Chapter 19✔

37 4 0
                                    


Pagkatapos ng ibang Candidates sa wakas turn na ni Jamie

Hanga naman ako sa self-confident ni Jamie pursigido talaga niya ipanalo ang section namin

"Hi Ms. Candidate Number 12..this is your question..kung meron ka mang taong gustong pasalamatan dahil naging mas matatag ka sino ito? at bakit?" Tanong ng MC

"Salamat sa iyong katanungan..siguro ang taong iyon ay..." natigil si Jamie at halatang may hinahanap sa Audience at nung magtama ang paningin namin at napangiti siya

"Iyon ay si Mina.." ano daw..para akong nabingi ha?
"Dahil kung hindi sa mga panloloko niya saakin siguro mahina ako at dahil sa mga salitang galing sakanya wala siguro ako ngayon sa inyong harapan..noon hindi ko pa naging kaklase si Mina ako yung taong simpleng tukso lang maiiyak na ako pero nung naging kaklase ko siya at noong niloloko niya ako mas naging matatag ako..at nagpapasalamat ako sakanya because she makes me strong at kahit hindi ko siya kaibigan nagpapasalamat parin ako sakanya.." napatingin siya sa gawi ko
"Salamat Mina" saad niyang muli
Kasabay nito ang pagtatapos ng kanyang sagot

"Mina ok ka lang?" Saad ni Dwane
"Oo naman"saad ko

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya muli na siyang dahilan upang hawakan ang pisngi ko at dito ko naramdaman na may mga luha ngang tumulo galing dito

"Ok lang ako no!" Saad ko habang pinupunasan ang mga luhang tumulo

At pagkatapos ng mga candidates na sagutin ang mga tanong ay oras na para ipakita nila talent nila

Napatingin ako sa relo ko at five minutes nalang full moon na

"Dwane ..Cr muna ako ha?" Paalam ko kay Dwane habang nakangiti

"Ok ..ingat ..balik agad" saad ni Dwane

Pagkadating ko sa Cr ay pumasok na ako sa cubicle at sinara ito at pinapanood ko na lamang ang kamay ng relo na tumapat sa eleven o'clock

At pagkatapat nito sa eleven ay biglang huminto ang seconds

Inalog-alog ko pa ito dahli baka nasira pero hindi

"Mina..." saad ng isang boses kaya lumabas na ako upang harapin siya

"Handa kana ba?" Tanong niya pero hindi ako sumagot at nanatili akong nakatitig sakanya

"Hindi ako sasama sayo!" Matigas na saad ko habang galit na nakatingin sa mga mata niya

Nabigla naman siya sa sinabi ko pero ngumiti pa rin siya

"Sa palagay mo maniniwala pa ako sayo?" Tanong ko habang kunot noong nakatingin sakanya

"Ano bang pinagsasabi mo Mina?" Tanong niya habang pilit na ngumingiti

Tama nga ang sabi ni Lola na nagbabago ang hitsiro niya habang tumatagal

Dahil habang tumatagal mas bumabata ang hitsura niya

Flashback:

"Alam kong hindi 'yan ang tunay mong anyo" mahinang saad ni lola ngunit sapat lang upang marinig ko

Nabigla naman ako sa sinabi ni lola..papaanong alam niyang hindi ito ang tunay kong anyo?

"Ba-bakit mo po alam" utal na tanong ko habang gulat na nakatingin sakanya

"Alam kong isinumpa ka rin ni niya... " saad niya ngunit hindi siya nakatingin sa mga mata ko

"Ni Lina.."

"Ano po?" Tanong kong muli kasi nalilito na talaga ako sa mga nangyayari eh!

"Si Lina ay isang itim na diwata..ginagamit niya ang mga katangiaan ng mga tao upang makalikom ng mga enerhiya para mas lalo siyang lumakas"

"Ginagaw po niya ang mga ito para maging mas malakas?"

"Oo"

"Pero paano na po ako. .ganito na po ba ang hitsura ko habang buhay?"

"Kung hindi siya matatalo...isang bagay lang ang makakatalo sakanya"

"Ano po 'yun?"

"Kailangan mong sirain ang kwintas niya"

End of the flashback

Mina PintaseraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon