Chapter 16✔

60 4 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon pauwi dahil may pinutahan ang magaling kong kapatid kasama ang driver ko..wala kasi akong kasama kaya nagpasundo ako...may pupuntahan daw kasi si Dwane kaya nauna na siya kaya hindi na niya ako naihatid

Habang naglalakad ako napapatingin ang lahat saakin at tumatawa pagkatapos

Biglang may tumakbong bata at nagbangga niya ako at naduminhan ang sapatos ko...nakakainis!! Suki ako ni karma ngayon ha!

"Ano ba!? ...bulag ka ba?" Pasigaw na tanong ko sa bata ngunit parang nakakita ng multo ang bata at tarantang tumakbo

Yung totoo ganon ba ako kapangit at kinakatakutan nila ang hitsura ko?

Pinagpatuloy ako nalang ang paglalakad at may nakita akong sari-sari store sa hindi kalayuan ..kanina pa kasi ako nagugutom eh!

"Ate pabili nga!" Saad ko habang kumukuha ng pera sa wallet ko..

"Ubos ang beauty cream ko ngayon...ineng" saad niya habang nakatingin saakin

Aba't?!  bastos to ah!

"Hindi ko po kailangan 'yon maganda naman na ako!" Saad ko sabay flip hair

"Ha?..san banda" sarkastikong saad niya habang may hinahanap sa katawan ko

"Grabe siya oh?...dito ate oh!" Saad sabay turo sa mukha ko...grabe di ba niya napansin ang kagandahan ko?

"Wala naman ha?" Takhang Tanong niya...

"Pabili na nga lang!" Saad ko habang nakakunot ang noo...ang sakit palang mapintasan ng ibang tao..pero 'di ka naisip na nakakasakit na pala ako ng ibang tao..

Pagkatapos kong magmiryenda ay napatuloy na ako sa paglalakad pero hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung mga pinintasan noon...It hurts you know?

Habang naglalakad ako may bakita akong matandang pulibi na nagkakalkal sa basurahan..naghahanap siguro ng makakain niya kaya dali-dali akong lumapit sakanya

Good thing kasi hindi ko naubos ang tinapay ko kanina kaya ibibigay ka nalang 'to sakanya para masasabi ko naman na may nagagawa rin akong mabuti kahit papaano

"Lola ano pong ginagawa mo?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya kaya napatigil siya sa ginagawa niya

"Naghahanap ako nang makakain ko ineng" saad niya at muling itinuon ang pansin sa kanyang ginagawa

Kaya binuksan ko ang bag ko upang kunin ang pagkain na ibibigay ko kay lola

"Lola ito po sayo nalang po.." nakangiting saad ko habang iniaabot sakanya ng pagkain

"Ang bait mo naman ineng" nakangiting saad ni lola sabay kuha nito sa pagkain

Nagsimula na sa pagkain si lola at nakangiti naman akong nakatingin sakanya

Ganito pala ang feeling ng nakatulong ka sa kapwa mo..ang sarap sa feeling na napasaya ko si lola

"Ito po tubig" alok kong muli sakanya at malugod din naman niya itong tinanggap

"Maraming salamat sayo ineng...alam mo bang dalawang araw na akong wala kain?...Ano nga palang pangalan mo?"  Nakangiting sabi ni lola

"Mina po..." nakangiting sagot ko

"Sige po lola mauuna na po ako.." nakangiting paalam ko at nagsimula ng maglakad

"Mina!" Sigaw ni lola kaya napalingon ako sa kanya

"Bakit po?" Takhang tanong ko habang papalapit muli sakanya

Nakatayo na ako sa tapat ni lola at nagsimula naman siyang magsalita

"Alam kong hindi 'yan ang tunay mong anyo" mahinang saad ni lola ngunit sapat lang upang marinig ko

Nabigla naman ako sa sinabi ni lola..papaanong alam niyang hindi ito ang tunay kong anyo?

"Ba-bakit mo po alam" utal na tanong ko habang gulat na nakatingin sakanya

"Alam kong isinumpa ka rin ni niya... " saad niya ngunit hindi siya nakatingin sa mga mata ko

"Ni Lina.."

Mina PintaseraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon