Chapter 2 6

53 11 0
                                    

"Gaga ka. Di mo man lang sinabe na ka neighbor mo pala si fafa Captain, shuta ka."-she even rolled her eyes at me.

Nasa classroom kami ngayon. Hindi na kami nagkausap kahapon dahil dumating galing maynila yung boyfriend nya. Ngayong umaga na naman nya ako kinulit.

My eyes was still darted on the board as our prof explains our upcoming output for this week. Nasa kasagsagan nang pagtuturo pero 'tong katabi ko more on marites.

"Gaga ka ba? Kahapon ko ngalang din nalaman na Captain pala sya dito sa campus eh. Ang daming gusto maging ng taong yun...di ko alam pati ang pagiging Captain sa basketball court trip nya din."-inis na bulong ko kay Agatha habang nasa unahan parin ang tingin at kasalukuyang nag susulat ng notes.

I heard her slight stomping beside me. I mentally rolled my eyes, kahit kelan talaga tong babaeng to.

"Edi araw-araw ka palang nabibiyayaan ng magandang view tuwing umaga at gabe. Sana lahat, Samara."-hirit nya pa.

Itinigil ko ang pagsusulat at blangko syang tinignan. Seriously, Agatha?

"Gaga ka ba?"- I blurted out using a monotone voice.

She just chuckled so I rolled my eyes at her before looking away and focused my attention to the front.

"Gwapo naman talaga si Captain diba? Ano nga ulit name nun...Kennedy. Tama Kennedy nga yata yun. I'll follow him on my IG later, pati narin facebook at twitter."

What the Heck?!

I don't know what kind of expression I did when I faced her but it makes her laugh. Thankfully, nasa may likurang bahagi kami naka upo at hindi sya masyadong narinig nung prof namin.

Minsan talaga ang kalog ng babaeng to, di na ma reach.

"Pero aminin, pogi naman talaga si Captain diba? Yieh, lalove-life nayan. Napaka plastic mo naman pag ide-deny mong hindi sya gwapo, nako sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa kanya nung game.Ewan ko nalang. "

Kita mo tong babaeng to.

"That's all for today. Class dismissed."

Agad syang natigilan nang sabihin iyon ng aming prof. Isa-isang nagsilabasan ang mga kaklase namin kaya niligpit ko narin ang mga gamit ko upang makalabas narin.

Our next class has been vacant dahil may meeting daw sa faculty yung prof namin sa sub na yun. It was actually a good thing...like, kelan pa hindi naging good thing ang vacant right? But in my case, kailangan ko talaga ang vacant na to.

I need to submit my portfolio to one of my subs. Late na late na ako sa pag pasa nito at di ko alam if she would still consider this. But still, it's not bad if I try, right?

"Bitch, di yata kita masasamahan ngayon."- Agatha suddenly announced.

Busy na sya ngayon sa kakapindot sa phone nya. I bet she was texting to her boyfriend. I really dont get her sometimes. Kadalasan syang naa-attract sa mga poging nakikita nya, but looking at her now, para syang teenager na patay na patay sa boyfriend nya.

"Bakit?"

She just looks at me dreamingly while placing his phone to her chest at ngumiti nang pagkatamis-tamis. Yuck!

I hate looking at her being this love-sick.

"May lunch date kami ni boyfie. At since wala naman tayong class mamayang hapon, gagala narin kame."-kinikilig na saad nya. 

I just rolled my eyes  mentally. Niligpit naming dalawa ang mga gamit namin at sabay nang lumabas sa room. We bid our goodbyes at each other as we walk through the hallways.

Mend A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon