Katatapos lang ng klase namin at 'eto ako ngayon nakahiga sa malambot kong kama habang nakaharap sa cellphone ko.
Habang nag e-fb ako at nag-i-scroll sa newsfeed ko hindi maiwasang mamintas sa mga fb friends ko
"Ang laki ng mata mo teh!" sabi ko sa picture sa newsfreed ko
Pagkatapos kong tignan nagscroll na naman ako
At napahinto naman ako sa picture ni Jamie"Ang laki talaga ng baba mo" natatawang sabi ko sa picture ni Jamie at nagpatuloy sa pagscroll
" 'eto ang laki naman ng eyebag ni kuya" muli ko sabi ..bakit ganito?! Hindi ko maiwasang mamintas!
Habang nag-i-scroll ako biglang may nagchat kaya agad kong tinignan ang profile niya
"Ay! Pero-pero infairness gwapo si kuya!" Nakangiting saad ko habang nakatingin sa picture niya
Pero I'm not interested....
Mas marami pang gwapo sa school na nanliligaw saakin pero hindi ako interesado..Hindi malandi ang lola niyo!
Habang nag e-fb ako ay
May biglang kumatok kaya nahulog ang cellphone ko sa muka!"Kainis naman oh! Aray ko!!"
dali-dali akong tumayo para tignan kung sino
"Ms. Mina kakain na daw po kayo" saad ng katulong naming si Manang Neli ang katulong naming matandang dalaga
Maganda naman siya ehh!!
Noong hindi pa uso ang tao!
Ngumiti ako ng pilit at tumango sakanya...
Hindi ko pwedeng pintasan ang mga katulong namin dahil magagalit ang mga magulang ko..
Hindi nila ako paborito dito mas paborito nila si Ate Quenie...
Oh! Diba pangalan palang halatang paborito na nila!
Bigla naman akong nalungkot ng maisip ko ang mga 'yon
"Ano kaba Mina! Umayos ka nga!" Bulong ko sa sarili ko habang pababa ng hagdan
"Nangdyan na ang mahal na prinsesa" sarkastikong sabi ni ate habang naka tingin sa platong nasa harapan niya
Nang marinig ko ang sabi ni ate biglang nagpantig ang tenga ko kaya...
"Oo ate kong reyna kahit mukhang katulong lang ng reyna" bulong ko sapat lang na marinig niya
"Anong sabi mo!" Sigaw niya at biglang napatayo..
"Wala ang sabi ko maganda ka" sabi ko naman habang nakangiti ng pagkatamis-tamis
"Mina, Quenie magtigil nga kayo nasa harapan tayo ng grasya" saway ni Mommy kaya napaupo nalang ako at nagsimulang kumain
" oh! By the way Quenie malapit na ang graduation mo ang balak mo?" Nakangiting tanong ni mommy kay ate
"Balak ko pong magbakasyon sa France!" Masiglang sagot ni ate
"Ok then that is our gift for you as Suma Cum Laude" singit naman ni daddy
Bakit ako nung graduation ko ng elementary at high school wala naman akong ni isang gift?!
Pero bakit kay Quenie? Lahat ng gusto niya binibigay nila?
"Sorry I loose my appetite" sabi at tumayo at nagsimulang umakyat
Pagkarating ko sa kwarto ko agad kong nilock ang pinto at nagsimulang bumuhos ang mga luha ko..
"Bakit ganoon?..mas mahal nila si Quenie" bulong ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin
"Bakit ganoon para akong may gripo sa mukha!" Muli kong bulong sa sarili ko kaya natawa nalang ako at tumigil na sa pag-iyak
'Yun ang gusto ko sa sarili ko eh...napapatigil ko ang sarili ko sa pag-iyak at napapangiti ko ang sarili ko...
Pagkatapos kong umiyak pumunta na ako sa banyo at naghilamos at nag toothbrush
Pagkatapos 'nun nahiga na ako sa kama ko at nagsimulang matulog...
***
Someone's POV
"Hay! Mina kailan ka kaya magbabago...pintasera ka talaga" sabi ko habang pinapanood siya sa gamit ang aking mahika
"Humanda ka Mina...Pintasera"
BINABASA MO ANG
Mina Pintasera
RomanceMaganda Pero 'di matalino Maganda Pero pintasera 'Yan si Mina ngunit magbabago siya ng isumpa ng isang diwata? Isinumpa siya na maging isang pangit na nilalang para maranasan niya ang pamimintas na kanyang ginawa sa kanyang kapwa At dito niya rin ma...