Chapter 𝟏 𝟒

48 12 0
                                    

Days went by fast at ngayon ay Friday na. Kakatapos lang ng last class namin sa may main building kasama si Aga and we're planning to go to the mall. Wala namang assignment assessment kaya free Ang weekends namin this week.

Dito na kami dumaan sa may outdoor hallway dumaan since mas malapit it sa may school parking area. Himala ngang walang masyadong estudyanteng naka tambay rito. Kadalasan kase ay marami eh, lalo na at open area ang isang side, kitang-kita ang malawak na soccer field. Ngayon may iilang Maritime students ang narito, merong ring mga Engineering base narin sa uni na suot nila.

Malapit na kami sa may parking area nang bigla namang humuni ang cellphone ni Agatha. We stopped below the huge nara tree to get her phone out.

"Excuse me muna Sammy Babes, sasagutin ko lang muna tong tawag."-she said.

"Sure, go ahead."-I replied instantly whith a genuine smile.

Lumayo sya nang kaunti sa akin at tinapat na ang phone sa tenga nya. At first I didn't care about her on call, not until she started yelling and on the verge of crying.

What's her problem? Who's on the other line at ganun nalang ang galit nitong si Agatha.

"W-what happened?"-I ask her when she's finally approaching towards me.

Frustration is very evident on her face, she's teary eyes as well. Tuloy ay di ko maiwasang mag alala sa kanya, she was my only close friend after all. Palagi kong ginagawang biro ang madalas na pag absent nya, I was worried for her but she's not really a kind of person who opens up her problems and takes it seriously for a long period of time.

Ganon paman ay hindi ako nag kukulang iparamdam sa kanya ang presenya ko. That I'm just here when she needs me.

"I'm sorry Sam, di muna matutuloy ang girl bonding natin ngayon...I–I j-ust... want to go home right now."-she apologetically spoke which I understand naman.

Sa lagay nya ngayon ay mas mabuti pa ngang umuwi nalang sya. At least maipapahinga nya at makakapag isip sya nang mabuti.

"It's okay, mabuti pa ngang umuwi ka. Drive safely okay? Just call me if you need someone to talk to."-I sincerely said.

I hugged her tightly and caress her back to give her comfort. It was a short hug before I send her to where her car was parked. Sinundan ko pa sya nang tingin at kumaway, I heard her car beeped nang tuluyan na itong nakalayo at malapit na sa may gate pass para sa mga sasakyan.

I return to the parking area when I notice someone familiar while talking to a guard na hula ko ay nasa late 40's na. She was wearing a Quins Senior High school uniform. A white short sleeve with a rounded flat collar, kung sa aming mga college ay dark blue bow ang sa kanila naman ay dark blue double necktie. Her top was tucked in also in her knife pleated skirt na hanggang tuhod ang haba unlike the pencil skirt that we wear in college.

I saw her smiled and jokingly salutes the guard na ngayon ay paalis na. I mentally laugh when I notice some college students was also checking her out from a far. She has this fair skin but not as fair as I am, sapat lang upang mangibabaw ang kutis nya sa iba. Naka tali rin ngayon ang hanggang bewang nyang buhok into messy bun but nonetheless she looks great, bumagay rin sa bilugan nyang mukha ang salamin nya.

Her cheeks has a flush of pink, but not because of make up or cheek tint kundi dahil sa sinag nang araw na nag ti-trigger sa pagiging mestiza nya...well all of my cousins are, including me ay nagiging ganyan sa tuwing naaarawan. Isa pa, she's not into make up, hindi sya katulad ko na girly.

Busy na busy ito sa pag lagay nang kung anong mabigat na bagay sa likod nang sasakyan nya kaya hindi nya manlang ako napansin.

"Hey! Meres Danileigh!"-pag aagaw ko nang pansin dito. She didn't disappoint me when she instantly looked at my direction.

Mend A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon