Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin habang sinusuklay ang buhok ko
"Ma'am...kakain na po..." saad ng katulong namin kaya napalingon ako sa pinto
"Sige po susunod na po ako" sagot ko at ngumiti pagkatapos
Pagkatapos kung magsuklay ay bumaba na ako para kumain
At nandun na ang ate kong Si Queenie
Naupo na ako pero hindi pa ako kumuha ng pagkain
"Ate..." saad ko at napalingon si ate Queenie
"What?!" Mataray niyang sabi ngunit nginitian ko lang siya
"Ate gusto ko sanang magsorry..."mahinang saad ko pero tama lang para marinig niya at nagulat siya sa sunabi ko
"Ate...sorry 'kase..dapat hindi na kita iniisnis 'kase ate kita eh..at ngayon ko lang 'to sasabihin sa'yo...ate mahal na mahal kita at sana magkabati na tayo.." saad ko pero hindi nakatingin sakanya
Nang hindi siya sumagot napatingin na ako sakanya at umiiyak na pala siya
"Sorry 'din Mina..dapat ako ang umiintindi sa'yo because I am older than you...and I love you too" saad ni ate habang pinupunasan ang kanyang mga luha
Napangiti nalang ako at tumulo na rin ang mga luha ko
Agad akong tumayo para yakapin siya..and finally bati na kami ng ate ko
At niyakap niya naman ako
Pagkatapos kong yakapin siya bumalik na ako sa upuan ko habang pinupunasan ang mga luha ko"Kain na tayo?" Saad ni ate at natawa nalang kami dahil sa kacornyhan namin
Corny na kung Corny pero ang mahalaga bati na kami ng ate ko
Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa living room para manood sa TV ng paborito naming comedy show
Naluluhan na nga ako sa katatawa eh! Ganoon din si ate
Habang nasa kalagitnaan kami ng panonood biglang may nagdoorbell
"Ano ba 'yan panira!" Inis na saad ko at akma na sana akong tatayo pero sabi ni ate siya nalang daw kaya pinagpatuloy ko na ang panonood ko
"Mina!...may bisita ka!" Saad ni ate kaya napalingon ako sino naman kaya ang bibisita saakin?
"Halika..."pagtatawag ni ate sa bisita 'daw'
"Dwane?!" Gulat na saad ko at napatayo pa ako
"Sino ba 'yan Mina..manliligaw mo?" Bulong ni ate
Kaya napayuko nalang ako dahil sa hiya
"Wow!...may manliligaw na ang kapatid ko!...at infairness..ang gwapo!" Nakangiting saad ni ate
"Hellow po" nakangiting bati ni Dwane kay ate kaya ngumiti naman si Ate
"Hellow Mina" nakangiting ring bati ni Dwane saakin"Upo ka!" Anyaya ni ate kaya naupo sa tabi ko si Dwane
"Wait lang ha?..magpapahanda lang ako ng snacks!" Masiglang saad ni ate at pumunta na sa kitchen
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Dwane
"Wala...binibisita lang kita" nakangiting saad ni Dwane.. nakakagigil na naman siya!!...nakalabas na naman yung dimple niya at ang bilis na naman ang tibok ng heart ko!
Hindi nalang ako sumagot at palihim ako ngumiti
At binalik ko na ang atensyon ko sa panonood para mabawasan ang hiya ko...
"Kain ka muna.." saad ni ate kay Dwane habang nilalagay ang mga snacks sa harap ni Dwane
"Thank you po" nakangiting pasasalamat ni Dwane
"Ate nalang ang itawag mo saakin tutal manliligaw ka naman ng kapatid ko" nakangiting saad ni ate
At nagkwentuhan na sila at ang topic?
Ako at ang mga ugali ko noon
At ang masama pa pinakita pa ni ate ang mga picture ko noong bata ako!
Nakakahiya!
At walang ginawa si Si Dwane kun'di tumawa at ako naman hinyang hiya at hindi na ako natatawa sa pinapanood ko
Pakiramdam ko pulang-pula ako dahil sa kahihiyan
BINABASA MO ANG
Mina Pintasera
RomanceMaganda Pero 'di matalino Maganda Pero pintasera 'Yan si Mina ngunit magbabago siya ng isumpa ng isang diwata? Isinumpa siya na maging isang pangit na nilalang para maranasan niya ang pamimintas na kanyang ginawa sa kanyang kapwa At dito niya rin ma...