"Oh my gosh Gabbie! You're so tan!" Maimpit na tili ni Taylor nung sinalubong niya ako sa entrance ng Boracay. Its been two days since I arrived from the unexpected trip I had with Kade. Dalawang araw na rin akong nagpakalunod sa mga gawain sa opisina, most especially sa kasal nina Seah na sa susunod na buwan na.
"Pansin ko nga, teka, san ka ba galing?" Sulpot ni Debbie. Ngumiti lang ako at ikinuwento sa kanila ang nangyari sa private island nila Hugo. Wala naman akong ibang may mapagsabihan nito kundi ang mga kaibigan ko, so why not diba?
Mainam sila sa pakikinig at tumili pa nung ibinanggit ko na ang mga ginawa namin ni Kade. Pagkatapos kong mag-kwento ay nakarating na kami sa terasa ng kubo nila, umupo kami sa mga rattan chairs na nakalagay roon at agad na nila akong binombahan ng madaming tanong.
"So, what's with you and this Kade guy?" Tanong ni Taylor. I raised a brow. What does she mean by what's with me and Kade?
"What are you talking about?" Sabi ko at kinunotan sila ng noo. They gave me weird and crazy looks as if na nandidiri pa sa sinabi ko.
"Are you naive? Or are you just pretending to not know what I'm talking about?" Sabi pa ni Taylor kaya naguluhan ako lalo. She just laughed at me kaya napairap ako.
"Gosh, Gabbie. Hindi ka naman siguro hopeless romantic diba?" Isa pa tong si Debbie. Ano ba ang ibig nilang sabihin?
"Okay, before you get pissed, heto na lang. Gusto mo ba si Kade?" Tanong ni Taylor kaya nanlaki ang mata ko. If I were eating something right now I would've choked myself!
"At saan mo nakuha yan Taylor? Hindi porket nagsurfing lang kami ay gusto ko na agad siya. Geez! You guys are crazy!" Pahisterical na sabi ko. Nakakabaliw talagang kausapin tong mga kaibigan ko, ang mamalisyosa!
Tinawanan lang nila ako habang ako naman ay pailing-iling na ngumingiti sa iniisip.
Me? Liking Kade Madrigal? Oh c'mon.
"Wait, who is this Kade anyway? Do you know his last name?" Tanong ni Debbie kaya natigil kaming lahat sa ginagawa namin.
"Yeah, alam naming may kasal kang inaasikaso. Siya ba ang ikakasal?" Dagdag pa ni Taylor.
"Well first, sagutin ko muna yung kay Taylor. No, hindi siya ang ikakasal. May utang na loob daw siya sa ikakasal na couple kaya tinulungan niya ito sa paghahanda. At, Debbie, Madrigal yung last name niya. Happy?" Nakita kong nalaglag ang panga ni Debbie sa sinabi ko kaya napakunot ang noo ko.
"Why'd you ask anyway? Kilala niyo ba?" Tanong ko pero tahimik pa rin silang dalawa. Aba, kanina lang ay pinagtitripan nila ako tas ngayon ba naman ay hindi na nila ako papansinin? Seryoso, may mga topak na siguro sa ulo yung dalawang to.
"Guys?" Tanong ko at mukhang natauhan sila ulit.
"Sabi ko, kung kilala niyo ba kako yung si Kade Madrigal." Napaubo naman si Debbie at nagsalita.
"You seriously have no clue on who he really is Gabbie?" Tanong pa ni Taylor.
"Would you please just stop the interrogation station Tay? Nakakairita na talaga." Singhal ko sa kaniya kaya natahimik siya.
"He's a world-class engineer Gabbie. Kilala siya for most parts in Asia, Europe, and America. The past year, he was on a European tour daw para irenovate ang some sa mga famous tourist stops in Europe." Kwento ni Debbie. What a what now?
"Kilala siya bilang Engineer Madrigal. Which is why nung kinwento mo samin na kasama mo si Kade, we thought na kapangalan lang niya. But then, we were wrong." Sabi pa ni Taylor.
I am so clueless. Ni hindi man lang ako nag-research tungkol sa lalakeng yon.
"Do you know his twin sister though?" Tanong ni Debbie. I looked up to her. Tumango lang ako at ngumiti naman sila.
"I think he likes you." Puna ni Taylor, though it wasn't a question or a statement with doubt. Pero it's like she knows what she's saying.
"Bakit naman? I've only known him for a week, ang bilis niyo namang makapag-assume."
"We shall see then Gabbie." Malokong sabi ni Debbie at tinaas-babaan pa ako ng kilay, ngumiti lang ako at umiling-iling sa sinabi niya. It's truly impossible, a man like Kade Madrigal is unreachable. Hard to chase. Hard to reach. He's dark and mysterious. He would definitely go for girls who are hardly-driven and passionate. So far from where I stand.
Oh shut up Gabbie.
Immediately, Taylor diverted the topic from me to hers which made me relax a bit. Tama na ang mga impormasyong nakalap ko ngayon, it's a lot to take in. Mahirap isiping nakasama ko ang isa sa pinaka-kilalang engineer sa buong Pilipinas sa isang private island! If people saw me with him, sigurado akong nasa headlines na iyon ng dyaryo ngayon.
Habang nakaupo sa aking swivel chair sa opisina ay napasapo ako sa noo ko. Nakabalik na ako kahapon pa mula sa Boracay at pakiramdam ko'y masusuka na ako sa dami ng ginawa namin ng mga kaibigan ko doon. Plus, hindi pa rin nakarecover yung sakit ng katawan ko sa surfing namin ni Kade.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng opisina at nakita ko ang sekretarya ko. I languidly looked up at her at nakita kong may dala siyang dalawang folder.
More work. I guessed in my mind. Inilagay niya iyon sa desk ko at nagsalita.
"Miss Isla, okay lang po ba kayo?" Tanong ni Charlotte, nginitian ko lang siya at tipid na tumango.
"I'm fine Charlotte, please drop the formal address, I told you Isla nalang." Ngumiti lang ito at may sinabi pa.
"Nga po pala, andito po si Engineer Madrigal for an appointment." Napatuwid naman akong umupo.
"Is he with anyone? Seah or Hugo in particular?" Tanong ko, umiling lang si Charlotte at patuloy sa pagsasalita.
"May matters to discuss raw po kayo. Papasukin ko na po ba?" Tanong niya, I heaved out a sigh at tumango nalang. Lumabas na ang sekretarya ko at idinukdok ko muli ang ulo ko sa lamesa. I am so tired, and I can't wait for this day to finish at nang makapagpahinga na ako bukas.
Sa sobrang sabaw ko yata sa pagdudukdok ay hindi ko na namalayang nakapasok si Kade sa opisina ko.
"Slacking?" He said in a deep voice.
Unti-unti kong itinaas ang ulo ko at kinunotan siya ng noo.
"Anong ginagawa mo dito?" Mukhang napansin niya ang pagiging mataray ng boses ko kaya prente siyang umupo sa couch ng opisina ko.
"Well, first of all. Let's talk about not slacking or sleeping while working." I groaned in frustration at hinilot ang sentido ko.
"I'm sorry Engineer, kung pumunta ka lang rito para buwisitin ako, pakiusap naman. Pwedeng umalis ka na?" He seemed amused at my tone but his eyes were as cold as steel. I could feel his dark and mysterious aura circling around my office like nitrogen.
He stood up at inilahad ang kamay niya sa tapat ko.
"What am I supposed to do with that?" Tanong ko.
"I don't know. You tell me." He fired back. See? This is why he's annoying, and mysterious at the same time! Ang gulo-gulo niyang kausapin. Ugh! My week is already tiresome and this man here is just making it ten times worse!
"Icecream?" He asked, in a more gentler tone. Which shocked me. Marunong palang magtino ang lalakeng to? Huh. I gave him a smile.
"Kahit pa na bwinisit mo ako, hindi ako tatanggi sa icecream. Especially pag libre. So let's go Engineer! Take me to DQ!"

BINABASA MO ANG
Chasing You (On Hold)
Fiksi RemajaWhen a problem arises, tatakbo ka ba? Lalabanan mo ba? O mananatili ka hanggang sa maisaayos iyon? Love isn't just about the rainbows, and the flowers, it's also about the storms and the gloomy weather. But when that time comes, magiging handa ka b...