Byernes na ngayon at limang araw nalang bago magfull moon 'daw'
Pero hindi pa rin ako bumabalik sa dati kong anyo!
Ang hirap naman kasi ng pinapagawa ng hinayupak na diwata Lina na yun eh!
Paano ko sasabihin na 'Dwane sampalin mo nga ako..diba mahal mo naman ako' yun ba yun ba ang sasabihin ko
Nandito ako ngayon sa classroom namin at kasalukuyang nagdidiscuss si prof about calculus ..ang hirap naman!..wala kahit ano ang pumapasok sa isip ko
Si Dwane lang!.. charot
"Any question class" tanong ni prof habang nakataas ang kamay niyang mayhawak ng white board marker
"None Sir" sagot naman ng mga ugok kong kaklase
"If that so..let's call it a day..goodbye" nakangiting saad ni prof
Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas na rin sa room para mag break
"Mina!" Tawag ng isang napakagwapong boses..si Dwane
"Yes!" Masiglang saad ko at nag flip hair
"Ang landi niya noh?"
"Sinabi mo pa pangit na nga may lakas pa ng loob para maglandi..assumera ang gaga"
"Hoy sinong malandi at pangit ha!" Galit na sigaw ko pero dedma lang ang dalawang pintasera
"Tara sa rooftop 'don na tayo mag-snack ..may ginawa akong sandwitch" nakangiting saad niya sabay taas ng ginawa niya 'daw ' na sandwitch
Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa rooftop
"Eto...masarap 'yan" nakangiting saad niya habang iniaabot ang sandwitch
"Teka nga Dwane..anong nakita mo saakin ha?..like duh! Ang pangit ko kaya" kunot noong tanong ko sakanya habang nakatitig sa maganda niyang mata
Natawa naman siya sa sinabi ko at nilapag ang kinakain niya
"Anong nakita ko sa'yo? Simple you are not just beautiful but also you have a good heart" sabi niya...ay naks ano naman ang maganda sa pamimintas ha?!
Alam kong mali ang mamintas ng kapwa ..kailangan nating tanggapin kung ano sila..hindi kung anong meron sila
"Sige nga ilarawan mo nga ang physical apperance ko" sabi ko sabay kagat sa binigay niyang pagkain
"Ahhhm...maputi ang balat mo ..matangos ang ilong.,mahahaba ang iyong pilikmata,maayos ang iyong kilay and you have a kissable lips that anyone would like to kiss it" sagot niya...ay naks..ano raw?!
Dali-dali ko namang kinuha ang salamin ko sa bag at tiningnan ang pagkakalarawan niya saakin..
Anong maputing balat?.. ang itim ko kaya,
Anong mahahabang pilikmata?..ang iiksi kaya,
Ano maayos na kilay?...ang kapal at ang gulo kaya
Anong kissable lips?..ang dry kaya!Pinagloloko ba ako ng lalaking toh!
"Pinagloloko mo ba ako Dwane" kunot noong tanong sakanya habang seryosong nakatitig sakanya
"Hindi" sabi niya sabay iling
Makalipas ang ilang minuto ay tumunog na ang bell hudyat ng pag-uumpisa ng klase..
Bakit kaya ang dating anyo ko ang nakikita ni Dwane..??.weird!?
BINABASA MO ANG
Mina Pintasera
RomanceMaganda Pero 'di matalino Maganda Pero pintasera 'Yan si Mina ngunit magbabago siya ng isumpa ng isang diwata? Isinumpa siya na maging isang pangit na nilalang para maranasan niya ang pamimintas na kanyang ginawa sa kanyang kapwa At dito niya rin ma...