Prologue✔

277 12 2
                                    

"Si-sino ka?"
Nauutal na tanong ko sa babaeng nakalutang sa kalye na nakagown?

"Mina-Mina-Mina, napakapintasera mo talaga!" Sabi niya sa seryosong boses

Yung feeling na maiihi ka sa salawal mo. Ito na yun teh!
Naiihi na ako sa sobrang  gulat at takot!

"Umalis ka na nga sino ka ba? Feeling diwata ka! Dika naman kagandahang bruha ka!" Nanggigigil na sigaw ko dala na siguro na takot

"Oh tignan mo. Pinintasan mo ako hahaha" nakakakilabot na talaga ito lalo na yung pagtawa niya. Wala namang nakakatawa ha?

"Dahil dyan paparusahan kita!" Sabi niya sabay labas ng kanyang magic wand.Oo, magic wand!!
Pauso ka rin no? Teh?

"Anong gagawin mo? Isusumpa mo ako na maging palaka at pagkatapos non hahanapin ko ang prince charming ko para halikan ako at doon mapuputol ang sumpa at happily ever after na?" Mahabang lintaya ko at saka tumingin sa kanya ng hindi makapaniwala

Kanina pa kasi ako na nanggigigil sa kanya,Baliw ba siya? Diwata wanna be and hindi naman na uso ang mga ganyan sa panahon ngayon

Kung trip niyang mang-prank..
Sinasabi ko WAG AKO!

Dahil pipintasan ko siya ng bonggang-bongga!

"Ang haba ng sinabi mo teh! Ah ..sorry ka nalang dahil hindi yon ang gagawin ko sa iyo...pero may tama ka! Kailangan mo nga ng prince charming!" Sabi niya habang nakakalokong nakatingin saakin
"Lahat ng pipintasan mo ay mapupunta sayo! At matatanggal lamang ang sumpa kung may mahahanap kang magmamahal sayo ng tunay at puro" nakangiting pagpapatuloy niya

"Ang taray mo teh!" tanging sigaw ko na lamang dahil maiihi na talaga ako sa takot ..ay teka hindi lang pala maiihi dahil parang natatae na rin ako!! ..besh!!

"Wala kanang magagawa Mina" sabi niya at iwinagayway sa ere ang kanyang magic wand

Pero infairness! Umilaw ang wand niya ...ang ganda besh!

Pagkaraan ng ilang sigundo tumama sa akin ang ilaw na nagmula sa magic wand ni ate ..

"Wala naman! Nyenyenyenyenye!!" Tukso ko sakanya habang nakalabas ang dila at nakalagay ang dalawang kamay sa ulo at pinatirik ko rin ang aking mata para mas mafeel niya ang pagpalya ng kanyang mahika

"Hanggang sa muli Mina Pintasera" sabi niya kasabay nito ang paglabas ng makapal na usok at mawala na siya..

Natawa nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad dahil sa naudlot na pagload ko kay aling Bechay..

Mina PintaseraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon