Nandito pa rin ako sa CR kasama ng diwata at nakatitig sa suot niyang kwintas..kulay itim na kwintas
"Tara na Mina" muling saad niya
"Alam kong kukunin mo lang ako para maging mas malakas ang kapangyarihan mo!" Pasigaw na saad ko
"Isa kang itim ni Diwata!" Saad ko habang matalim na nakatingin sakanya
Pagkatapos kong magsalita Tumawa siya ..nakakakilabot
"Oo isa nga akong itim na diwata" saad niya habang nakangisi
"Please tama na!.."saad ko at sa puntong ito tumulo ang mga luha ko
"Gusto ko ng bumalik sa tunay kong anyo" pagmamakaawa ko pero hindi niya ako pinakinggan sa halip tumawa lang ito"Ano ako uto-uto para ibalik kita!" Pasigaw na saad niya kaya naiyak nalang ako
"Wala naman akong kasalanan sayo ha?" Saad ko habang patuloy parin sa pagbagsak ang mga luha ko
"Oo nga wala kang kasalanan pero kailangan kita para makakuha ang sapat na enerhiya" nakangising saad niya
At pagkasabi niya 'nun bigla nalang may lumabas na nakakasilaw na liwanag at 'nung mawala na ang liwanag wala na ako sa CR sa halip nakatayo na ako sa isang gubat.
"Na-nasan ako?" Utal na saad ko habang nililibot ang paningin sa paligid
"Hindi kana makakaalis Mina!" Pasigaw na saad niya at pagkatapos tumawa na naman siya...nakakakilabot talaga ang tawa niya
"Please Ibalik mo na ako" pagmamakaawa ko...hindi na ako makakabalik hindi ko man lang nasabing mahal ko ang mga magulang ko...at hindi ko man lang nasabing mahal ko si Dwane
"Please..."pakikiusap ko habang nakatingin sa mata niya at umaasang maawa siya saakin
"Tanggapin mo nalang na dito kana lang kasama ko!" Matigas na tugon niya
Wala na talaga...hindi na ako makakabalik..
"Tumigil kana Lina!!" Sigaw ng isang boses kaya nilibot ko ang paningin ko upang hanapin kung saan ito nanggaling
'Nung hindi ko mahanap kung saan ito galing napatingin naman ako kay Lina
At sa puntong iti nawala na ang kanyang ngiti at napalitan ito ng gulat at inis
"'Wag kang makikialam dito!" Pasigaw na banta ni Lina na parang naiinis
"Itigil mo na 'to!" saad naman ng boses at sa puntong iti nakita ko na kung saan ito nanggagaling
Kay Lola...yung tinulungan ko
"Wag kang makialam!" Muling saad ni Lina habang matalim na nakatingin kay lola
Habang papalapit siya at nagbabago ang hitsura ni..hindi na siya gusgusin kun'di napakaganda niya at may pakpak pa siya...
"Alam mo ang kaya kong gawin Lina" mahinahong saad ni lola
"Hindi mo na ako matatalo pa!" Saad niya at nagpalabas siya ng isang kulay itim na liwanag mula sa kamay niya at pinatamaan si lola
Ngunit iwinasiwas lang ni lola ang kamay niya at agad na nawala ang kapangyarihan ni Lola
Halata kay Lina ang gulat dahil sa nagawang pagtalo ni lola sa kanyang kapangyarihan
"Pa-paanong?" utal na sambit ni Lina
Ngumiti lang si lola bilang tugon at lumapit saakin at nginitian din niya ako
Napakaganda talaga ni Lola
"Ibabalik na kita" saad ni lola habang nakangiti
Salamat naman at makakabalik na ako
BINABASA MO ANG
Mina Pintasera
Любовные романыMaganda Pero 'di matalino Maganda Pero pintasera 'Yan si Mina ngunit magbabago siya ng isumpa ng isang diwata? Isinumpa siya na maging isang pangit na nilalang para maranasan niya ang pamimintas na kanyang ginawa sa kanyang kapwa At dito niya rin ma...