"..you also have a meeting 12-3 this afternoon, at meron ding appointment with Astra Siason and Heights Records from 3:30 to 5 for the release of her new EP. You will then have a board meeting from 5:15 until 6, to be followed by a personal meeting with Engineer Madrigal--" Unti-unting bumabagsak ang mga mata ko sa patuloy na pag-aanunsyo ni Charlotte ng aking napakahabang schedule ngayong araw.
I have been so incredibly stressed the past month, with dad being away and me still being the sit-in president--sa akin lahat tambak ang mga projects na pending habang inaasikaso ko pa ang kasal nila Seah.
"Miss?" Napatuwid agad ako ng upo at nakita ang nag-aalalang Charlotte, hinilot ko nalang ang sentido ko at tinanguan siya. I don't want to burden her with my miseries.
Speaking of miseries, I haven't been in contact with my friends for quite a while now. Pagkatapos ng kasal, everyone's been kind of back to their normal lives at heto ang normal ko. Nag-aaya man silang gumala o kumain man lang ay hindi ako makapunta nang dahil sa schedule ko.
As for Kade.. well.. I'm not exactly sure what our current status is. It's complicated? Eh wala namang label, pano magiging complicated?
"Kaya nga complicated kasi walang label! Hay nako, bulag ka lang ba talaga o nagmamaang-maangan?" Sabi ni Kahlia nung nag-group call naming tatlo ni Seah maybe two weeks ago. Naglabas nalang ako ng buntong hininga at tiningnan siyang kumakain sa screen.
Siguro bulag na nga talaga ako. Simula nung makilala ko sila, narealize ko na parang wala ako masyadong inaatupag sa buhay ko bukod sa musika. Walang alam sa pag-ibig, walang ring alam sa love-life.
"Hanggang anong oras yung meeting ko with Engineer Madrigal, Charlotte?" Tanong ko sa kaniya. Ni hindi ko nga din alam kung bakit may meeting ako kasama ang lalaking yun eh hindi naman nagkukrus ang landas namin pagdating sa business.
"Ah, eh.. yun nga miss eh, hindi rin naman nakasaad dito sa timetable kung hanggang anong oras siya." Sabi niya sabay kamot sa ulo. I sighed at ipinikit nalang ang mata ko sa stress.
"Cut him off of my schedule. Hindi naman siguro yan importante at nang makapagantay hanggang next week kaya pakisabihan nalang Charlotte, the visit purpose is not specified therefore I will not entertain it." With that, niligpit ko na ang laptop ko para sa susunod na meeting kasama ang mga Velarama. Isa ito sa mga kilalang pamilya sa industriya na gustong mag-invest sa kumpanya kaya medyo natataranta ako at kinakabahan.
"Sige ho miss. Your meeting with the Velaramas will start in 10 minutes." Tumango lang ako at pinalabas na siya nang biglang nag-ring yung telepono ko.
It was Alexus.
Anong kailangan ng mokong 'to at talagang ngayon pa siya napatawag? Sinagot ko nalang ito at narinig ko agad ang masiglang bati ni Alexus De Merced.
"Gabriella Silang! Himala! Sinagot mo rin ang tawag ko- I mean isa sa mga attempt na tawag naming barkada na ikontak ka! Salamat sa kalangitan at binigyan ka ng bagong mga kamay para sagutin itong napakaimportante kong tawag--"
"Anong kailangan mo Alexus?" Diretso kong tanong, and yes. My friends have been trying to reach out to me for the past two days kaya lang sa sobrang busy ko hindi ko na masyadong naaatupag ang sarili kong buhay. Bumuntong hinga nalang ako, pang ilan na ba 'to?
Should I take a break?
"Kahit through the phone Gabbie naririnig ko yung stress mo. Alam mo bang ilang araw ka na namin kinokontak? Ano nagbakasyon ka ba sa banga at hindi mo talaga masagot ang mga tawag namin?" Napangiti nalang ako sa sinabi niya.
Nakakamiss tuloy tumambay at lumabas kasama ang barkada pero alam ko namang bawal muna kasi ang dami pang kailangang asikasuhin sa kumpanya.
"Sadyang napakabusy lang talaga ng linggong to at tumawag kayo--" I sighed and continued..
BINABASA MO ANG
Chasing You (On Hold)
Teen FictionWhen a problem arises, tatakbo ka ba? Lalabanan mo ba? O mananatili ka hanggang sa maisaayos iyon? Love isn't just about the rainbows, and the flowers, it's also about the storms and the gloomy weather. But when that time comes, magiging handa ka b...