Third person's POV
Halata ang pagkagulat at inis sa mukha ng itim na diwata dahil sa nagawa ng kalaban niya
At bakas naman sa mukha ni Mina ang galak dahil sa wakas makakabalik na siya sa dati niyang anyo
"Ibabalik na kita" saad ng puting diwata habang nakangiti kay Mina
"Hindi mo siya maibabalik!" Pasigaw na tugon ng itim na diwata kaya napatingin naman si Mina at ang puting diwata sakanya
"Pero talo kana..."mahinahong sambit ng puting diwata habang seryosong nakatingin sa mukha ni Lina
"Hindi pa tapos!" Muling saad ni Lina kaya napabuntong hininga ang puting diwata at tumingin kaya Mina saka ito ngumiti
"Sandali lang ha?" Nakangiting saad ng puting Diwata
Mina's POV
namayani ang katahimikan sa pagitan ni Lina at ni Lola
Seryoso silang nakatitig sa mata ng isa't-isa
Nagpakawala ng isang itim kapangyarihan si Lina at agad na ibinato ito kay lola
Pero agad na naglaho si Lola
At agad namang inilibot ni Lina ang kanyang paningin sa paligid upang hanapin si LolaHabang abala si Lina na hanapin si Lola..hindi niya namalayan na nasa likod na pala ni Lina si Lola
"Tama na..." saad ni lola at walang pakundangang hinablot ang kwintas ni Lina mula sa kanyang leeg
Nagulat si Lina at agad na napatingin sa kanyang likuran habang kinakapa nito ang kanyang kwintas mula sa kanyang leeg
Napatingin naman si Lina sa hawak ni lola at ito ang kanyang kwintas
"Papaano mo nagawa 'yon!" Pasigaw na saad ni Lina na parang naluluha
Bumalik naman si Lola sa kinaroroon ko
"Makakabalik kana sa dati mong hitsura Mina..." masayang saad ni lola
At napatingin naman si lola Kay Lina at agad na inihulog ang kwintas sa lupa at agad itong tinapakan ni lola at agad namang nasira ang kwintas..
Pagkatapos tapakan ni lola ang kwintas ay siya ring pagkawala ni Lina
Ngumiti si Lola saakin kasabay nito ang paglabas ng nakakasilaw na liwanag
At nang mawala ang liwanag ay nandito na ako sa CR ...sa tapat ng salamin
Napangiti naman ako sa dahil sa wakas nakabalik na ako sa dati kong anyo..
Napatingin naman ako sa relo ko at nagsimula ng umandar muli ang oras
At 11:05 pm na at ilang minuto na akong nandito sa CR
Kaya naghugas na ako ng kamay at lumabas ng CR pagkatapos
Naupo na muli ako sa tabi ni Dwane
Napatingin naman siya saakin at ngumiti
"'Ba't ang tagal mo Mina...pinag-alala mo ako ..akala ko kung anong nangyari na sa'yo.."saad ni Dwane at bakas sa mukha niya ang pag-aalala
"Wala...bumili pa kasi Ako ng tubig..nauhaw ako bigla" palusot ko habang nakangiting nakatingin sakanya
"Ok..."maikling saad niya at ibinalik na ang kanyang atensyon sa pagent
Coronation na pala!
"And The winner is..." saad ng MC kaya hindi ko mapigilang ma-excite..
"Is no other than..Ms. Jamie torres!" Masiglang announce ng MC kaya napasigaw ako"Congrats Jamie!" Sigaw ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig dahil marami ding nagsigawan at palakpakan
At dahil sa tuwa napayakap ako kay Dwane
At nung marealize kong nakayakap pa pala ako bigla akong napabitiw at ibinaling muli ang atensyon sa stage
Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko dahil sa kilig at hiya...
Nakakahiya ka Mina!
Landi much?
Teka nasaan na pala si lola?
Hindi man lang ako nakapagpasalamat dahil sa pagtulong niya saakin pero sobrang nagpapasalamat ako kay lola dahil sa pagtulong niyang maibalik ako sa tunay kong anyoAnd dahil sa magical experience ko ipinapangako kong hindi na ako mamimintas pa ..
BINABASA MO ANG
Mina Pintasera
RomanceMaganda Pero 'di matalino Maganda Pero pintasera 'Yan si Mina ngunit magbabago siya ng isumpa ng isang diwata? Isinumpa siya na maging isang pangit na nilalang para maranasan niya ang pamimintas na kanyang ginawa sa kanyang kapwa At dito niya rin ma...