Mabilis na lumipas ang araw at mamayang gabi na ang full moon
Kasalukuyan kaming nakaupo ni Dwane dito sa Bench malapit sa cafè para gumawa ng assignment..
Siya lang pala ang gagawa kasi mangongopya ako pagkatapos niyang gawin
"Mina?..ok ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Dwane
"Oo naman!" Masiglang saad ko
"Ok..wait lang ah matatapos na 'to" saad niya habang nakatingin sa sinasagutan niyang math problem
Napaka-unpair talaga ng buhay..
Bakit si Dwane ang gwapo na nga niya ang talino pa!Pero ako maganda lang pero hindi matalino..
Siguro matalino lang ako sa pamimintas sa mga tao sa paligid ko...
"Tapos na!" Masiglang saad ni Dwane habang ibinabalik ang takip ng ballpen niya
"Tama 'yan ha?" Tanong ko sabay kuha ng note niya...kapal ng muka mo Mina!..ikaw na nga tong nakikikopya ikaw pa may ganang magduda kung tama o mali!...
"Joke!" saad ko sabay tawaKaya natawa rin si Dwane...ang cute niya..sarap i-kiss yung pisngi!!
Ayy ano kaba Mina!..kelan ka pa natutong maglandi!!
"Mina may tanong ako..." seryosong saad ni Dwane kaya napakunot naman ako ng noo ..ang seryoso ngayon ng Love ko ha?
"Hmmm" sagot ko
"Ano na yung sagot mo?...sa pwede bang manligaw na tanong ko noon?" seryosong tanong ni Dwane...hindi naman siguro siya nagbibiro noh?"Ha?"
"Sabi ko ano na 'yung sagot mo?.."muling saad ni Dwane kaya Bumilis na naman ang heartbeat at pakiramdam ko nag-iinit na ngayon ang pisngi ko dahil sa tanong niya
"Seryoso ka?" Muling tanong ko habang nakatingin sa mata niya...'kala ko nakalimutan na niya 'yun eh!
"Oo naman...pero kung ayaw mo ok lang . Tatanggapin ko nalang na hanggang magkaibigan lang talaga tayo.." malungkot na saad ni Dwane at sa pagkakataong 'to hindi na siya nakatingin sa mata ko
Kaya napatawa na lamang ako ng mahina at sigurado akong natinig iyon ni Dwane
"Oh?...bakit may makakatawa ba sa sinabi ko?" Takhang tanong ni Dwane
"Wala naman...natutuwa lang ako kasi may magkakagusto pala saakin...kahit ganito hitsura ko..at maswerte ako kasi yung may gusto saan ay mabait na matalino pa at Bonus pa yung kagwapuhan niya.. " saad ko at sa pagkakataong ito nakatingin na ako sa malayo habang binibigkas ang mga katagang iyon..
Never kong inexpect na magkakagusto saakin si Dwane
Tama nga yung sabi nilang "asahan ang hindi inaasahan" feel na feel ko yun ngayon!
"Alam mo Mina hindi naman ako tumitingin sa panlabas na anyo..aanhin ko naman yung maganda kung pangit naman ang ugali...kaya kita nagustuhan because nung first time na makilala parang ang gaan ng loob ko sayo kahit tinatarayan mo ako...at hindi ko namamalayan na nai-inlove na pala ako sayo..yung tipong kapag kasama kita ang saya-saya ko at kung wala ka sa tabi ko hinahanap-hanap kita...nagustuhan kita kung ano ka at kung sino ka.." paliwanag ni Dwane ..bigla naman akong na-touch sa sinabi niya...I don't deserve this guy
God is so good na kahit ang sama ng ginawa ko binigyan pa rin niya ako ng taong tatanggap saakin na kahit ang pangit ng ugali ko may mabuti pa ring tatanggap sa isang katulad ko
Si Dwane siguro ang pinadala ni God para magbago ako at maimpluwensyahan ng kabaitan niya
Dwane is too nice at nitong nakaraang araw parang nainlove ako sakanya na yung simple crush lang napunta sa pagmamahal
BINABASA MO ANG
Mina Pintasera
RomansaMaganda Pero 'di matalino Maganda Pero pintasera 'Yan si Mina ngunit magbabago siya ng isumpa ng isang diwata? Isinumpa siya na maging isang pangit na nilalang para maranasan niya ang pamimintas na kanyang ginawa sa kanyang kapwa At dito niya rin ma...