mood dahil doon. Mabuti nalang. Hindi talaga ako sanay na seryoso ang mga abnormal na to, kaya biglang gumaan ang loob ko.

"Mag thank you ka nalang, wag nang banggitin pa yung second name."-naiiritang sabat ni Meres habang nilalagok ang laman ng canned beer na hawak.

"What? Hindi ko naman binuo eh. At isa pa ang ganda kaya ng name mo. Meres Daniliegh."-Malaking ngiting saad ko.

"Nakanam—hanep, binuo pa talaga. Meres nga kasi, Meres."

Natawa nalang kami sa kanya. Halatang nainis sa sinabi ko.

"Oo na...Meres."-pag suko ko nalang.

"Palibhasa wala kang second name, di mo kami ma gets. Kayong mga panganay talaga basta nalang iniri tas pinangalanan. Eh parang si Meres at Chanson ngalang yata ang may second name na panganay."-biglang sabat ni Patzer na sinang-ayunan ng tatlo.

Tinaas pa ni Meres ang beer na hawak at nag aambang makipag cheers sa tatlo, ang mga gunggong naman ay sinabayan pa ang trip ng lokaret.

"Hoy, hindi rin ako takas dyan noh! Alalahanin nyo yung binigay nilang palayaw saken sa Costa Verde."-tukoy ko sa mga taong nag sisilbi sa lupain ni Grandy na nakatira malapit sa tabing dagat.

"Kakaiba rin kasi mga trip nila satin eh."-nakangusong saad ni Chanson.

"Hindi ko ma-imagine pag magkaroon tayo ng ala-kardashian na reality show tapos ganito yung nicknames natin."-natatawang saad ni Rebel sabay kunwaring ginawang mic and nakayukom na kamay at tinutok iyon kay Chanson.

"Ngalan?"-tanong nito.

"Chaning Chanson"

"Palayaw?"

"P-potlong."

Sabay-sabay kaming natawa sa sinabing iyon ni Chanson. Talaga naman kasing kakaiba ang sapak nung taga roon sa amin eh. Ang layo nang binigay nilang palayaw sa totoo naming pangalan.

"Ngalan?"-pag tanong ulit ni Rebel sa pinsan.

"Wei Patzer."

"Palayaw."

"Patot."

Like, what the heck!

Naluluha na ako kakatawa, ibang klase. Masakit pa ang sugat ko sa labi pero di ko mapigilang tumawa. Dagdag nyo pa ang lakas ng tawa ni Chanson. Napaka gago.

"Ngalan?"

"Meres to the mother fucking Daniliegh."

"Palayaw?"

"Pokweng"-napairap na sagot nya na syang kinatawa namin.

At dahil katabi ko lang yung Ate nya, ako na naman ang sunod nyang ginulo.

"Pangalan?"

"Samara!"-bigay na bigay kong sagot.

"Palayaw?"

"Pokla!"-natatawa kong saad.

"Oh diba, mga panulay. Ang lalayo sa tunay na pangalan."-napapailing na saad ni Rebel na kinatawa nalang naming lahat.

"Atleast ang saya nung childhood natin."-Patzer added, which we both agreed.

"Eh ikaw boy, anong pangalan?"-si Meres naman ngayon ang nag tanong sa kapatid.

"Rebel Dun."

"Palayaw?"

"Ano pa, edi maderpakin dungol."-sagot naman nito.

"Eh totoo naman diba, bata palang sutil kana."-pag supalpal sa kanya ng Ate nya na syang kinatawa nalang namin.

We spend the night drinking and laughing at each others' childhood memories.

Those good old days...










































1149

Mend A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon