Epilogue✔

51 5 0
                                    


"Mina...gising na may pupuntahan tayo" rinig kong pag-gising saakin ni ate

Ang aga-aga ginigising niya ako?..at isa pa wala namang pasok ngayon dahil malapit ng magpasko eh!

"Ano ba ate..inaantok pa ako...ang aga pa eh!" saad ko ngunit nakapikit pa rin ako

"Ano ka ba!...10 am na nga...maaga pa rin?...dali na gising na.." ang kulit talaga!

"Oh..'eto! Na!.."kunot noong sagot ko

"Bilisan mo bumaba kana at kakain na tayo...may pupuntahan tayo" saad ni ate..

Anyare 'don parang kilig na kilig ah baka may boyfriend na 'yun 'di niya lang sinasabi!

Pagkatapos kong kumain ay nagbihis na ako

Naka skinny jeans lang ako at white t-shirt at rubber na kulay white

"Tara na ate.." saad ko habang pababa ng hagdan

"Ano ba 'yang suot mo!..dali mag dress ka" saad ni ate habang tinitulak ako papasok ng kwarto ko

"Saan ba talaga tayo pupunta at kailangan pang mag-dress?" Kunot noong tanong ko pero natawa lang si ate

"Basta..." saad niya at kilig na kilig pa ang gaga

Ang weird niya ha?...baka may boyfriend na talaga 'yun

Kaya wala na akong nagawa kun'di sundin ang sabi ni ate

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako at umalis na kami

Saan ba talaga kami pupunta?

Makaraan ang mga thirty minutes siguro?...ay nakarating na kami

Sa park?

Pinagloloko ba ako ni ate?  Kahit naman ano ang suot mo allowed dito sa park ah?

"Dito lang naman pala tayo pupunta pinag-dress mo pa talaga ako ate?" Iritang saad ko

Pero nginitian lang ako ni ate at naglakad na siya kaya sumunod nalang ako

Wow infairness ang daming balloons at mga roses dito ah at yung mga balloons may mga nakasulat na letters

'W' yung unang letter pero hindi ko makita yung iba

At isa-isa nilang iniharap ang mga balloons na may letter at ang nakasulat ay

"WILL YOU BE MY GIRL?"

kyaaaahh!!

Kinikilig ako!

"Uy si ate may manliligaw ka pala ha?...bakit 'di mo sinasabi saakin?..uyy" saad ko habang kinukurot ang tagiliran ni ate

"Gaga!" Saad na lamang ni ate at tumingin muli sa mga balloon kaya nakigaya na lang ako

"Dwane?" at sa puntong ito nawala na ang nakakaasar na ngiti ko

At seryoso nang nakatingin kay Dwane at sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko habang papalapit siyang dala ang isang bouquet ng bulaklak

Nakangiti siya papalapit saakin at ng malapit na siya ay lumuhod siya at hinawakan ang dalawang kamay ko at...

"Will you be my Girl?" Tanong  niya habang nakangiti ng pagkatamis-tamis saakin

"Um-oo kana!" Sigaw ng mga tao sa paligid namin

Kahit 'di naman nila sabihin talagang sasagutin ko si Dwane eh!

"Ano ka ba Dwane tumayo kana nga dyan!"

"Hindi ako tatayo hanggang 'di ko nakukuha ang oo mo.." nakangiting saad niya

"Oo na...tumayo kana.." nakangiting saad ko at awtomatiko naman napatayo si Dwane

"Yes!...Girlfriend ko na siya!" Sigaw ni Dwane kaya nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid namin at ang iba at kino-congrats kami

Pagkatapos sumigaw ni Dwane ay niyakap niya ako ng mahigpit kaya niyakap ko naman siya pabalik at naramdaman ko pang hinalikan ako ni Dwane sa Noo

Nakakakilig! . Pakiramdam ko pulang-pula ako dahil sa ginawa niya

My story ends here

At sinong mag-aakalang ang pintaserang tulad ko ay mahahanap niya ang magpapatibok sa kanyang puso

Ito na siguro ang pinaka-masayang sandali saaking buhay at ang sandaling ito ay hindi ko makakalimutan... I will tresure this happy moment in my life

Hindi na ako isang pintasera at masasabi kong binago ako ng isang sumpang kailan man ay hindi ko makakalimutan

And of course!  Isa na dyan ang pagmamahalan namin ni Dwane

Nagpapalakpakan pa rin ang mga tao sa paligid namin kabilang na dito si ate na pinupunasan ang mga luhang tumulo sakanyang pisngi

Magkayakap pa rin kami ni Dwane na parang walang nanonood saamin

Salamat god dahil binigay mo saakin si Dwane

-THE END-



Mina PintaseraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon