The next few hours that I spent with Kade were unexpectedly.. fun.
Umahon na kaming dalawa sa dagat dahil katatapos lang naming magsurfing. Kade taught me how to do it in two hours? Yes, ganon ako ka slow-learned but with his patience? I learned. We spent about another hour of surfing at talagang napagod kami dahil doon.
"Kade!" Sigaw ko bago pa man siya makapasok sa kwarto niya. Were going home at 3 o'clock in the afternoon at alas onse pa lang ng umaga. He looked back at me.
"Uhm, thank you for teaching me today. I had fun." Sabi ko at nginitian siya, tumango lang ito at patuloy nang pumasok sa kwarto niya. I wasn't that offended with his reply. Kade Madrigal is a mystery, I myself can't even figure him out.
Naligo na ako at nagbihis ng isang olive-green off-the-shoulder dress at pinaresan ito ng sandals na sinuot ko papunta rito kahapon. I also tied my hair up into a messy bun and when I got contented with how I looked, ay umalis na ako upang makapag-tanghalian.
"Isla!" Napalingon naman ako sa tumawag sakin. It was Kahlia! What is she doing here?
Nginitian ko siya at tuluyan na siyang lumapit sakin at bumeso.
"Hi! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko, she smiled at naglakad kasama ko.
"Well, we arrived here about three days ago and kasama rin namin si Xavier. I don't know where that guy is pero halika, you can come and eat lunch with us." Tumango lang ako sa kaniya at nag-usap lang kami ng mga kung anu-anong bagay habang papunta kami sa resto ng resort.
"Oh, by the way.. thanks for letting me borrow your clothes." Sambit ko, she gave me a weird look. Hindi ba niya alam na hiniraman siya ng kambal niya?
"Uhm, sorry what?" Naguguluhang tanong niya.
"Ah! Yung dress na to? This is yours right? Sinabihan kasi ako ni Kade na sayo raw siya nanghiram ng mga damit ko since I had an unplanned surfing trip with him." Pagkatapos kong sabihin ang huling linya ko ay napairap nalang ako for no reason. Tiningnan ko si Kahlia at mukhang naguguluhan pa rin siya pero nang makuha niya ang punto ko ay malakas siyang tumawa.
Napakunot naman ang noo ko. May mali ba sa sinabi ko?
"Oh my.. Isla, did you really think that those are my clothes?" Sabi niya kaya mas lalo akong naguluhan. She noticed my face at binigyan niya ako ng malokong ngiti.
"Gosh, my twin is so cheesy. Anyways, kung damit ko nga iyan ay kanina ko pa nabanggit sayo na sakin yan o di nga ay sinabihan kitang 'Sinuot mo pala iyan?' pero hindi naman. I don't even have any piece of clothing like that in my closet." Pagpapaliwanag niya. So, meaning.. hindi sa kaniya to? Eh kanino tong mga damit?
"Eh kaninong mga damit ito?" Tanong ko pa sa kaniya.
"He might've guessed that we had the same size kaya nagpabili siya ng mga damit sa secretary niya. I don't know. Why don't you go and ask him? Tutal, kayo naman ang magkasama buong umaga diba?" I remained silent. I am short of words to say.
"Hay nako, h'wag ka nang magdrama diyan Isla. Tara na at baka hinihintay na tayo doon sa resto." Napabalik ako sa sarili ko at tumango nalang sa suhestiyon ni Kahlia.
Nang makarating kami sa resto ay nakita naming andon na sina Seah, Hugo, Zave, at Kade. Bakit wala si Silver?
Naupo na kaming dalawa at umorder muna ng pagkain bago makipagkwentuhan.
"Sei, how was your guys' sandbar trip?" Tanong ni Kahlia kaya napabaling kaming lahat kina Seah at Hugo.
"It was nice. Ang ganda doon grabe! We should've brought you guys, pero mukhang busy naman ang iba kaya kaming dalawa nalang ni Hugo ang pumunta doon. Ayaw naman naming makaistorbo." Sabi ni Seah at napalingon sakin. Iniwas ko ang tingin ko.
