Chapter 6✔

82 6 0
                                    

Taas noo akong naglalakad sa field

Well, I just showing to all my beautiful face....

"Tingnan mo 'yung pangit oh...feeling maganda"

"Oo nga, wala siyang hiya..kung ako siguro yan magmumukmok nalang ako sa isang sulok"

Muntik na akong matapilok dahil sa mga narinig kong bulungan ng mga pintasera kong schoolmate

Teka!!

Ako lang dapat ang pintasera sa istoryang ito ah!

Mapintasan nga 'tong dalawang 'to

"Hoy! Sinong tinatawag niyong pangit, ha!? ..kayo nga 'tong ang papangit eh!..ang lalaki ng ilong niyo!" nanggigigil na sigaw ko sa dalawang pintaserang 'di naman kagandahan..unlike me...

Kung mamimintas sila dapat kabog sila sa beauty ko!

"Luh! Nagtanong pa ang pangit na gaga...excuse me ha!..ang lakas naaman ng loob mong tawagin kaming pangit!..mas pangit ka kaya!" sabi nila habang tumatawa at nag-apir pa ang dalawang pintasera
" panget!" Sigaw pa nila at nag-umpisa na naman silang tumawa...nakakairita!!

Agad naman akong tumalikod at kinuha ang salamin ko sa bag

OMG!

"Sino ang pangit na nilalang na ito!!" Sigaw ko habang nakaharap pa rin sa salamin

" 'wag ninyo siyang alalahanin..natatakot lang po siya sa hitsura niya!" Sigaw niya...yuck!! May mabaho!!..amoy imbornal!

Nilingon ko naman ang nagsasalita at walang iba kun'di ang

Babalu..

Badbreath!

Sino pa 'edi si Jamie

"Walang hiya 'kang babalu kang badbreath ka!!..sino ang matatakot sa hitsura ha.?!." Pasigaw na tanong ko pero natawa lang ang baba

"Nakalimutan mo na bang pangit ka?!...tignan mo nga sa salamin 'yang hitsura mo!" Pasigaw na sabi ng gaga

Muli na naman akong napatingin sa salamin at may pangit na namang nilalang na nakatingin sa akin

Kumurap ako at kumurap din siya..

Ahhhhhhhhhh!!

Ako nga ang pangit na 'to at ang baho pa ng bunganga ko

Ang tanga mo Mina !! Sinumpa ka nga ng pangit na diwatang yun diba?

Inirapan ko nalang si Jamie at nagmarcha na paalis

Bwisit na araw 'to!

Pangit na nga ako mabaho pa ang hininga!!

"Ano ba?!" Pasigaw na tanong ko sa lalaking nakabunggo saakin..

Ang lawak na nga ng daan pero nabunggo parin niya ako hindi ba niya napansin ang pangit na mukhang 'to?

"Sorry Miss" sabi niya .
Infairness gwapo siya..
Pero galit ako!!

"Bulag kaba ha? ..'di mo ba napansin ang mukhang 'to?" Tanong ko habang nakaturo sa mukha ko

"Bakit ?..ano bang meron sa mukha mo?" Sabi niya..
Anak ng tokwa naman?..bulag ba siya 'di ba niya nakikita ang pangit na mukhang 'to?

"Ini-insulto mo ba ako ha?" Tanong ko habang nakakunot ang noo..
Pasalamat siya gwapo siya kun'di babangasan ko 'muka ne'to!

"Hindi" inosenteng sabi niya na mas kinainis ko..

Aalis na sana ako pero hinila naman niya ang braso ko..

"Ano na naman?!" Pasigaw na tanong ..magtimpi kalang Mina ...tandaan mo gwapo 'yan!

"Itatanong ko sana kung saan ang room ni Mrs. Torez" sabi niya habang nakangiti

" 'Dun pa sa kabilang building!" Pasigaw na sagot ko pero nakangiti pa rin siya..pero cute siya!

Ano kaba Mina?...ang landi mo!

"Pwede pasama?" Tanong niya.. aba! hanep! Humingi pa ng favor!

Wala na akong ginawa kun'di samahan siya .

"Anong pangalan mo?" Nakangiting tanong niya

"Pake mo!" Pagtataray ko

"Sungit mo naman.." natatawang sabi niya

Kaya siniko ko siya sa tyan..

Wow! Infairness my abs si koya!

"Ako nga pala si Dwane" nakangiting sabi niya sabay lahad ng kanyang kamay

"Mina" simpleng sagot ko at nakipaghandshake sa kanya

"So, Friend na tayo?" Tanong niya habang nakangiti parin

Inirapan ko nalang siya at tumingin sa nilalakaran namin

"Well, I take that as a Yes" sabi niya

This is my first time na magkaroon ng kaibigan

Well, may kaibigan naman ako before pero mga plastic nga lang...

**

Break namin ngayon ..hulaan niyo kung sino ang kasama ko..Si Dwane!!

"Saan ka nakatira?" Tanong niya ..kanina pa tanong ng tanong 'tong lalaking 'to nakakairita ang kaingayan niya!

"Will you please shut up your mouth!?" Tanong ko sakanya habang nakakunot ang noo

"Ooopps..sorry..last question na 'to promise!" Nakangiting tanong niya..

"Fine" bored na sagot ko at sumubo ng spaghetty

"Nagka-boyfriend ka na ba?" Bigla akong naubo sa tanong niya

"Tu-tubig" sabi ko habang umuubo pa'rin

Taranta naman niyang binuksa ang soda at binigay nito saakin

"Ano bang klaseng tanong 'yan?" Tanong ko sakanya

"Bakit?" Tanong niya sabay subo ng kinakain niya

"Personal na 'yan ..you know?"

"But I'm curious" sagot niya habang seryosong nakatingin saakin ..this time seryoso na ang tono ng boses niya

"Maraming nanliligaw..happy" sagot ko sana magtigil na siya...tatawa na 'yan!

"Ok" tipid na sagot niya at bumalik na sa pagkain

"Yun na yun..'di ka man lang tatawa?"

" 'bat ako tatawa?" Tanong niya habang nakakunot ang noo

"Syempre pangit ako" sabi ko habang nakatingin sa pagkain sa harap ko

"No..maganda ka Mina" seryosong sabi niya

"Weh!!" 'Di makapaniwalang sagot ko

"Mukha ba akong nagbibiro Mina?" Tanong niya pero hindi ko na ito sinagot

Ngayon ko lang naramdaman 'to

Parang crush ko na si Dwane!!

Charot!!

Anong akala niyo saakin Malandi?

**

Someone's POV

"Sige pa Mina ..mamintas ka pa ..konti nalang ang kailangan kong inerhiya"

"Mamintas pa kayo wahahahahaha!!"

Mina PintaseraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon