Tahimik akong umalis doon sa inupuan namin ni Kade at mabilis na inayos ang sarili ko habang naglalakad papunta sa bangka nila ni Seah. I don't know what, and why pero parang ayaw ko pang umalis doon sa pwesto na yon.
It was so calm, and peaceful. But, yes. There's a but. But, it somehow feels fine with me to be with Kade. I feel like he's not that bad after all, pero ayaw ko ring magpakontento sa mga nararandaman ko ngayon. Ewan! Ang gulo ko minsan.
Nang lumingon si Seah sa direksyon ko ay agad niyang hinablot ang fiance niya at itinuro ako. Kumaway naman silang dalawa sakin. I smiled and waved back at them at mas binilisan pa ang paglalakad ko.
"Naku, Isla. Pasensya ka na talaga ha? Eto kasing si Hugo eh, may pasurprise-surprise pang nalalaman." Sabi niya at napakamot nalang sa ulo niya. I laughed at both of them, ito na yata ang pinakamakulit na mag-engaged sa buong Pilipinas.
"Pero, maliban nga tayo. Kanina pa ba kayo naghihintay?" Tanong niya at tahimik lang si Hugo sa tabi niya. Parehong-pareho sila ni Kade. Ang tatahimik, pero ang kinaibahan nga lang ni Hugo, ay hindi siya kasing misteryoso ni Kade. Pansin kong mas outgoing ito.
Wait, what am I even thinking? Paano napunta si Kade sa usapan?
"Uhm, Isla? Are you alright? May masakit ba sayo?" Sunod na sunod na tanong ni Seah. I was snapped out of my thoughts at naitugon ko ulit ang pansin ko sa kanila.
"H-huh?" Wala sa sariling tanong ko. Eh si ano kasi eh!
"Sabi ko, kung ayos ka lang ba kako. Para kasing may bumabagabag sa isip mo. Teka, saan ka ba galing?" Tanong pa ulit niya. Bakit paiba-iba to ng tanong?
Eh kasi hindi mo naman sinasagot ng maayos. Bruha ka.
"Uhm, sa unang tanong mo, mga 30 mins. na yata kami nandito pero okay lang. Don't worry about it. Sa pangalawang tanong mo naman, ayos lang ako. At sa pangatlong tanong ay h'wag na nating pag-usapan iyon. Naglibot-libot lang naman ako habang naghihintay kaya wala kayong dapat ipag-alala." Pagkatapos kong magsalita ay tumawa lang si Seah habang si Hugo naman ay nakangiti ng maloko.
"Oh! We also brought Kade here with us. Andiyan siya oh! Kade!" Sambit ni Seah at tinawag pa si Kade. Sht. I stiffened.
Hindi pa nga ako nakakamove-on doon sa conversation namin, heto na naman. Hihirit na naman ulit.
Please remind me again on why I am here? For business, right? Gosh. Hindi 'to 'getting-to-know Kade Madrigal'!
"Saan ka galing 'pre?" Tanong ni Hugo.
"Just by the end of the beach." Tipid na sagot niya at umalis na doon.
"Okay lang ba yun?" Tanong ko, they both looked at me with curious eyes. Well, only Hugo but Seah was giving me a 'what-did-you-just-say' look. Napakunot naman ang noo ko.
"Bakit concerned ka?" Malokong tanong ni Seah. She chuckled in excitement, agad naman akong umiling-iling sa kaniya.
"Let's just say na, malasakit iyon sa kapwa okay? Anyways, let's go? Baka naiinip na ang crew ko doon." Nakangiting sabi ko at narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Seah.
"Alright. Lead the way," Sabi niya at natawa nalang ako.
We did a lot of planning for the types of music na gusto nila ni Seah para sa kasal nila. They didn't want anything too formal, they wanted something acoustic-ish and very modern. Pero no drums lang daw, which is very ideal in weddings.
Ginugol namin ang oras namin sa pagpaplano, at ang mga crew ko naman ay nasa isang sulok nag-aayos ng kani-kanilang gagawin. Harmonies, melodies, who plays what and who sings what. Yung instruments namin ay nasa isang sulok rin at mukhang gagamitin na ng isang grupo.
BINABASA MO ANG
Chasing You (On Hold)
JugendliteraturWhen a problem arises, tatakbo ka ba? Lalabanan mo ba? O mananatili ka hanggang sa maisaayos iyon? Love isn't just about the rainbows, and the flowers, it's also about the storms and the gloomy weather. But when that time comes, magiging handa ka b...