Masaya ako dahil sa wakas nakabalik na ako sa tunay kong anyo at kasalukuyan ako ngayong naglalakad dito sa hallway ng school habang may ngiti sa labi ..
Maraming naggo-good morning saakin at sinasagot ko naman sila ng Ngiti
"Mina!!" Pasigaw na tawag ni Dwane sa Pangalan ko habang tumatakbong papalapit saakin
Ang gwapo talaga niya ..hindi mo masisising napakaraming nagka-crush sa kanya
Pero nung malaman nilang nililigawan na ako ni Dwane ay maraming umiyak dahil magkaka-girlfriend na ang crush nila
Kaya sorry nalang sila kasi ako ang gusto ni Dwane...
"Akin na 'yan.."saad ni Dwane sabay kuha sa bag ko para siya na ang magbit-bit nito
"Ang sweet mo naman" nakangiting saad ko habang nakatingin sa nilalakaran namin
"Ganda mo kasi eh!.." saad ni Dwane kaya napatingin ako sakanya ..ang cute niya!
Namumula kasi yung tenga niya!..ang sarap tuloy halikan yung pisngi niya
Nakaka gigil.!!
Malapit na kami sa classroom namin at as ussual ang iingay na naman ng kaklase ko
"Thank you Dwane!" Masiglang saad ko sabay kuha mula sakanya ng bag ko
Ngumiti lang siya bilang tugon kaya kiniss ko siya sa pisngi
At nagulat naman siya sa ginawa ko at parang nanigas siya kaya nagpaalam na akong pumasok sa classroom kaya ngumiti nalang siya at naglakad na para pumunta sa classroom nila
"Hindi mo ba sila susuwayin Mina?" Takhang tanong ni Jamie
"Hindi na...bahala sila..kung saan sila masaya" nakangiting sagot ko
"Hoy!! 'Di lang kayo mahiya nandito na ang president oh!" Sigaw ni jamie kaya nagsitigil naman ang mga kaklase ko at ngumiti saakin
Lumingon naman si Jamie saakin at ngumiti
Naupo nalang ako sa upuan ko at naghinaty sa prof. Namin
"Jamie salamat ha?..kasi ako yung gusto mong pasalamatan kagabi" pasasalamat mo kay Jamie at ngumiti ng matamis sa kanya
"Ano kaba Mina!...ako dapat ang magpasalamat sa'yo" nakangiting saad niya
Kaya natawa nalang kaming dalawa
"So friend na tayo?" Tanong ni Jamie
"Friend.." nakangiting saad ko sabay lahad ng kamay at naghandshake kami
Ang saya lang?...may bago na naman akong kaibigan at sinong mag-aakalang kung sino pa ang pinipintasan ko dati siya pa ang naging kaibigan ko ...
**
Katatapos lang ng klase namin at iniligpit ko na ang mga gamit ko para mag-brake
"Ang ganda mo talaga Mina" nakangiting saad ni Stephanie
"Oo nga...ano bang sikreto mo Mina?" Tanong naman ni Shina
"Ganyan din sana ako kaganda" saad naman ni Serina
Natawa nalang ako dahil sa sinabi nila
"Alam mo serina?...hindi naman basehan ang hitsura para maging maganda..pwede ka namang maging maganda dahil jan sa kalooban mo...and as a matter of fact maganda ka naman ah!...kayong tatlo" nakangiting saad ko na siyang dahilan para mapangiti naman silang tatlo
"Apat tayo...apat tayong maganda" saad pa ni Stephanie kaya nagtawanan kaming apat
Ang sarap pala sa feeling ng wala kang kaaway at kaibigan mo lahat ang mga taong nakapaligid sa'yo
Palabas na ako ng classroom habang may ngiti sa labi
Nagulat nalang ako dahil biglang may kumuha sa bag ko kaya napatingin ako sakanya
"Ang sweet mo talaga!" Nakangiting saad ko...ang bilis ng tibok ng puso ko at kinikilig pa ako
"Manliligaw eh!" Nakangiting saad ni Dwane nasabi ko na bang um-Oo ako kay Dwane kagabi?
Sa tingin ko hindi pa...Um-oo ako kagabi noong inihatid niya ako sa bahay at laking tuwa naman niya at ngayon na daw niya uumpisahan ang panliligaw niya
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Dwane at muling itinuon ang atensyon sa nilalakaran namin
Pero kung hindi lang ako isa't kalahating tanga natapilok pa ako pero sinalo naman ako no Dwane at muling pinatayo
"Ayos ka lang? ..may masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong Dwane habang nakahawak pa rin sa kamay ko
"Ayos lang ako..Thanks" nakangiting saad ko..at pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko dahil sa ginawa niya ....nakakakilig talaga at 'eto na naman ang bilis na naman ng tibok ng puso ko..
BINABASA MO ANG
Mina Pintasera
RomanceMaganda Pero 'di matalino Maganda Pero pintasera 'Yan si Mina ngunit magbabago siya ng isumpa ng isang diwata? Isinumpa siya na maging isang pangit na nilalang para maranasan niya ang pamimintas na kanyang ginawa sa kanyang kapwa At dito niya rin ma...