"So Isla, have you ever had a boyfriend before?" Usisa ni Silver. Agad namang napalingon sakin ang lahat. Were currently eating our lunch, at buti nalang ay hindi na umangal pa kanina si Kade kaya hindi na kami pinagsesermonan pa ni Kahlia. I'm still kind of nervous to talk to her though.Tumikhim ako at napailing.
"Never. I dedicated most of my life to music kaya siguro hindi ko na nabaling ang atensyon ko sa ibang bagay other than my family, friends, and music." Napatango nalang si Silver sa tanong ko, it's quite weird since nag-uusap sila tungkol sa history ng barkada nila tas biglang napunta yung topiko papunta sakin. Hmph.
"Seryoso ka ba? Well, any suitors then?" Dagdag ni Kahlia. Napaisip naman ako..
"I don't think so, and I don't exactly remember my highschool days. Pero, no." Tumango-tango naman sila kaya napangiti nalang ako at nagpatuloy sa pagkain nang sumulpot si Hugo.
"Alam mo, pareho kayo nitong si Kade. Hindi rin siya nagkagirlfriend nung highschool kami. Matinik sa chicks pero ayaw mag-girlfriend." Singhal ni Hugo at napatingin kay Kade.
"Oo nga 'no? Pero tingin ko 'pre may tinagong dagat yan. Akalain mo, one time nakita ko na kasama si Taniya." Nagtawanan silang dalawa at nag-apiran pa.
"What the fck kambal? Nakipaglandian ka kay Taniya nung highschool pa tayo?" Napalingon kaming lahat kay Kahlia.
"Uh-oh." Ang tanging nasabi ni Alexus kaya natawa nalang kami at natigil nung nagsalita na si Kade.
"Ayoko lang ng commitment." At natigilan ako. Mukha ngang natigilan kaming lahat eh.
Ano pa ba ang bago? Isla naman, don't expect too much from his actions. Iba ang gawa sa salita. Walang silbi ang gawa kung hindi naman napapatunayan ng salita. Wala ring silbi ang palagi lang salita pero hindi namang ginagawa. In short, one cannot truly be understood without the other. Ay, ano ba.
Ang gulo ko.
Hindi ko naman siya gusto, bakit ko ba siya pinag-aabalahan sa utak ko eh hindi ko naman yan problema pag ayaw niyang magcommit sa isang babae diba?
Edi maging pari nalang kaya siya? Tutal ayaw naman niya ng commitment. Meaning ayaw niya ng asawa. Tss.
"Isla?" Naguguluhan akong napatingin kay Seah.
"Nalaglag yung baso mo." Dagdag ni Kahlia. Kumunot ang noo ko at napatingin ako sa gilid ng upuan ko at nakita ang bubog ng basong natalisod ko.
"Oh shoot. I'm so sorry. May iniisip lang ako.. t-teka.." Agad akong lumuhod para kunin ang mga piraso ng glass na nakahilata sa semento.
"Aray.." Daing ko nang masugatan ang daliri ko ng bubog na hinawakan ko.
"Isla! Anubayan, ipinalinis mo nalang sana kina manang at nang masugatan ka pa. Tara na't sa loob at gamutin natin yan. Tingnan mo oh, dumudugo na." Nag-aalalang sambit ni Kahlia pero umapila si Kade.
"I'll go with her." Kahlia gave him a glare pero hindi ito natinag. He stood up and grabbed me by the wrist at sabay na kaming pumasok sa loob.
"Kaya ko na to Kade." Sabi ko habang hawak-hawak pa rin niya ang pulsuhan ko.
"Uhuh." Mapilosopong sabi niya at ginamot na ang maliit na sugat sa kamay ko. Tahimik lang ako habang ginagawa niya yon at nang matapos siya ay lumabas na ulit kami.
"Pasensya na sa abala. Malalim lang kasi ang iniisip ko kanina kaya hindi ko namalayang naitabi ko na pala yung baso ko." Nahihiyang sambit ko at umupo na.
"You gave me a fright Isla. Anyways, okay lang. It happens when it happens." Sabi ni Kahlia at nginitian ako, which slightly made me feel better.
"Ano ba kasi ang iniisip mo kanina at parang nawala ka sa sarili mo?" Tanong ni Seah. Napailing nalang ako at hindi na sinabi sa kanila ang mga bagay na iyon. Hindi naman na sila namilit pa at patuloy nalang kami sa pagkukwentuhan.
After ng lunch ay nagtulungan kaming mga babae sa pagliligpit ng mga hugasin at ng kusina, habang ang mga lalake naman ay nililigpit ang grill at mesa sa labas.
"So Isla--"
"You guys can call me Gabbie, or Gab for short. Isla is too formal na. Tsaka, I feel more comfortable with you guys now that I've actually seen a preview of your lives at nakikilala ko na kayo ng onti." Sabi ko, napatingin naman si Kahlia at Seah sakin kaya ngumiti ulit ako.
"Even the boys too." Now it was their turn to smile kaya natawa nalang kami.
"So Gabbie, I'll see you nalang next week sa wedding ko?" Tanong ni Seah. Tumango naman ako.
"You should definitely go shopping with us the day before Seah's wedding. You know naman. Girl bonding." Suggest ni Kahlia kaya tumango-tango kaming dalawa.
"That's a good idea Kahls. Free naman ako buong week, and the preparations have been going well so I guess it's a good time to relax one more time as an unmarried woman." Sabi ni Seah.
"What about you Gabbie? Are you free?" Napaisip naman ako.
"I'll see what I can do. But I might clear out my sched as well.. ang tagal ko nang di nakapag-unwind. Work has been stressing me out lately." Natawa naman silang dalawa.
"You know what?" Tanong ni Kahlia, napahinto naman kaming dalawa ni Seah.
"Pareho kayo ni kambal. You're a workaholic. He's a workaholic. Pareho kayong babad na babad sa trabaho as if wala nang bukas." Natigilan naman ako. Ako? Workaholic? Asa ka pa, kumpara kay Kade? He's truly more workaholic than me. Kita mo? Parang ayaw na ngang mag-lunch dahil lang sa trabaho.
"Hmph. In short Gabbie, bagay kayo. Ayieee!" Tukso naman ni Seah na sinundan ni Kahlia. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa dalawang babaeng to.
Napakamot ako sa ulo ko at tuluyan nang ngumiti.
"Hindi no! Marunong naman akong mag-take a break. Kesa naman kay Kade. Ayaw paawat niyan sa trabaho eh." Sabi ko pa, they both gave me a weird look at tinukso pa ako lalo.
Well, I shouldn't have said that I guess. I mentally gave myself an eye roll.
"You like him don't you?" Tuksong tanong ni Seah, nanlaki naman ang mata ko. What? Naalala ko naman ang pinag-usapan namin nina Taylor at Debby nung pumunta ako ng Boracay. They asked me the same question..
I didn't have an answer.
"Ba't natahimik ka? Don't worry Gabs, your secret is safe with us." Sabi ni Kahlia kaya natawa ulit kami.
"Seryoso nga, gusto mo ba si kambal?" Si Kahlia naman ang nagtanong.
And this time, I don't think I'll have the same answer as the last one.
Umiling ako.
"Okay, ibahin natin.. crush mo ba?" Si Seah.
I looked at both of them, unsure of what I am going to say. Bumuga ako ng hangin at napatingin sa sahig. I looked back at them.
"Maybe a little bit?" They glared at me, and found me guilty. Ah! Bahala na.
"Fine! I have a crush on him. Masaya na kayo?" Inis na sabi ko at bago ko pa maituloy ang susunod na sasabihin ko ay napuno na ang kusina ng tili nilang dalawa.
I leaned on the kitchen counter in realization of what I just said.
Fudge.
I have a crush on Kade Madrigal?
Oh gosh.
It's real. It's really real.
BINABASA MO ANG
Chasing You (On Hold)
Teen FictionWhen a problem arises, tatakbo ka ba? Lalabanan mo ba? O mananatili ka hanggang sa maisaayos iyon? Love isn't just about the rainbows, and the flowers, it's also about the storms and the gloomy weather. But when that time comes, magiging handa ka b...