Chapter 8✔

74 5 0
                                    

"Sorry class I'm late" sabi ni miss saamin at nagmamadaling inilapag ang bag niya sa table

Ano ka ba !!..lagi ka namang late..nagtaka ka pa!

"So, good morning class!" Masiglang bati ni miss saamin kaya nagsitayuan naman ang mga ugok kong kaklase pero ako 'eto nakaupo habang nangungulangot!

"Good morning" bati naman ng mga ugok kong kaklase
"Ok you may now take your seat!"

"So..tutal malapit naman na ang search for Mr. And Ms. Enchanted..why we don't talk about who will be your class representative?" Nakangiting sabi ni miss

Kaya bigla namang nag-ingay ang mga hinayupak kong kaklase

Aba! Pati si babalung Jamie nakikisali na rin

So as a class president ..

"Mga ugok! Magsitigil nga kayo!" Sigaw ko kaya pati si miss nakatingin na rin saakin

"Pake mo ba Mina ..mag-ingay ka rin kung gusto mo!"
Sigaw naman ni Stephanie

"Oo nga babalung panget!" Sabat naman ni Serina

"Tama kayo girl" sambit naman ni Shina

Aba! Namumuro na ang mga to ah!

"Pasalamat nga kayo pinapansin pa kayo ng maganda niyong classroom President e!" Sabi ko sabay flip hair

"Wow! Teh!..'san banda!" Sarkastikong sabi ni Stephanie sabay tawa nilang tatlo

"Bastos ka ah!" This time napatayo na ako habang nakayukom ang mga kamao ko
"Matuto nga kayong tumingin sa kasing ganda niyo!" Sigaw ko

"Ehem!...nakalimutan niyo yatang may teacher sa harap niyo" sabi ni miss Habang nakangiti ng nakakaloko..

Aba! At nakuha pa niyang ngumiti..

"Pangit" bulong ni Shina..namumuro na talaga sila..

Kahit ganito ang mukha ko kino-consider ko paring maganda ako..

Maganda naman talaga ako eh..sinumpa lang talaga ng bruhildang diwatang 'yon!

***

Sa wakas break time na .natapos na rin sila sa kaek-ekan nilang Search-search na 'yan and guest what..

Si Jamie ang class Representative namin!
.kapal ng mukha! At si Christ naman sa lalaki ..gwapo naman si Christ eh!

Totoo walang halong biro..gwapo talaga siya!

"Mina!" Naku po si Dwane na naman ang hilig sumigaw!

"Sino ang Representative ng Klase niyo?" Nakangiting tanong niya...ang cute!

"Si Jamie lang naman" sagot ko habang nakatingin sa nilalakaran namin

"Ahh...ok" tanging sagot niya sabay tingin sa malayo..
"Labas tayo sa weekend" nakangiting sabi niya kaya kita ung dimple niya ...ang sarap pisilin!

"Ayoko may gagawin ako" sagot ko..sa totoo lang wala talaga akong gagawin ..tinatamad lang akong lumabas ng bahay kapag weekend

"Please Mina" sabi niya habang naka dikit ang dalawa niyang palad habang naka puppy eyes..paano ba ako makakatanggi dito?

"Hayys sige na nga" sagot ko habang nakakunot ang noo..at nakangiti naman ang loko
"Thank you Mina" sabi niya

Habang naglalakad kami Bigla na namang huminto ang paligid kaya tinignan ko si Dwane nakangiti siya ang cute!

Kaya grab the opportunity na makaselfie siya!

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at nagselfie kasama siya

Sa kalagitnaan ng pagseselfie ko may nagsalita naman kainis panira talaga ng moment 'tong diwatang 'to

"Musta na Mina.." nakangiting tanong niya..sa tuwing nakikita ko ang ngiti niya nasisira ang araw ko!..kainis..

"Ok naman!"walang gana kong sabi sakanya habang nakaakbay kay Dwane

"Naku teh! Kumekerengkeng kana ah!..libre chansing ganon?!"maarteng saad niya habang nakangiti ng nakakaloko
"Namimintas ka pa ba?" Seryosong Tanong niya

"Pake mo ba!" Saad ko
"Kailangan mong magmadaling maalis ang sumpa" seryosong saad niya
"Dahil lumalakas na ang kapangyarihan ng masamang diwata" payuloy niya

Masamang diwata?! Tama ba ang narinig ko!

"Anong sabi mo!?" Pasigaw na tanong ko
"Hindi ko maintindihan" patuloy ko habang nakakunot ang noo

"Kelan ka! pa kasi nakaintinde!" Saad niya habang nakapamewang pa ang gaga!
"Ok I will explain to you one by one..alright?!" Patuloy niya...aba nag english pa ang gaga

"Sa oras na makuha ng masamang diwata ang sapat na enerhiya na kailangan niya magdudulot ito ng masama...kaya kailangan mong maalis ang sumpa sa lalong madaling panahon 'kundi mabubura ang mga pintasera sa mundo" bigla naman akong kinilabutan sa sinabi ..mga pintasera mabubura sa mundo!!

"Mina ikaw lang ang tanging susi para mawakasan ang kasamaan ng diwatang iyon" muling saad niya na parang nagmamakaawa
"Kaya dapat makipagtulungan ka saakin"
Patuloy niya

Ano na ba ang mangyayari saakin nito!!

Mina PintaseraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon