Chapter 1✔

157 9 0
                                    


Taas noo akong naglalakad sa hallway ng school papunta sa aming classroom

Papalapit palang ako sa room rinig ko na agad ang mga hinayupak kong mga kaklase

"Hoyy!!" Malakas kong sigaw kaya nagsitinginan silang lahat sa gawi ko
"Tumigil nga kayo ang baho na nagpaligid dahil sa mga hininga niyong mga hayop kayo!" Pagpapatuloy ko

" 'Wag mo nga kaming paki alaman Mina ..ano naman kung mabaho ang paligid?" Tanong ni Jamie ang babalu kong kaklase na nagtataglay din ng kakaibang baho ng hininga

"Duh!! 'edi masisira ang beauty ko" sabi ko sabay flip hair
"Ay! Teka nga! bakit pala kita kinaka-usap bruha ka?" tanong ko sa Kanya habang nakakunot ang noo ko
"Baka mahawa pa ako sa badbreath mo!" patuloy ko

"Excuse me Mina! Ano naman ngayon kung mabaho ang hininga ko ..gagamitin ko din itong pamatay sayo 'no!" sigaw niya at nagbuga ng hanging mula sa bunganga niya

"Yuck!! Kadiri kang bruha ka!" Sigaw ko at binato siya ng chalk at may isang pumasok sa bunganga niya

"Ha-hayop k-ka Mi-Mina" umuubo niyang sambit at masamang nakatingin sa akin

"Kasalanan mo yan hayop ka alam mo ba kung gagano kabaho yang hininga mo ha!?" Pasigaw na Tanong ko sakanya
"Baka dahil sa hininga mo makapapatay ka ng isang buwaya't isang tigre..hayop ka!" Sigaw ko pero ang iba naming mga kaklase ay pinapanood lang kami

At walang maski ni isa ang tumulong kay Jamie kaya naupo nalang ako habang kasalukuyan siyang umuubo ng mabaho niyang hininga

***

Katatapos lang ng klase namin at naglalakad ako sa field ng school at may biglang humablot sa buhok ko habang mahigpit niya itong hinahawakan

"Walang hiya ka Mina" bulong niya at naamoy ko na naman ang mabaho niyang hininga at walang iba kun'di si Jamie

"Bitawan mo nga 'yang buhok ko..bruha ka" nangigigil na bulong ko sa kanya

Pero ang gaga mas lalo niya itong hinawakan ng mahigpit ..yung feeling na iniwan ka ng bf mo mas masakit pa doon ang nararamdaman ko ngayon...help me ang baho hindi na ako makahinga!

"Jamie!" Tawag ng isang lalaki kay Jamie kaya napatingin siya roon at doon ako nakakuha ng tyempo at walang pakundangang hinablot at hinila ang mahaba niyang baba kaya nasubsob siya sa damuhan at mabilis naman akong tumakbo papunta sa cafè

Hingal na hingal ako pagdating ko sa cafè at bibili sana ako ng juice pero ang tindera nakuha pang makipaglandian sa lalaking nagtitinda ng shomai

Dahil sa inis ko napasigaw na ako ng..
"Hoy ateng may mapa at malaking nunal sa mukha!" Sigaw ko at sa wakas napansin niya ako at matalim siyang nakatingin saakin

"Kung nakapamintas naman 'to wagas if I know hihingi ka lang naman!" inis niyang sabi at kumuha ng natitirang juice sa lalagyan

"Eh totoo naman eh!" Pagpupumilit ko
"Oh! 'Eto na po mahal na prinsesa" inis niyang sabi at padabog na nilapag ang juice ko

Agad ko naman itong kinuha and for the final pintas
"Malandi kang gaga ka hinayupak ang pangit mo mapa!" Sigaw ko sa kanya habang naglalakad palabas ng cafè

Hay! Nakakapagod naman makapagtambay nga muna sa library at makapaghasik nga ng lagim!

Pagdating ko sa library naupo na ako sa pwesto ko...love na love ko kasi to nandito kasi lahat ng kulangot at mga bubble gum ko!

Habang iniinom ko ang juice ko nakita ko naman na pumasok sa library si Jamie kaya agad akong nagtago sa mg shelve ng libro

Patingin-tingin siya sa paligid at halatang may hinahanap..ako yun! Gagantihan niya ako...

Muli akong napatingin sa gawi niya pero wala niya siya napa hinga naman ako ng maluwag at lumabas sa pinagtataguan ko

Naupo akong muli sa favorite and love kong  upuan

"Nandito ka lang pala" nanigas naman ako sa boses na narinig ko at napatingin sa kanya

"Hi! Jamie musta?"nakangiting tanong ko sakanya
"Napano yang baba mo?" Muli kong tanong at mukha na ngayon siyang papatay ng tao

Pagkasabi ko 'non agad naman akong napatayo at mabilis na tumakbo papuntang CR at agad ko ito ni-lock

Nakahinga naman ako ng maluwag at naupo sa kubeta habang iniinom ang juice ko

"Punyeta!" Sigaw ko at agad na ibinuga ang iniinom ko dahil sa gulat

Bigla kasing nagpatay-sindi ang mga ilaw dito sa CR..

Bigla namang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan

Mama!! Tulong!!

"Hoyyyy!!" Sigaw ni Jamie kaya nagulat ako..napatingin naman ako ng masama kay Jamie

"Punyeta ka!!" Sigaw ko kay Jamie at ibinato sakanya ang hawak kong tabo
" 'bat ka nanggugulat?!" Pasigaw kong tanong sakanya

"Nakalimutan mo naba ang ginawa mo ..hayop ka!!" Sigaw niya habang tinuturo ang baba niya na dumudugo

"Pake ko jan..!! Jan kana nga" sabi ko kay Jamie sabay walkout para makatakas

At paglabas ko sa Cr tumakbo na ako pabalik sa Classroom namin ..

Puro takbo ang ginawa ko ngayong araw!! Masisira ang beauty ko!!!

Mina PintaseraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon