NINE
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
"Bakit ka ba nakasimangot diyan? Ayusin mo nga 'yang mukha mo, ang aga-aga nakabusangot." Naiinis kong sabi sa kanya. Pauwi kasi kami ngayon sa bahay nila. Wala naman kasi kaming pasok kaya napagpasyahan naming dalawin ang Mommy niya. Sabi rin kasi sa akin ni Tita Freen na umuwi si Tito Levinn galing sa Rancho. Simula kasi ng mamatay si Lolo Gabriel, si Tito Levinn na ang namahala sa buong Rancho at si Tito Arthur naman ang pumalit sa pwesto niya.
"Sabi mo kasi kakain tayo sa labas, pero hindi mo naman tinupad." Nakasimangot niyang sabi.
"Sabi ko nga hindi na, hindi ba? Kasi nga pupunta tayo sa inyo para dalawin ang Mommy mo." Paliwanag ko sa kanya. Alas otso na ng umaga at kasalukuyang tinatahak namin ang EDSA. Ako rin ang nag dadrive dahil nag-iinarte na naman siya.
"Saglit lang naman tayong kakain ah! Sabihin mo lang ayaw mo akong pakainin." Sabi pa niya. Kaunti na lang talaga kakaltukan ko na 'tong Montemayor na 'to.
"Gutom ka na ba?" Tanong ko sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa kalsada.
"Huwag mo na akong pakainin! Ayos lang naman sa'yo na ginugutom ako." Parang batang sabi niya.
"Hindi na, kakain na tayo. Saan mo ba gusto?" Tanong ko sa kanya. Kapag ganito pa namang nagtatampo siya, ang hirap niyang amuhin.
"Ayoko. Kumain ka mag-isa mo." Nakasimangot pa rin niyang sabi.
"Di 'wag, kakain talaga ako mag-isa ko. Pakielam ko sa'yo." Sabi ko sa kanya. Akala naman niya papatulan ko siya, lagi na lang siyang ganyan.
"Talaga!" Parang batang sagot niya sa akin at tsaka siya nag-iwas ng tingin. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagmamaneho, pero nang makakita ako ng isang fast food chain dumaan ako roon para umorder. Mag dadrive thru na lang ako. Umorder lang ako ng dalawang burger, isang spag at dalawang coffee. Gutumin kasi si Axcel, pero kahit na matakaw siya. Madalas naman siyang mag-jogging tuwing umaga at mag-gym lalo na kung may free time siya. Minsan nga isinasama niya ako mag-gym para raw mapanatili ko ang sexy kong katawan.
"Oh, kumain ka na." Sabi ko sa kanya sabay abot ng burger at spag. Ipinatong ko naman sa may harap ang coffee naming dalawa. Pinagpatuloy ko na ang pagmamaneho pero hindi pa rin siya nagsasalita at ayaw niya akong pansinin.
"Axcel, tigilan mo 'yang pag-iinarte mo. Hindi na ako natutuwa." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Sabi mo wala kang pakielam sa akin, hindi ba? Bakit mo ko kinakausap." Sagot niya sa akin.
"Kinakausap kita dahil may pakielam ako sa'yo, kaya kumain ka na diyan." Seryoso ko pa rin na sabi sa kanya.
"Sabi mo kanina wala."
"Sabi ko lang 'yon, alam mo namang hindi kita kayang tiisin. Lalo na't ganyang katigas ang ulo mo." Sabi ko sa kanya. Alam naman kasi niya talaga 'yon, lagi niya lang akong inaartehan.
"Talaga? Sabi mo 'yan ah!" Nakangiting sagot niya sa akin. Kumagat na siya sa burger na inorder ko.
"Alam mo Heena, pwede ka na naman pumasa sa tipo kong babae eh. Inaalagaan mo ako, kabisado mo na ugali ko, hindi mo ako kayang tiisin. Tsaka sa'yo lang ako ganito. Sure ka bang ayaw mong ituloy natin ang kasal? Kasi sa akin ayos lang." Sabi niya sabay kagat ulit sa burger niya.
"Di ginawa mo akong katulong? Tsaka ang kasal, para sa dalawang taong nagmamahalan lang. Hindi naman natin mahal ang isa't isa, hindi ba? So bakit tayo magpapakasal." Sagot ko sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Maingat kasi akong magmaneho.
BINABASA MO ANG
Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media)
RomancePublished Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3