"Kayo, Isla. How was your morning?" Tanong ni Seah, napalingon naman ako sa kaniya at pilit na binigyan siya ng isang ngiti. They're hot-seating me! Gosh, the least thing that I want to have right now is attention from all of them!
"Uhm, okay naman. Masaya, not much." I mumbled. Ang gulo ng utak ko ngayon. Bakit ba ang chismosa nilang dalawa? I'm not complaining though.
"Hmm, masaya." Sabi pa ni Kahlia kaya napairap ako. They both laughed at my small gesture at nagpatuloy na sa pag-uusap. Binalingan ko ang katabi kong tahimik lang na nagbabasa ng newspaper.
I nudged him.
"Pst."
Hindi niya ako pinansin.
"Kade."
Hindi pa rin ako pinapansin. Ano ba ang meron sa newspaper na yan at tutok na tutok ang lalakeng to?
"Huy!"
Finally! Pinansin din ako.
"What?" He asked.
"Asan na si Silver? Ba't di niyo kasama?" His eyes immediately narrowed at my question. Hindi niya ako sinagot at ibinalik lang ang tingin niya sa dyaryo. Hinablot ko ito at inilagay sa mesa. I looked around and the other four didn't seem to mind us.
I gave Kade a glare. "H'wag ka ngang bastos. Seryoso, may anger issues ka ba? Nagtatanong lang naman ako."
He looked at me mysteriously. I can't even read his eyes. It's like there's this wall that's stopping me from seeing his true emotions.
"Bakit mo naman gusto malaman? Gusto mo ba si Silvester?" Tanong pa niya kaya nanlaki ang mata ko.
"Nagtatanong lang ako Kade. Eh diba kasi, magkabarkada kayo at napansin kong wala siya dito. Hindi pa ba sapat iyon? Tsaka ba't ko naman siya magugustohan eh hindi ko naman siya lubusang kilala?" Nakita kong pumikit siya ng mariin bago ilapag ang dyaryong binabasa niya sa lamesa.
"He's in Canada. May business doon ang mama't papa niya. Happy?" I smiled at kinurot ang ilong niya.
"Very much. Mr. Mysterious, you should learn how to answer questions. Buti nga ako, natitiis ko pa. Paano nalang kaya ang iba?" He just looked at me, walang bakas sa pagkairita o galit ang mukha niya. He just had a plain face, I smiled at him pero iniwas niya ang tingin niya.
Nung dumating na ang pagkain namin ay agad na kaming nagsalu-salo at nagkwentuhan tungkol sa mga ganap sa buhay namin. Nang matapos ay agad rin akong bumalik sa kwarto ko at nag-empake na para sa pag-uwi namin ni Kade mamaya.
When I finished packing, I changed into the shorts and the pink tank top that I wore kanina at isinukbit na ang backpack na ibinigay ni Kade. When I got out of my room, nakita kong kalalabas lang din ni Kade ng kwarto niya. He walked to me at agad na kinuha ang bag ko.
"Kade, ako na." Pagpupumilit ko at pilit na kinukuha ang bag sa braso niya.
"Isla!! Ingat sa pag-uwi!" Sigaw ni Seah at Kahlia kaya nag-wave nalang ako sa kanila at ibinaling ang atensyon ko kay Kade.
"Stop it Isla. Ako na ang magdadala nito, just get in the car." His voice boomed over me kaya napasunod agad ako.
When he finished unloading everything in the back ay agad na siyang pumasok sa driver's seat. He looked at me first at bumuntong hininga.
"I know I'm mysterious at times, pero nagpapasalamat ako sa pag-sama mo sa akin ngayon Isla." Napatingin naman ako sa kaniya. I smiled at him.
"Walang anuman. You're not so bad yourself." And for the first time in forever, the unpredictable, the dark, and the mysterious Kade Madrigal gave me a smile. Not a teasing one or a smirk. He gave me a genuine smile.
BINABASA MO ANG
Chasing You (On Hold)
Teen FictionWhen a problem arises, tatakbo ka ba? Lalabanan mo ba? O mananatili ka hanggang sa maisaayos iyon? Love isn't just about the rainbows, and the flowers, it's also about the storms and the gloomy weather. But when that time comes, magiging handa ka b...