Kinabukasan, ay maaga akong nagising upang maghanda para sa pagluluwas ng crew ko papuntang Maynila. It's sad that I won't be able to go with them, at pagbalik ko ng Maynila ay inaasahan ko nang tambak ang work load ko. Kawawa naman si Charlotte.
Pagkatapos kong suklayin ang mahaba kong buhok ay hindi ko na ito pina-blowdry pa. Baka matagalan lang ako lalo.
When I checked my phone ay natanto kong sobrang aga ko nga talagang nagising. It's 5 AM in the morning, at sigurado akong ni isa sa crew ko, ay wala pang gising sa oras nato.
I then decided to go for a walk outside wearing my denim shorts and an over-sized jacket na ang hem nito ay hanggang sa dulo na ng shorts ko. Base sa amoy ng jacket nato, napagtanto kong kay Kade pala ito. Which made me remember what he said last night.
"Hindi kita hahayaang masaktan." Ayaw kong pagbigyan ng malisya, pero.. it just made my curiosity for him grow bigger. Anong ibig niyang sabihin? This question will probably be a question na hindi ako magsasawang tanungin pag si Kade na ang nasa usapan. He's so mysterious.
Umupo ako sa pinaka-dulo ng beach, right where we sat yesterday. Kinupkop ko ang mga tuhod ko at ipinatong ang ulo ko doon while watching the sun rise. It's so beautiful in here. Nature at it's finest.
I spent about 30 minutes sitting there and feeling the morning breeze at napagdesisyunan nang bumalik sa kwarto ko. When I was almost at my room's door, nanlaki ang mga mata kong makita si Kade sa tapat non. Looking very indecisive, which is very weird and unusual for such a mysterious guy like him.
Lumapit ako rito at itinapik siya sa balikat.
"Hey," Mukhang nagulat naman ito sa presensya ko, pero napabalik naman agad siya sa seryoso niyang aura.
"Good morning," Bati niya, I smiled.
"Good morning to you too. Teka, ba't andito ka sa tapat ng kwarto ko? Ang aga pa naman para mag-surfing." Biro ko. His face remained indifferent which made me feel a little uncomfortable.
"It's breakfast time." Simpleng sabi niya.
"Oh! They serve it this early in the morning?" Manghang tanong ko, it's 5:34 in the morning, usually I expect resorts like these to serve breakfast at around 6 or 6:30 in the morning. Plus, ginugutom na rin ako!
Tumango lang si Kade sa sinabi ko at napatingin siya sa damit na sinusuot ko. Para bang sinusuri ako kung okay lang ang damit ko. It then hit me that I'm wearing his jacket! Shoot!
"Uh, pasensya na pala ha? I used your jacket, I couldn't find any cardigans in that small backpack at ganito lang ang laman non." He nodded as if he didn't really need an explanation. I continued talking.
"By the way, saan mo nga pala nakuha ang mga damit na to?" Tanong ko, well first of all, this beach is private. Second of all, wala namang post-mate dito diba? And third of all, pano niya nalaman ang size ko?
"It's Kahlia's clothes. I assumed you guys are probably the same size kaya hiniraman muna kita." That is probably the longest sentence this guy has ever said! Wow!
"Ah." Ang tanging nasabi ko at agad na kaming umalis doon at sabay na pumunta ng cafe. We already saw Seah and Hugo eating and some of my crew were also there. Nang makita kami ni Seah ay ngumiti lang siya at iginiya kami sa mesang katabi ng mesa nila.
"Good morning!" Masiglang sabi niya nung makita kami, Hugo gave me a sly smile, at nag-manhug lang sila ni Kade.
"Morning, kanina pa ba kayo rito?" Tanong ko.
"Not long, kadarating lang ng pagkain namin. You guys should eat as well. You've got a long day ahead of you." Sabi ni Seah at nginisian si Kade. I looked at him and he didn't even bother kaya umupo nalang kami sa mesang nasa likuran nila. I didn't want to sit beside them, baka kasi kailangan nila ng privacy diba?
"Isla," Agad naman akong napatingin kay Kade na seryosong nakatingin sakin. My heart was thumping loudly as I met his intense gaze. Kumurap ako at inagapan ito ng ngiti.
"Yes?" He pointed at the menu kaya napasinghap ako. Ibinaling ko naman agad ang tingin ko sa menu. My mind still clouded. Just for a freaking menu! Kinakabahan ako! Kade Madrigal what are you doing to me?
Nung dumating na ang waiter ay sinabi namin sa kaniya ang mga order namin at agad naman itong umalis. I started to create a conversation.
"Uhm, so anong oras nga pala tayo magsusurf?" I asked him. Seryoso itong nakatingin sa macbook niya, kaya nahiya tuloy ako. He's probably working Gabbie! Inistorbo mo pa.
Nakita kong sumulyap siya sakin at sumipsip sa kape niya.
"Mamayang alas otso." Simpleng sabi niya at agad na binalingan ang mac niya. Hmph. I find him annoying right now for some reason. Ang tahimik naming dalawa, talagang makakarinig ka ng mga kuliglig sa katahimikan namin ngayon. I rolled my eyes mentally.
When our food arrived ay nakaharap pa rin si Kade sa macbook niya, at hindi pinapansin ang pagkaing nakahain sa mesa. I moved my chair over to his side at nagulat naman siya.
"Stop doing work. Kakain na." Kumunot ang noo niya sakin pero nginitian ko lang siya.
"Kailangan ko tong tapusin Isla. You can eat first if you want to." Seryosong sabi niya at agad namang bumaling sa kaniyang trabaho. I sighed heavily.
"Then I will feed you. C'mon Kade, mas lalo kang papanget niyan sige ka." I jokingly said.
"I don't need you to feed me Isla. Kumain ka na kung gusto mong kumain." Iritang sabi niya. But I continued to talk.
"Ayaw ko ngang kumain kasi ayaw mo ring kumain. What's the purpose of me eating and enjoying the morning breeze kung ang katapat ko mismo ay nakaharap sa laptop niya at hindi ginagalaw ang pagkain niya? Nakakawala ka ng appetite pramis." Sabi ko pa. Totoo naman eh, ang ganda ng araw. Work can wait, right?
"Move to another table then." And right there, I got pissed. Ako na nga tong nagmamabuting magpakain sa kaniya habang nagtatrabaho siya, siya pa yung magtataboy sakin. I moved my chair at agad na umalis doon. Leaving him and the food.
I'm not really that mad at him. It's just, inaya-aya niya ako para kumain ng breakfast tapos siya pala itong magtatrabaho lang. Ugh! Parang yaya siya tsaka ako yung bantay niya. Nakakainis. Bahala na nga siya diyan.
Dumiretso ako sa kwarto ko at nagtimpla ng Milo. I saw it in the complimentary drinks section in my room kaya ayon. Kinuha ko na, I wouldn't want to hunger myself right? Hinubad ko iyong jacket niya at nagbihis ng isang baby pink na tank top. I cuddled myself in the sheets and entertained myself with the beautiful view.
About 5 minutes later ay may kumatok sa pintuan ko. Agad ko namang binuksan ito at nagulat akong makita si Kade dito. Pero mas lalo akong nagulat sa bagay na hinahawakan niya.
He's holding both of our food, in a tray.
"I'm sorry for acting like a jerk awhile ago." I looked up to him, his eyes piercing into mine.
"I didn't mean to make you mad." And here again, my heart was irrationally beating. Hindi ko naman ito nararamdaman kay Eon or any boy na nakasalamuha ko. Only him. Only to this mysterious Madrigal.
"Hindi naman ako nagalit Kade. I was just trying to help you, alam kong may trabaho ka. Pero makakapag-hintay naman iyon diba?" He still had his serious eyes, kaya ngumiti ako at kinuha ang tray sa kamay niya.
"Now will you eat with me this time?" Tanong ko.
"Let me carry that." Seryosong sabi niya, not minding my question. Iniwas ko ang tray.
"Kade Madrigal isa. Kakain ka o uuwi ako ngayon?" Paghahamon ko at nakita kong natigilan siya. He looked at me one more time and slumped his shoulders as a sign of defeat.
"Fine, you win."
BINABASA MO ANG
Chasing You (On Hold)
Teen FictionWhen a problem arises, tatakbo ka ba? Lalabanan mo ba? O mananatili ka hanggang sa maisaayos iyon? Love isn't just about the rainbows, and the flowers, it's also about the storms and the gloomy weather. But when that time comes, magiging handa ka b...