Chapter 13

184 10 0
                                    

"Kade!" Sigaw nung isang babaeng kapapasok lang ng venue. Napalingon naman kaming tatlo ni Seah at Kahlia sa kaniya.

I creased my forehead. Napakapit agad sa braso ni Kade yung babae.

Iniwas ko nalang ang tingin ko at ibinalingan sina Seah.

"Sino yan Kahls?" Tanong ni Seah. Napatingin naman ako kay Kahlia. She looked at me and gave me the usual intimidating smirk that she would normally give me when she's thinking of something I wouldn't like.

"Don't you dare.." Banta ko pero nagsalita agad siya.

"That's Adelaide. Batchmate namin yan noon, tsaka niligawan din ni kambal yan ng napakatagal na panahon, pero kahit minsan hindi siya pinansin ni Adelaide." Sabay tingin ulit sakin. Inilingan ko nalang siya.

"H'wag nang malungkot Gabbie, ikaw lang naman ang gusto ni kambal eh." Dagdag pa ni Kahlia kaya muntik na kong masamid sa iniinom ko. I raised my eyebrow.

"Bakit naman ako malungkot Kahls? Eh hindi nga naman niya alam na crush ko siya. Crush nga diba? 'Di pa gusto." Sabi ko. Natawa lang silang dalawa.

"Di, pa. Meaning may pag-asa?" Panunukso ni Seah. I rolled my eyes at her at nauna nang bumalik sa mesa namin.

We're currently in Kade's celebration party, he was recently promoted as CEO of their company, at successful rin daw ang projects niya across Europe, and Davao.

Invited kaming lahat ng barkada kaya ayon, full on support. And yes, I have been friends with these guys for quite a while now and I'm honestly so happy with it.

Naupo na ako sa upuan ko at nakita ko si Adelaide tsaka si Kade na nag-uusap na para bang may sariling mundo sa kabilang gilid ng table.

I stared at them for a little while at nung lumingon si Kade sakin ay iniwas ko na ang tingin ko.

"Nagseselos?" Panunukso ni Alexus.

"Shut up Alex." Ang tangi kong sabi kaya natawa silang lahat. Maliban sa dalawang malanding haliparot na nasa tapat namin.

"Anong meron?" Tanong ni Adelaide habang nakangiti sa kanila ni Seah.

"Nothing, eto kasing si Gabbie eh. May—" I covered Alexus' big mouth. Aba't talagang sasabihin pa niya ah!

"Ah, wala wala. Gutom lang si Alex. Hehe." Sabi ko at pinanlakihan siya ng mata. Lumapit ako sa tenga niya at bumulong.

"Tumahimik ka nga diyan, sige ka. Wala kang pag-asa kay Taylor. Yari ka sakin." Sabi ko at napawi ang ngiti niya. He gave me a smug look and now it was my turn to smile.

"Ay ano to? Titigan contest?" Sulpot ni Seah nung makita niya kami, their wedding is in three days and I'm so excited!

"Hindi naman. Eto kasing si pareng Alexus eh." Sabi ko at kinindatan pa si Alex. Masama pa rin ang tingin niya sakin kaya binelatan ko siya at natawa nalang.

Sa lahat ng lalake sa barkada, na kay Alexus ako pinakakumportable. Sinama ko pa nga siya sa gigs namin ng banda ko one time sa isang debut eh.

And, that's where he saw Taylor. Nakilala niya si Taylor at heto, nanliligaw na siya sa kaibigan ko for about.. 2 months I think?

"Powder room lang ako guys." Excuse ko sa kanila at tumango lang sina Seah. I need to fix myself a little bit.

Nang makarating ako sa powder room ay nag-ayos ako for five minutes at agad na ring lumabas pero bago pa man ako tuluyang makaalis ay natigilan ako.

Just when I went out, I saw Kade. Standing in front of the ladies' comfort room. And in such a manly way, may I add.

Kumunot naman ang noo ko sa kaniya,

Chasing You (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon