Chapter 11

178 9 0
                                    

Naguguluhan akong naglakad papunta sa pool side ng bahay nila Kahlia. Nang makarating kami ni Alexus doon ay agad akong nakita nila Hugo. Nginitian lang ako ni Hugo at itinapik naman ako sa balikat ni Silver, at binati naman ako ni Seah.

"Isla! I'm so glad you made it!" Maligayang sabi ni Seah, agad naman akong ngumiti.

"Of course! Uhm, sigurado ka ba dito Seah? Parang meron kasi kayong reunion ngayon ng barkada mo. I-I mean andito si Alexus, si Silver at kumpleto kayo. I don't want to crash the party." Nahihiyang sabi ko. Nakakahiya naman kasi eh sila naman ang magkabarkada at hindi ako. Pag usapang magkaibigan, labas na ako roon.

Pero ewan ko sa utak ni Seah. Siguro sa prewedding hormones kaya siya nagkakaganiyan. Napakibit balikat nalang ako sa naiisip ko.

"Uy, Isla ha. Anong kabalaghan ang ginawa ninyo ni pareng Alexus kanina?" Napaatras naman ako sa biglaang pagsulpot ni Kahlia. Seah just laughed at my gesture at nadala rin si Kahlia.

"Geez, chill Kahlia. Wala kaming masamang ginawa. Nagpapakilala lang yung tao. Masama na ba yun ngayon?" Tanong ko, she just smirked at me at nagkibit balikat tsaka bumalik na sa loob upang asikasuhin ang mga kakainin.

Oh gosh. She is just as intimidating as her brother. Speaking of her brother, hindi ko pa nakikita si Kade. Kumunot ang noo ko sa iniisip at iginala ang paningin ko sa poolside. Why isn't he here?

"Uh, Seah. Asan na pala si Kade? Pansin kong wala siya dito ah?" I tried to make my tone casual, knowing Seah and Kahlia, malisyosa talaga ang dalawang iyon at kung magaakto akong nacoconcern ako kay Kade ay baka buong araw nila akong tuksuhin.

And that's the least thing that I would want to happen.

"Bakit, concerned ka ba?" Tanong niya. Sabi na nga ba eh, I roamed my eyes around once more at mukhang napansin niya iyon.

"Concerned ka nga. Andun siya sa taas for your information. Ayaw pa daw bumaba kaya kung ako sayo ay akyatin mo na yon at nang makakain na tayo. Right Kahls?" Sigaw niya. Kahlia peeked through the glass door at inilabas ang kaniyang dalawang kamay para mag thumbs up.

Natawa nalang kaming dalawa ni Seah at itinulak-tulak pa niya ako papunta sa hagdan. Oh my, what am I going to do with these girls?

"His room is on the end of the right hallway." Napalingon ako kay Kahlia, she gave me a bored look. Which made me quiver, hindi man sila magkaparehas ng mukha ni Kade, they definitely have the same intimidating aura that'll make your nerves come out of their shells.

"Sigurado ba kayo? Baka naliligo pa yon." Pagaalinlangan ko.

"I know my twin Isla. Kaya h'wag ka nang maarte at akyatin mo na. We'll be downstairs preparing the lunch. Tell him the boys are hungry and he better hurry his as* or I'll drag him all the way to the pool." Walang bakas na biro ang  mukha ni Kahlia, pero natawa naman si Seah.

"What she means to say Isla, is that bilisan mo nalang kasi nagugutom na kaming lahat." Sabi niya at natatawa na itong umalis kasama si Kahlia at narinig ko pa ang pag-uusap nila tungkol sa isang book series.

Ibinalewala ko iyon at umakyat na ng ikalawang palapag ng bahay nila Kahlia, they're house is actually pretty huge, and they have like 10 rooms upstairs. Makes me wonder, bakit parang may 3rd floor pa ang bahay nila? Anyways, kumanan na ako at idinala ako ng mga paa ko sa pinakadulong kwarto ng right aisle.

Their house is very bright and modern. White, a lot of plants and light wood kumbaga. Kahit yung hallways, at may malaki ring sala sa taas. Hindi mo mamimistulang haunted house yung hallways nila because of the white and the light wood tones. Even the light fixtures are spot on. Yung tipong hindi ka mawiwirduhan o matatakot pag dumaan ka. Ganon.

Nang marating ko na ang pinakadulong kwarto ay kinatok ko agad ito. Agaran namang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Kade. He was in some gray shorts and a white shirt with his hair all damp and wet.

Shet. Oh gosh, Gabbie get a freakin' hold of yourself! Napalunok nalang ako at nginitian siya.

"Kahlia told me na katukin ka raw. Kanina ka pa kasi inaantay ng lahat eh gutom na sila." Sabi ko, at kumunot lang ang noo niya. He looked away and combed his hands using his fingers. I looked down on the wood flooring.

"H'wag na nila akong antayin. They can eat whenever they want to. May trabaho pa ako." Trabaho na naman bago kain. What is up with this man? I mean seryoso, who works on a free day?

"Trabaho?" Ulit ko. He raised a brow.

"Yes. I have my office on the other side of this room. Any more inquiries Isla?" Umiling nalang ako at akmang sasaraduhin niya na sana ang pintuan nung hinarangan ko ito. He annoyingly looked at me.

"I'm sorry, pero oras ng kainan Kade. May tamang oras para sa trabaho at lalong may tama ring oras sa pagkakain. And obviously, that time is right now." Humalukipkip ako at inantay ang sagot niya. He sighed heavily.

"I told you, I have work." Mahina pero mariin ang bawat pagbigkas ng mga salita. I rolled my eyes.

"I want to badly tell you a joke but it's clearly not the right time for that now. Work can wait Kade Madrigal geez! C'mon!" I grabbed his hand and pulled him out of his room. Pumiglas siya pero umayaw ako. He used his strong arms on my tiny hand forcefully kaya natumba ako doon.

"Sht!" He cursed.

Napapikit ako sa sakit ng pagbagsak ng pwet ko sa wood planks na sahig ng ikalawang palapag. I'm pretty sure the impact was that strong that people from downstairs could hear it. The pain was searing from my butt up to my back kaya nung bumangon ako ay napadaing ako lalo.

"Fck. Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Kade. I looked at him at ukit sa mukha niya ang pag-aalala.

"I told you. Work can wait." Mahinang usal ko, at iniwas nito ang tingin sakin.

Hindi pa ako nakapagbangon ng maayos ay sinakop na niya ako sa sahig at dinala sa couch ng living room nila. He was staring right in my eyes kaya nablanko agad ang isip ko. I tried sitting properly pero masakit pa rin ang likod ko.

"Hindi naman kasi lahat ng bagay dapat pinipilit." He seriously said. Napatingin ako sa kaniya.

"Pero minsan kailangang gawin lalo na't kakain diba? Gusto mo bang magkaulcer Madrigal ha?" He chuckled.

"At talagang may gana ka pang tumawa diyan? Kunan mo nga ako ng salonpas at ang sakit na ng likod ko sa kaharutan mo." His eyes immediately darkened.

"Your back hurts?" I rolled my eyes once more.

"Hindi Kade. Masakit yung ilong ko, yun kasi yung humagalpak sa sahig eh." He seemed amused at my answer at bago pa siya makasagot ay narinig na namin ang malutong sigaw ni Kahlia Dane Madrigal.

"What in the heck are you guys up to?! Gutom na kaming lahat dito! If you two don't want me to drag your a*ss down here you better hurry up!" Nagkatinginan naman kami ni Kade at natawa nalang. I whispered.

"Oh, hayan na. Better hurry up and get a salonpas o hindi tayo makakalabas ng buhay dito." He chuckled again at napailing nalang.

"Isla Gabrielle, you never fail to amuse me." Sabi pa niya bago tuluyan nang tumayo.

Napahawak naman ako sa kaliwang dibdib ko. My heart is racing so fast, it made me worry whether this is still normal or not.

Chasing You (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon