Chapter 7✔

92 6 0
                                    

"Mina!!" sigaw ni Dwane habang tumatakbo papalapit saakin

Naku po! 'eto na naman si Mr. Kulit!!  Help me!!

"Ano na naman?!" Pasigaw na tanong ko habang naglalakad

"Wala naman ..sabay na tayong maglunch?" Tanong niya habang nakangiti

"Ayoko!" sagot ko at mas binilisan ang paglakad

Pero nakakahabol pa rin siya ..ang lalaki kasi ng hakbang niya!

"Tigilan mo na nga ako Dwane!" Sigaw ko

"Please Mina..ikaw palang kasi ang kaibigan ko dito sa school eh!" Sabi niya habang naka puppy eyes...ayy!! Ang cute!

Tumigil ka nga Mina sa kalandiaan mo!

"Please Mina....please Mina" paulit-ulit na sabi niya...ang kulit talaga ng lalaking 'to

"Sige na nga!!.. ang kulit mo!" Sigaw ko sakanya habang nakakunot ang noo..ang tibay rin ng lalaking to eh! ..

Sinisigawan na nga sige pa rin!!

Nakakainis

Naglalakad na kami ngayon ni Dwane papuntang cafè ang kulit talaga ng lalaking 'to kwento pa rin siya ng kwento kahit hindi naman ako nakikinig

"Dwane tumahimik ka nga" bulong ko sa kanya kasi naman pinagtitinginan na nga kami ang ingay pa rin niya at dahil sa kagwapuhan niya

"Ok" tipid na sagot niya ..para siyang nalungkot sa sinabi ko..nakakakonsenya tuloy

Siya na ang nag order ng pagkain namin

Bakit kaya walang friends 'tong si Dwane..gwapo naman siya ah...maputi siya manipis ang kanyang labi, may dimple siya, matangos na ilong at matangkad siya..

"Mina ito na yung pagkain mo oh" Sabi niya habang nilalapag sa harap ko ang pagkain

Naupo na rin siya nang mailapag niya ang mga pagkain namin at nagsimulang kumain

"Himala ah!  ..ang tahimik mo 'yata ngayon?" Tanong ko sakanya habang nakatingin pa rin sa pagkain ko
"May problema ba?" Patuloy ko

"Wala naman...'di mo kasi gusto kung nag-iingay ako eh!" Sabi niya..bakit nawala na yung ngiti niya na bumihag saaking damdamin?

"Mag-ingay kana ..hindi ako sanay na tahimik ka" this time nakatingin na ako sakanya at nakingiti

"Talaga?" Tanong niya ulit habang nakangiti..nakangiti na siya ulit!

"Oo" sagot ko at ibinalik na ang tingin sa pagkain..nakangiti na ulit siya

"Mina..pwede bang magtanong?" Tanong niya

"Nagtatanong kana nga eh" sarkastikong sagot ko

"Mina naman!" Nakangusong sabi niya..ang cute niya!

"Joke! ..ano na?" Sabi ko sakanya at napangiti na rin ako

Habang tumatagal nasasanay na akong kasama siya..

"Anong favorite food mo?" Tanong niya sabay subo sa kinakain niya

"Lahat" simpleng sagot ko

"Parehas pala tayo!" Natatawang sagot niya

Marami pa siyang tinanong tulad ng date ng birth day ko favorie color at iba pa..kulang na nga lang tanungin niya kung anong kulay ng underware ko eh!

Char!

Grabe naman ang kakulitan ng isang 'to

Pero nasasanay na ako sa kanya ..

Masaya palang may kaibigan..

Mina PintaseraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon